Chapter 32

23.3K 483 32
                                    

Giselle's

Ilang araw na ang nakalipas nung sinabihan ako ni Ate na kailangan kong mag aral ng MBA sa Europe. At first ayoko talaga, dahil malalayo ako kay Winona. Pero ng inexplain naman ni Ate na kailangan ko yun sa growth ng business at sa akin ay wala nadin akong nagawa. Si Kuya Raffy nalang daw muna papalit sa trabaho ko. 2 years lang naman ang kailangan para tapusin ko yun.

Ilang araw ko na din hindi nakikita si Winona dahil sobrang sadsad ko sa trabaho, andami naman kasi pinapagawa ni Ate. May days pa na uma-attend ako ng seminar.

Pagod na pagod ako everytime umuuwi ng bahay, lage nalang akong tulog agad. Di bale, babawi nalang ako sa kanya pag off niya.

Pagdating ko ng condo ay agad akong umupo sa sofa at nanuod ng TV, mag oorder nalang siguro ako ng food, nakakapagod lang talaga ngayon.

Hindi nga pala ako nagtetext kay Winona. Kinuha ko yung cellphone ko, magtetext na sana ako ng may nagdoor bell. Tumayo ako at binuksan 'to.

"Grasya? Andito ka?"

Si Grace, isa sa naka fubu ko dati. Matangkad at sexy , yun talaga yung plus factor sa kanya, lakas ng sex appeal. Pero sobrang flirt nito eh. Feeling ko kahit sino go ito.

"Why? Nagulat kaba Honey?" Sabi niya habang hinihimas ang shoulder ko.

"Hindi ba halata? Bigla ka nalang sumusulpot sa condo ko. Tagal na kaya natin hindi nagkita."

Pumasok na siya at nasandal sa kitchen counter, malapit lang kasi ito sa pinto.

"You know naman I travel a lot. Busy lang, pero na miss kita hon. At yung ginagawa natin dati." Sabay smirk niyang sabi at lumapit then she wrapped her arms around my neck.

"Grasya may girlfriend na ako eh." Sabi ko.

"Huh? Bakit nagpapatali kana ngayon?" Inangat niya mukha niya habang tumatawa siya ng malakas, kitang kita ko tuloy cleavage niya. Arghh, stop staring at it Giselle, nawawala ka sa katinuan! "Well, mas masaya nga yun eh, masarap yung patago nating ginagawa." Sabi niya habang naka tingin sa lips ko.

Walang ano ano ay hinalikan na niya ako, Giselle may girlfriend ka! Wag! Pigilan mo. Inalis ko mukha ko at pilit tinatanggal ang kamay niya sa batok ko, pero malakas siya kaya mas diniin pa niya mukha ko sa kanya at hinalikan ulit.

"Ahh. Wag mo pigilan hon. Masakit yan." Sabi niya ng nakaka-akit. Hinalikan niya ulit ako. Kahit masarap ang lips niya pero hindi talaga 'to tama.

Nagulat ako ng bumukas ang pinto at nakita kong si Winona nakatayo. Patay! Hindi ko alam ang gagawin ko ng makita ko siya. Yung kaba sa dibdib ko ay parang nagwawala na. Ilang segundo din akong nakatayo sa pwesto ko at ganun din si Winona.

Bumalikwas agad ako kay Grasya at akmang lalapitan ko na sana si Winona ng tumakbo siya papunta kay Grasya at sinabunutan ito.

"Walang hiya kang malandi ka!!! Girlfriend ko yang hinahalikan mo!!!" Sabunot ang inabot ni Grasya, para akong tuod at nagulat sa nangyari. Mabilis pa sa alas dose ang ginawa niyang pagsabunot.

Si Grasya naman ay pilit kinukuha ang kamay ni Winona sa buhok niya.

"Get off me!!" Sigaw ni Grasya. "Giselle! Please tulungan mo ako."

Hampas dito hampas doon ang ginagawa ni Winona. Makikita mo talagang galit na galit na siya. Hindi ko alam gagawin ko o sino uunahin ko. Ang bilis ng pangyayari.

"Malandi kang babae ka!!" Nilapitan ko sila at pilit na pinaghiwalay. "Sige tulungan mo pa 'to at makakatikim ka sakin." Namumula na sa galit si Winona at nakikita ko na ugat niya sa leeg at kamay. Shit!

"Lab bitawan mo na please."

"Ouch! Aray! Bitawan mo ako!" Sabi pa ni Grasya. Naaawa na talaga ako dahil pabaling baling si Winona sa pagsabunot sa kanya.

Ng biglang Blag! Pareho silang natumba at sinakyan naman agad siya ni Winona at pinagsasampal!

"Ganyan na ba kakati yang sayo ha?!" Pinagsasampal pa niya ito at buti nalang naka ilag at naka depensa ang balikat nito.

"Lab please stop it!" Sabi ko habang pinpigilan ko kamay niya.

At dahil ayaw niyang tumigil ay hinablot ko na agad si Winona na nakadagan pa sa kanya. Pero pilit padin bumabalikwas sakin.

"Ano ba! Bitawan mo ako manyak ka!"

"Winona tama na please!!" Hinawakan ko ang balikat niya at hinarap. Pero ng makaharap ay isang malakas na sampal ang inabot ko. Pak! Napahawak ako sa pisnge ko sa sakit. Aray. Kahit ang liit liit niyang tao ang sakit niya talagang manampal.

Agad din niyang pinuntahan si Grasya na halos maiyak na sa sakit ng sampal at sabunot na inabot niya. Hinila niya ito habang naka higa pa.

"Umalis ka dito malandi ka!"

"Aray! Ano ba!" Hindi na nakatayo si Grasya dahil kinaladkan na siya ni Winona.

Binuksan niya ang pinto at tinulak siya palabas. "Wag na wag ka nang lumapit kay Giselle!" Sinara ang pinto ng pagkalakas lakas.

Natulala ako sa nangyari. Gulat na gulat dahil hindi ko akalain magagawa yun ni Winona.

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon