Chapter 62

23.3K 446 20
                                    


SA SANDALING nagkatitigan kami ni Giselle, dumako ang paningin ko sa mapupula niyang labi. Matagal tagal nadin ang panahon nung huli kong malasahan ang matatamis niyang halik. Naka focus lang ako sa mga labi nito at naramdaman kong unti unti na pala itong lumalapit. Bigla akong kinabahan at tanging naririnig ko lang ay ang pintig ng aking puso ko, ang ingay, nakakabingi.

Ilang centimetro nalang at mararamdaman ko na to, pumikit ako at hinihintay ang hmmmm?

"Mommy?"

Nagising ako sa katotohanan na hindi lahat ng hihintayin ay dumadating.

"Baby?!" Agad na tumayo si Giselle at lumapit sa anak nito. Dumilat ako at lumingon sa kanila. Hindi maitago ang kasiyahan sa mukha niya ngayon ng makitang gising na ang anak niya.

Habang napapangiti ako sa nakikita ko, naisip ko, matagal na pala akong tumigil sa paghihintay sa kanya, pero nung mga oras na 'yon hindi ko mapigilang gustohin na makita siya. Pumunta ako sa kasal niya, sa gilid nakatingin lang. Minamasdan siya kung masaya siya sa decisyon niya. Habang naglalakad siya pa altar, hindi ko mapigilang isipin na sana naglalakad siya papunta sakin. Sa mga pagkakataong halos magkaabutan na kami sa isang lugar, umiiwas ako para lang di kami magkasalubong. Ginawa ko lahat ng pag iwas, pero hindi ko din maiwasang tingnan siya sa malayo. Kahit bukal sa kalooban kong umalis sa kompanya ni Ate Steph, ginawa ko para sa sarili ko nadin.

Tanga na siguro ang taong naghihintay sa wala at masasabi kong tanga talaga ako. Pero kung nagmamahal ka ng tunay naiisip mo pa ba yun?

Perhaps, it just makes us all more human to be foolish, hopeful, vulnerable and stubborn, all at once.

"Baby, si Tita Winona mo pala." Pakilala ni Giselle sa anak niya sakin.

"Hello Luke." Bati ko kanya.

"Mommy, she's the pretty girl." Sagot nito. Napakunot naman ang noo ni Giselle. Sabi ko nga dati, nakita ko na mga anak niya sa playground. Dumadalaw ako don dahil part ng trabaho ko ang icheck ang qualidad ng mga ginagamit na materyal sa isa sa mga business ng Sandoval. Kinwento ko ito kay Giselle.

"Do you like her baby?" Tanong nito. Tumango lang si baby Luke at ngumiti. "I feel the same baby." Dugtong pa ni Giselle.

......

UMAGA ng magpaalam ako kay Giselle dahil magkikita pa kami ni Gab. Nagpapasama kasi siya bumili ng gift dahil okay na sila ni Abby. Matapos akong mag ayos ay lumabas na ako ng bahay dahil susunduin ako ni Gab. Pagpasok ko ng kotse ay bumungad sakin ang isang cute na bata na yakap yakap ang teddy bear niya, si Leia, baby ni Giselle. Nakaupo siya sa backseat.

"Winona, pasensya. I'm baby sitting this cutie today kasi may lakad ang family ni Ate Steph." Sabi ni Gab. "Leia, say Hi to your future Mommy. Awwe, to your Tita Winona pala." Sabay tawa niya ng malakas. Nasampal ko tuloy balikat niya.

"Hello Leia." Sabay lingon ko dito at ngumiti. Katulad ng napagmasdan ko sa kapatid nito, pareho lang sila ng features, kambal nga diba? Pero si Leia may nunal sa ibabaw ng labi niya na nakakapagdagdag ng cuteness niya.

"Hello!" Kumaway ito at ngumiti. Nakakagaan sa loob makakita ng mga bata.

.....

Pagdating sa mall ay palakad lakad kami para maghanap ng maibibigay niyang gift. Mabuti nalang at hindi makulit si baby Leia, kadalasan nagpapakarga lang siya kay Gab. Hindi ko tuloy mapigilang manggigil sa batang to.

"Winona hawakan mo muna si Leia please? Tingnan ko lang to."

I'm more than willing kaya agad kong hinawakan ang kamay ni Leia. Pero ilang sandali ay ginalaw niya pagkakahawak sakin at umakto na magpapakarga siya. Kahit naman maliit ako pero sa cute na chikiting nato ay hindi ako makakatanggi. Inangat ko siya para kargahin, medyo mabigat. Agad naman niya akong niyakap at sumandal sa balikat ko, inaantok na yata.

"Baby, you're sleepy?" Bulong ko. Tumango lang siya. Ilang sandali palang ay parang tuloyan na siyang natulog. Mahimbing ang tulog niya sa balikat ko.

"Oh? Tulog?" Tanong ni Gab na kakabili lang.

"Oo ata." Tiningnan niya ito at sumenyas na tulog na nga.

Umuwi na kami sa bahay ni Ate Steph pagkatapos. Don kasi muna nag stay si baby Leia habang binabantayan pa ni Giselle si Luke sa hospital.

"Winona? Pwede favor ulit? Aalis lang ako saglit para ibigay to kay Abby. Babalik din ako. Ikaw na muna magbantay ha? Pauwi nadin si Ate Steph." Sabi ni Gab.

"Sige, okay lang." Pero sa kaloob-looban ko, paano na neto? Hindi ko pa naman alam ano gagawin if ever magigising ang bata. Baka mag hanap ng gatas, hindi ko alam ang tamang timpla. Buti nalang nabasa ni Gab ang pagaalala ko.

"Don't worry, if may kelangan ka, hanapin mo lang o katokin mo lang sa kwarto si Yaya Bern."

Ng makaalis si Gab ay umupo lang ako sa kama katabi ni Leia at nanuod ng TV, hininaan ko lang baka magising. Hindi ko namalayan na nakatulog nadin pala ako. Nagising ako ng maramdaman kong may humahaplas ng buhok ko. Unti unti akong dumilat at naka upo pala si Leia at tinitingnan lang ako.

"Hmmm? Baby you're awake." Tumango lang ito. "You're hungry?" Tumango ulit. Nahihiya pa siguro. Kinarga ko siya at dinala sa baba, mahilig talaga siyang magpakarga. Buti nalang naabutan ko si Yaya Bern naghahanda ng meryenda.

Pinaupo ko si baby at sinubuan para makakain. Sabi kasi ni Yaya Bern mas gusto niya sinusubuan siya kagaya ng ginagawa ni Ate Steph kapag nagbabantay sa kambal. Pagkatapos kumain ay sinamahan ko siya sa sala, mahilig daw siya manuod ng cartoons. Magkatabi lang kami ngayon at hindi ko ma explain ang feeling na ang sarap pala ng ganito.

"Winona?" Lumingon ako at si Giselle ang nakita ko.

"Mommy!!" Sabay tayo at takbo ni Leia papunta sa Mommy nito. Lumuhod naman si Giselle para salubungin ang baby niya.

"Hello baby. How are you ha?"

"I'm okay Mommy. Tita is here."

"Say thank you to Tita for taking care of you." Sabi ni Giselle at sabay sila tumingin sakin. Nag thank you naman ang bata. Kinarga niya ito at lumapit sakin.

"Pasensya na ha, akala ko talaga si Gab nagbabantay. Tumawag siya sakin para sabihin pinababantayan niya muna sayo."

"Okay lang, free naman ako."

"Kumain kana?" Tanong niya.

"Oo, ikaw? Parang hindi pa ata. Kumain kana, naghanda kanina ng meryenda si Yaya Bern."

Pumunta kami ng kitchen at sinamahan ko si Giselle kumain. Habang si Leia naman abala sa paglalaro sa gilid.

"Thank you talaga ha. Naabala kapa."

"Wala yun noh. Nag enjoy naman akong bantayan ang baby mo."

Saglit na natahimik kami at parang malalim ang iniisip ni Giselle. Ilang sandali pay nag salita na siya.

"You should know by now that if you come any closer, I'm not letting you go."

.....

A little bit of revelation from Winona's past on the next chapter. 👍🏻

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Where stories live. Discover now