Chapter 12

38.7K 702 31
                                    

Pagdating ko ng bahay naligo nako at lahat. And daming ganap this day kailangan ko magrefresh.

Pagkatapos ko maligo tiningnan ko cellphone ko kung may nag reply. Naalala ko kanina tinext ko lahat from 0-9 na ending sa 11th digit ng number niya, pano ba naman kasi 10 digits lang binigay niya.

Me: "Hi. Giselle here. Si Winona ba to? :)"

Pag tingin ko may mga ilan ilan din nag reply. 3 messages received.

Msg 1: "Hu u? Wrong send ka!"
Msg 2: "Who's Giselle?"
Msg 3: "Hndi aq c winona"

Hay. Walang reply galing kay Winona. Nag lotion nalang ako tsaka nag bihis. Umupo sa bed at nanuod ng paborito kong TV series na Orange is the New Black. Ang hot ni Ruby Rose dito eh.

Matutulog na sana ako ng biglang umilaw phone ko.

1 message received.

09********8: "Matulog kana manyak!"

Bigla akong kinilig! Alam kong si Winona ito, wala ng ibang tumatawag sakin ng ganyan. Ayeee, ang saya ko! Waaa bakit ba ako kinikilig sa isang text lang niya. Omg! Nag text back ako.

Giselle: "Ang dami kayang ng reply ng ibang number pero yung reply mo hinihintay ko. Bat ang tagal?"

Winona: "Namamalantsa pa ako. Sige matulog kana. Goodnight!"

Giselle: "Oy wait! Di pako sleepy eh. Namamalantsa ka padin ba?"

Winona: "Tapos na. Matutulog na ako. Goodnight!"

Giselle: "Sige goodnight Winona :)"

My God. Ano ba tong nararamdaman ko? Sobrang kinikilig ako. Yung ngiti ko ngayon hanggang Mars. Gusto ko na ba siya? Hindi naman siguro. Pero iba eh, masaya ako kapag kasama ko siya. Excited na nga ako makita siya bukas. Whew! Makatulog na nga lang.

--

Kinaumagahan ay maaga akong nagising at naligo. Nagsuot ako ng grey sweatshirt and fray denim shorts tska toms na white shoes.

Nagdrive na ako papunta kay Winona. Habang ng da-drive ay tinext ko siya.

Giselle: "Good morning. Gising kana?"

Nagdrive thru muna ako sa Jolibee at bumili ng pang breakfast.

1 message received
Winona: "Kakagising lang."

Ng makarating nagtext na ako na nasa labas na ako ng boarding house niya at naghintay. Nagulat siya paglabas niya.

"Ano ba yan? Tinotohanan mo talaga pagpunta? Umuwi ka na! Kaya ko naman maglaba eh!" Kinusut kusot pa mata niya, halatang kakagising lang. Naka short pangbasketball pa siya at PE shirt. Ang cute ng pantulog. :)

"Db sabi ko naman sayo tutulungan kita maglaba. Hindi ako masyadong marunong eh, papaturo ako sayo baka kasi sa coffeeshop paglabahin moko, atleast ready ako." Ngiti ngiti ko.

"Sira kaba? Bakit naman kita paglalabahin dun?" Sagot niya.

"Ehhh basta! For experience nadin! Papasukin mo na ako, lalamigin tong food na dala ko." Sabay taas ko sa pagkain na dala ko.

Inirapan niya lang ako at pumasok na siya sa loob. Agad ko syang sinundan. Tumingin tingin ako sa paligid, malinis naman ang bahay, mga 5-6 rooms siguro andito. Ng maka akyat ay pumasok na kami sa kwarto niya.

Ang liit lang ng kwarto niya. 8-10sqm lang ata. Pagpasok single bed niya agad katapat.

"Patong mo lang jan." Sabi niya.

Pinatong ko na pero niyaya ko na siya kumain. Since wala naman table ay sa bed nalang kami kumain. Kahit ganitong posisyon ay masaya ako. Nakita ko kasi ng bagong gising si Winona. Hihi.

"Salamat sa food. Pero umuwi ka nalang. Ayoko paglabahin ka." Sabi niya habang nililigpit yung lalagyan ng pagkain.

"Ayoko! Dito nako, maglalaba pa ako. Wag kana maarte jan. Gusto kong tumulong."

"Konti lang naman lalabhan ko eh!" Pamewang niya pa.

"Ganun naman pala. Sige magsimula na tayo kasi manunuod pa tayo ng sine after." Tumayo na ako.

"Teka teka lang. Manunuod ng sine? Ayoko nga. Wala ako sa mood lumabas ng bahay." Sagot niya habang tinataas yung kamay niya.

"Ayaw mo? May bagong palabas ngayon eh. Yung tagalog movie. Sige ka baka idols mo yun." Nagtaka siya sa sinabi ko. Nagisip muna siya. Pero bago paman may masabi siya hinila ko na siya.

"Tara na Winona! Maglaba na tayo. San ba dito yung lalabhan?" Tinitingnan ko sa gilid kung san yung laundry basket niya. Pero wala.

"Magbihis ka nga. Maglalaba ka ng nakaganyan? Ano ba pupuntahan mo laundry party?" Kumuha siya ng damit sa orocan drawer niya at inabot. Nagbihis nalang din ako.

"Hayst! Tara na." Kinuha niya yung mga damit na binalot ng bedsheet. Bumaba na kami at lumabas. Dun kasi kami maglalaba.

Habang tinuturuan niya ako maglaba ay di ko maiwasang magtanong.

"Winona ilan ba kayo magkakapatid?" Tanong ko habang nag kukuskos.

"3. Ako panganay." Walang emotion na sagot niya.

"So nasa probinsya sila ngayon?"

"Oo nag aaral pa." Sabi niya habang nag bubuhos naman ng tubig.

Pagkatapos ko ng isang blouse niya ay bumunot ulit ako sa planggana. Nagulat ako ng bra ang makuha ko, itinaas ko pa at tiningnan kung bra ba to.

Ay naku bra nga! Walang isang minuto na hinablot ni Winona ang bra na hawak ko. Gulat na gulat.

"Ako na maglalaba nito! Manyak mo talaga!" Tsaka ako inirapan.

Ngumiti lang ako sa kanya. Na alala ko tuloy yung nangyari saming dalawa.

"Ano iniisip mo ha? Maglaba ka nga ng maayos jan! Pag uminit ulo ko palalayasin kita dito." Galit na sabi niya.

Tumahimik nalang ako at nagpatuloy ng paglalaba. Hay kapagod pala maglaba, sakit sa kamay at likod. Pero magandang exercise nadin to.

Ng matapos ay umakyat na ulit kami sa kwarto. Nagbihis ako at humiga na muna, sakit ng buong katawan ko eh.

"Huy. Dito ka na muna may bibilhin lang ako sa baba." Sabi niya. Pumikit na ako.

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Sa kama niya.

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Where stories live. Discover now