Chapter 31

27.4K 425 9
                                    

Winona's

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Giselle ngayon sa EK. Nabanggit ko kasi sa kanya na hindi pa ako nakakapunta dito, kahit wala siya masyadong tulog ay pinasyal padin niya ako dito.

"Manyak, medyo nagugutom ako." Yugyog ko sa balikat niya.

Inakbayan naman niya ako. "Tara, kain tayo."

Naglakad na kami papuntang food station. Kahit ano nalang pinipili ko, para kasing ang sarap kainin lahat lalo na't gutom. Umorder na si Giselle habang ako naka upo lang dito sa table hinihintay siya.

"Winona Dimalanta? Ikaw ba yan?"

Inangat ko ang tingin ko at may lalaking nakatayo sa gilid ko. Minasdan ko kung sino ito, pero nagulat ako ng rumehistro ang mukha niya. Ow em? Si Roger! Crush ko nung high school pa hanggang college!

"Roger? Ikaw ba yan?" Sabi ko na tuwang tuwa.

"Oo ako 'to, kumusta kana Winona? Pumuti ka ah, tapos ang ganda ganda mo na!" Grabe siyaaaaaa. Ganun nalang ba ako ka pangit dati?

"Haha, ikaw talaga Roger palabiro ka pa din. Eto okay naman, dito kaba nag ta-trabaho?"

"Hindi dito sa EK, sa Manila. Eh ikaw? Tagal na natin di nagkita ah." Kahit kailan joker padin talaga siya.

"Ganun din, umuuwi ka pa din ba sa atin?"

"Pa minsan minsan. May asawa kana ba ngayon?" Sabay hawak sa balikat ko.

"Ha? Ah, wala pa noh. Ikaw ba? Sigurado ako meron na." Sa gwapo niyang yan, dati dati marami kaya nag hahabol sa kanya sa school. Isa na ako dun!

"Single ako ngayon uy. Penge naman number mo, para magka text naman tayo, kumustahan, hinintay na kasi ako ng mga kasama ko." Inabot niya ang phone habang lumilingon siya sa likod niya.

Walang ano ano ay binigay ko naman ito. Matagal ko naman din kaibigan si Roger. Wala naman siguro masama kung mag kamustahan kami.

"Sige Winona ha, masaya ako na nakita kita. Mag tetext ako sayo, sana mag reply ka ha?" Naglakad na siya papalayo.

"Sige Roger, ingat!" Kaway ko. Paupo na sana ako ng marinig kong may nagdabog sa katabi ko, ay! Si Giselle nga pala.

"Ano yung mga binili mo manyak?" Tinitingnan ko kung ano masarap kainin, ang dami eh.

"Pumili ka nalang diyan!" Lumingon ako sa kanya. Ano kaya problema nito?

"Sige na kain na tayo, gutom na ako eh." Kumagat na ako ng burger.

"Kumain ka kung gusto mo. Sandali lang akong nawala nakikipaglandian ka na. Pati number nagawa mo pa talagang ibigay!" Napalunok ako bigla. Nakita niya talaga yun. Uminom muna ako ng tubig bago sumagot.

"Kaibigan ko lang yun since highschool, nagulat nga ako eh, matagal ko na kasing hindi nakikita." Di kaya't nag seselos 'to?

Hindi na niya ako sinagot, diretso lang tingin niya sa kabila at nag tagpo pa mga kilay.

Yumakap ako sa kanya. "Manyak, sorry na. Kaibigan ko lang talaga yun. Natural lang na hingin niya number ko kasi close ko yun dati at matagal na kaming di nakapag usap or kita. Sana wag mo nalang mamasamain." Nakapatong na ulo ko sa shoulder niya.

Nagbuntong hinga muna siya bago lumingon sa akin at hinalikan ako sa ulo. "Pasensya lab, nadala lang ako sa init ng ulo, siguro dahil wala pa akong tulog."

"Gusto mo uwi na tayo para maka rest ka?" Kawawa naman girlfriend ko. Pagod na pagod lage sa trabaho.

"Hindi yan lab. Kaya ko 'to, importante mag e-enjoy tayo ngayon. Sige na kain na tayo." Hinapit niya bewang ko at kiniss ako sa pisnge. Ang sweet niya talaga kahit walang tulog.

Sa isang taon namin ni Giselle, mangilan ngilan lang ang mga away namin. Hindi kasi siya pumapayag na mag tapos ang araw na magkagalit pa din kami. At kahit busy siya sa work, nag e-effort padin siya na maglaan ng oras sakin. Lalo tuloy akong naiinlab sa manyak na 'to.

Natapos ang araw namin na nag enjoy kami pareho sa EK date namin.

Pag dating ko ng boarding house ay naka received ako ng text sa di kilalang number.

"Hi Winona! Roger to. Save my #."

Nireplayan ko naman agad 'to.

"Hello. Sige sisave ko."

"Sleep kana ba? Text muna tayo."

Mga ilang oras din kaming magkatext ni Roger, kamustahan lang. Hindi ko na namalayan ang oras halos midnight na. Kanina hindi pa kasi ako inaantok tapos si Giselle nag goodnight na dahil antok na daw siya.

"Roger matutulog na ako ha. Good night."

"Sige Winona, goodnight din. Okay lang ba kung magkita tayo next week yung available ka?"

Hmmm. Napa isip ako? Okay lang naman siguro magkita kami. Wala naman masama, magpapaalam nalang ako kay Giselle.

...

Ilang days nadin kami hindi nakapagkita ni Giselle, sobrang busy daw siya sa work niya. Nakakainis lang kasi dati kahit sobrang busy niya nagagawa naman niya akong sunduin.

May naisip akong idea, pupunta nalang ako sa condo niya para isurprise siya. Magdadala ako nag paborito niyang pagkain. Tutal kakatext lang din naman niya na naka uwi na siya.

Sa boarding house ay nag ayos na ako, umalis at nagtake out ng pagkain. Paborito niya kasi yung bulalo, di bale pagdating dun iinitin ko nalang.

Habang nasa byahe ay nakaramdam ako ng kaba. Baka naman dahil sobrang miss ko na siya at na eexcite lang talaga akong makita siya. Oo yun nga!

Ng makarating sa condo ay diretso ako sa elevator, press 16. Argh! Bakit ba ako kinakabahan. Pagbukas ng elevator ay lumabas na ako. Binuksan ko bag ko at hinanap ang susi, binigyan niya kasi ako ng duplicate dati dahil nung nagkasakit siya halos magkanda ugaga na ako sa pagkatok.

Pagkakita ko ng susi ay agad kong binuksan ang pinto.

Pagbukas nito ay laking gulat ko nalang sa nakita ko. Natulala ako at nabitawan ang dala ko.

Giselle!!

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Where stories live. Discover now