Chapter 11

39.4K 736 45
                                    

"Salamat ha!" Ngiti ngiting sagot ko. "Halika sakay na tayo." Turo ko sa kotse ko.

"Ayoko jan. Mag jeep nalang tayo! Sa unahan lang naman yung kakainan natin." Aya niya.

"Ah okay sige." Sumangayon nako. Ayoko mabadtrip siya, magalit na naman.

Pumara na siya nag jeep tas sumakay na kami. Hindi ko naman ito first time pero todo siksikan naman. Parang kalahati lang upo ng pwet ko. Si Winona wala namang pakialam sa posisyon ko. Katabi ko lang siya.

Ng biglang nagpreno ang jeep at bigla akong nahulog sa kinauupuan ko. Aray! Nakita ko lang tumawa si Winona. Argh nakakahiya. Bumalik na ako sa pagkaupo at sumiksik ng sumiksik para makapwesto, sama nga ng tingin sakin ng katabi ko.

Mga ilang minuto din may napansin akong lalaking kanina pa kinukulikat ang bag ng katabing babae. Wala naman kamalaymalay yung babae.

Hmmm, teka? Magnanakaw to eh.

Magnanakaw nga!

Ng mag stop over ay sumigaw nako sa loob ng jeep.

"Magnanakaw! Miss! Ninanakawan ka niya!" Walang isang minuto ay nagsilabasan na lahat ng tao sa jeep. Ako naman hinila palabas ni Winona. Nakita ko nalang yung magnanakaw tumakbo na papalayo.

"Sira ka ba! Bakit mo ginawa yon?" Sigaw niya.

"Ano? Eh ako na nga tumutulong. Hindi mo ba nakita yun? Ninanakawan na yung Ale." Sagot ko.

"Tara na nga! Maglakad nalang tayo." Hinila na niya ako.

Ng makarating, pumasok na kami sa isang carenderia. Sabi ni Winona masarap daw bulalo nila. Wala naman akong pili sa pagkain kaya lang ang init init sa loob eh.

"Ay! Hala!" Tumingin ako kay Winona na para bang may inaalala. "Nakalimutan nating magbayad sa jeep!"

"Oo nga noh? So pano yun?" Sagot ko.

"Ewan. Ikaw kasi!" So kasalanan pala ngayon ang tumulong.

Kumain na kami, tama nga siya, masarap nga. Tapos ang init init pa, pinagpapawisan nako. Pagkatapos namin kumain, nag offer akong ihatid siya. Pumayag naman. Nag jeep nalang kami ulit, kasi ayaw niya sa kotse. Habang nasa byahe ay nakatulog ako sa sobrang pagod.

Pagdating sa boarding house niya nagmamadali na siyang pumasok.

"Sige dito nalang, umuwi kana. Salamat." At umalis. Tong babaeng to! Di manlang ako hinintay magsalita. Hayst!

Pumara na ako ng taxi at pagkadating sa condo ay diretso na ako naligo. Ang lagkit at ang baho ko na. Dami kaya nangyari today.

--

The next morning maaga padin ako pumasok sa coffeeshop. Nag taxi na muna ulit ako.

Pagdating na pagdating ni Winona ay inutusan na niya ako. Naglinis ako sa kapaligiran, nagpunas ng tables and chairs, nag hugas pati narin CR nilinis ko. Grabe kapagod! Ngayon ko lang narealize ang hirap pala ng ganito, yung lageng nakatayo tapos maraming ginagawa.

Pagkatapos ay hinintay ko na naman si Winona mag out. Ewan ko ba, wala namang nag utos sakin maghintay pero parang gusto ko lang. Nag enjoy kasi ako kahapon, kahit saglit nawala yung pagod ko.

Kanina pa nga ako inutus-utusan pero parang wala lang sakin kahit naka simangot pa buong magdamag si Winona.

"Huy! Umuwi kana!" Sabi ng babaeng kanina pa naka simangot. Nag out na ata siya.

"Hinihintay kita, sabayan kita pauwi." Tumayo nako at lumapit sa kanya.

"Wag na!" Inirapan lang ako. Hinabol ko naman siya.

"Sige na Winona." With matching pout ng lips.

"Umuwi ka na! May lakad ako." Sabi niya habang hawak ang sling bag niya.

"San naman?" Marunong din pala gumala tong babaeng to.

"Paki mo?"

"Sama ako please?"

"Ang kulit mo talaga!" Napakamot nalang siya sa ulo.

"So sama ako? Yey! Tara sakay sa kotse. Dito nalang tayo, na iwanan ko kasi to kahapon, tsaka baka may holdupan na naman sa jeep." Aktong bubuksan ko na ang sasakyan. Sumakay nadin siya.

"Sanay na ako sa holdupan na yan. Tsaka wala naman siyang makukuha sakin. Sa 600 pesos kong phone na to?"  Pinakita pa niya yung phone niya na samsung e1200. I chuckled, ang cute niya.

"Mag seat belt kana madam!"

Naka seatbelt na ako at lahat pero siya hindi padin mapakali.

"Ako na nga!" Pinakita ko sakanya pano mag seatbelt.

---

Nagtaka ako kasi andito lang na area yung boarding house niya.

"Tabi mo lang jan." Turo niya sa gilid.

"San ba lakad natin?"

"Fiesta dito ngayon. Naghanda yung may ari ng boarding house at nag invite."

Lumabas na kami ng kotse. Madami dami din yung tao sa paligid. May mga nag iinuman sa gilid at videoke.

Pumasok na kami ng bahay ng landlady niya. Sakto lang yung dami ng tao. Ipinakilala niya din ako.

Habang kumakain ay pinagmamasdan ko lang si Winona. Nakikipagusap siya sa katabi niya. Ang cute pala niya noh? Kulot pero mahaba yung buhok niya, mga mata niya may halong intsik, nawawala pag tumatawa siya. At yung lips niya, hmmm? Kissable. I once conquered it. Wait what?

"Tapos kana?" Tanong niya habang nakatingin sakin.

Oops. Nakita niya ata akong nakatitig sa lips niya. "Ahh, oo. Masarap yung food. Salamat ah." Ngiti ko sa kanya.

Ng mabusog ay nagpaalam na kaming lumabas. Naglakad kami papunta sa boarding house niya.

"Sige Giselle, salamat." Sabi niya ng dumating na kami sa pinto ng bhaus niya.

"Thank you din Winona. Sobrang nag enjoy ako." Ngumiti lang ako. Papasok na sana siya ng --

"Ay Winona, may gagawin kaba bukas?" Tanong ko.

"Wala maglalaba lang siguro." Sagot niya.

"Sige samahan kita maglaba. After nun pwede ba tayo manuod ng sine?" Tanong ko ulit.

"Huh?" Nagtataka siya. "Sasamahan moko maglaba? Sira!" Tumawa lang siya.

"Oo, wala naman kasi akong gagawin eh. Weekend kaya. Sige na please."

"Ayan na naman yang please mo! Bahala ka nga." Sabi niya.

"Yey! Pahingi nga pala ng number mo." At inabot ko yung phone ko. Dinial niya yung number pero pag abot sakin parang kulang.

"Ahh Winona tama ba to? Parang kulang eh, 10 digits lang." Napakunot noo ako.

"Ikaw na bahala magdagdag sa huli! Bye!" Tsaka siya umalis. Pwede ba yun? Pati ba naman number ipagkait pa. Itetext ko nalang lahat ng number from 0-9 sa last digit.

Naglakad na ako papuntang kotse. Pero habang tinitext ko lahat ng numbers ay may naririnig ako sa likod ko na ingay. Pag lingon ko ay tumatakbo yung iilan papunta sakin.

"Tabi!"

"Takbo na!"

Ano bang nangyayari? Sabi nung isang mama tumakbo na daw ako. Eh bakit ako tatakbo? Napakunot noo ako. Ilang segundo ay may nakita na akong lalaking may dalang itak galit na galit papunta sa direksyon ko.

Nanlaki mata ko. Omg? Agad agad ay kumaripas na ako ng takbo! Para akong sumali sa olympics ng 100m sprint! Waaaaa kaloka halos katapusan ko na nun. Lasing ata yung lalake tapos ng hahanap ng away. Bwisit!

Hinihingal akong pumasok sa kotse. Halos mamatay na ako sa kaba dun ah?!

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon