Chapter 33

24.4K 437 7
                                    

ILANG ARAW ko ng sinusuyo si Winona matapos ang insidenteng yun sa condo. Lage kong tinitext at tawag pero tipid naman mag reply, rejected pa lahat ng calls, mostly nga eh walang reply! 'Pag sinusundo ko naman lage ko siyang di naaabutan sa coffeeshop. Grabe naman siya? Ayaw niya ba talaga akong makita at marinig man lang explanation ko sa kanya?

Ngayon andito na naman ako sa coffeeshop, hinihintay si Winona pero malakas ang kutob ko naka uwi na naman ito. Pumasok ako at kinausap si Arlo.

"Good afternoon Arlo. Andyan pa ba si Winona?" Tanong ko.

"Uy Mam Gi, ikaw pala. Wala eh naka alis na, naka early in kasi siya."

"Ah sige salamat Arlo alis na ako. Hello Joey!" Kumaway nadin ako kay Joey ng makita ko.

Tsk! Asan kaya siya. Puntahan ko nalang sa boarding house niya. Nag drive na ako papunta, pinarada ko sa may gilid. Lalabas na sana ako ng nakita ko si Winona naka tayo sa labas nakatalikod. Alam kong si Winona 'to, sa tagal ba naman namin kabisado ko na bawat galaw at itsura niya. Pero sino yung lalaking kausap niya? Hinawakan pa balikat niya. Peste! Makalabas nga!

"Winona!" Naglakad nako papalapit at lumingon naman siya.

"Gi-giselle."

"Ba't di kana nag rereply sakin? Pati tawag di mo sinasagot. Ni hindi mo man lang ako mahintay sa coffeeshop para sunduin ka. Ano ba talaga balak mo?" Wala nakong pakialam kung may kasama siya.

"Gusto ko lang mapag-isa." Sagot niya.

"Ano?! Mapag-isa?! Eto ba tawag mo sa 'gusto ko lang mapag-isa' ha?" Tinaas ko ang isang hintuturo ko at ginaya ang sinabi niya.

"Ahh miss, ako nga pala si Roger, kaibigan ni Winona." Inabot niya kamay niya pero tiningnan ko lang ito at inirapan.

Ilang araw na din akong walang tulog kakaisip sa babaeng 'to, ni wala man lang paki alam sakin! Kaya wala na talaga ako sa mood ngayon.

"Kinakausap ba kita?" Sagot ko kay Roger na papansin. "Bakit magkasama na kayo na hindi ko nalalaman?" Humarap ako kay Winona at tinanong siya.

"Wala kang pakialam, kaibigan ko siya at wala kaming ginagawang masama hindi kagaya mo."

"Ah excuse me lang Winona, baka kailangan niyo muna mag usap. Sige kita nalang tayo sa susunod." Nag init bigla ang dugo sa narinig ko. Ano? Magkikita pa sila sa susunod? Hayop to ah!

"Hoi burger! Or ano man pangalan mo. Ako si Giselle! Girlfriend ni Winona. Kung may balak kang manligaw dito tigilan mo na kung ayaw mong sapakin kita o bunggo-in nitong sasakyan." Hindi naman talaga ako ganito pero kasi kulang na ako sa tulog, para na akong mababaliw tapos aabutan ko pa ng ganito. Nag sama na lahat! Kaya eto ang maldita ko na. Nakakainis lang kasi 'tong lalaking 'to! Kala niya hindi ko alam mga the moves niya.

"Pasensya na Roger." Tumango na ito at umalis. Buti naman dahil kung nakikisali pa siya baka masipa ko siya ng wala sa oras. Wala kasi talaga ako sa mood! Ayan pa ulit ulit nako. Argh!

"Ano ba Winona? Ano ba nangyayari sayo?" Hindi ako sinagot nito at naglakad papasok ng boarding house niya. Sinara niya yung pinto pero naharangan ko gamit ang kamay ko pero sa lakas ng pagsara ay na ipit ang daliri ko.

"Aray! Aww aww ang sakit. Shit!" Halos maiyak na ako sa sakit. Namumula yung kamay, argh. Sakit talaga.

"Umalis ka nalang! Kailangan kong mapagisip isip."

Humakbang na ako papasok. Sakit pa ng kamay ko, wala man lang bahid ng pag alala galing sa kanya.

"Hindi pa ba sapat yung ilang araw mo na akong di kinakausap? Please lab, nagmamakaawa ako, pakinggan mo muna ako. Please?"

Tiningnan niya lang ako habang hinihimas ko ang kamay ko.

"Lab, sorry talaga sa nangyari. Yung totoo, pumunta siya sa condo ko ng pabigla bigla, matagal na kaming di nakapag usap nun, mga almost 2 years na din siguro, bigla nalang siya pumasok at pinaghahalikan ako. Sana nakita mo yung nagpupumilit talaga akong itigil niya yun."

"Alam mong nakakapagod kana Giselle. Ang weak mo! Pagdating sa mga babae mo mahina ka! Kahit kailan buhay padin diyan sa ugat mo ang pagiging playgirl!" Umalis na siya sa harap ko at agad naman akong tumakbo para pigilan siya.

"Please lab? Kung gusto mo lumipat na ako ng ibang condo para wala ng makapunta dun. Lab mahal na mahal kita. Alam mo yan. Nagbago ako dahil sayo."

"Umalis ka na muna Giselle. Magiisip lang ako."

Lumuhod ako at tumulo na ang luha ko. Nanghina na ako at para bang wala na akong lakas na tumayo pa.

"I'm so sorry Winona."

Halos isang oras na akong naka upo sa labas ng kwarto niya. Nung pumasok siya ay nilock na agad niya ang pinto. Siguro nga tama siya, bigyan ko na lang siya ng time at space para makapag-isip.

Umalis na ako at dumiretso sa bar. Hindi din naman ako makatulog kaya iinom nalang ako, eto nalang pag asa ko. Kasama ko si Gabrielle ngayon.

Buti pa yung kaibigan hindi ka iniiwan.

"Gab ano gagawin ko? Si Ate pinipressure na ako umalis para mag aral. Kahit anong sabihin ko decided na siya na pag aralin ako sa labas." Sabay inom ko ng san mig light.

"Sus, saglit lang naman yang 2 years eh. Sa bilis ng panahon ngayon, kaya mo yan. Kung si Winona yung iniisip mo, ako na bahala. Hangga't maaari, bantay sarado yun sakin." Tumungga nadin siya.

"Hindi ko na talaga alam Gab. Ayaw naman niya ako kausapin eh. Baka nga pag nagkausap kami ulit makipag hiwalay na yun." Ang sakit isipin. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Laking problema talaga 'tong mga babae.

"Late na ba ako?" Lumingon ako at umupo sa tabi ko si Finn. Napapagitan ako nilang dalawa ni Gab.

"Andito ka Finn?"

"Bakit hindi pwede? Ikaw talaga. Tinext ako ng pinsan mo oh." Humarap siya sa amin tapos nag order. "One margarita." Sabi nito sa bartender.

"Finn, alam mo ba, Giselle here is going to take up MBA sa Europe this school year." Kwento nito. As if naman may pakialam 'to.

"Really?! Don't tell me same tayo??" Hinawakan ni Finn ang balikat ko.

Naalala ko, oo nga pala noh. Nag aaral nga pala si Finn dun.

Nagkwentuhan nalang kami buong gabi. Atleast nawala yung sakit sa puso ko.

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon