Chapter 16

35.2K 917 75
                                    

MATAPOS nung Lunes, hindi na ako ginambala ni Giselle, mukhang busy sa trabaho o di kaya nahihiya sa akin. Nakakatawa naman kasi yun.

Gumising ulit ako ng maaga at pumasok sa coffee shop. Naglinis ako at nag-ayos ng tables and chairs pati na din utensils.

After 30 minutes ay dumating na yung pinakahihintay ko este yung kasama ko, si Manyak. Napaka-normal lang, suot ang ripped jeans at fitted hoodie jacket.

"Oh ba't ngayon ka lang?" Tanong ko. Late kasi siya.

"Sorry po, late na ako nakauwi kagabi. Nag overtime kasi ako, andami kong reports naka pending. Wala kaya ako Thursday and Friday dun." Dahilan niya tsaka dumiretso ng locker at nag bihis.

Ilang minuto ang nakalipas at may customer na pumasok. Ako yung kumuha ng order. Pero habang hinihintay ko yung customer ay panay titig naman niya kay Giselle na busyng busy sa ginagawa niya. Kanina pa ako nag hihintay pero yung customer pabaling baling ang titig kay Giselle at sa menu sa taas.

Aba Sir aabutin ka pa niyan ng 48 years, tatanda ka nalang hindi ka pa nakaka order.

"Isang hot cappuccino, large." At last, nagsalita din.

"Hello Sir. Good morning!" Nabigla ako, tapos na pala sa ginagawa niya 'tong babaeng 'to. Si Sir naman hindi makapagsalita.

Ngumiti lang at umalis na sa harap si Giselle, parang walang paki, nag-umpisa na din siya gawin ang kape na tinuro ko last week.

Nang makaupo na yung lalaki ay tingin ng tingin pa din siya. Kung manyak si Giselle mas manyak pa ata 'to. Nakakainis nga eh dito pa nilabas ang kamanyakan.

Pagkatapos gumawa ni Giselle ng kape ay inagaw ko 'to sa kanya. "Ako na magse-serve." Sabi ko. Naglakad ako at binigay 'to sa customer.

"Ahmm miss, ano pangalan niya? Bago ba siya dito? Ngayon ko lang kasi nakita." Pasulyap pa niyang tanong. Aba, nagtanong pa talaga. Sir hindi siya interesado sayo kaya 'wag na, feeling mo ah.

"Giselle, Sir. Oo bago lang." Sagot ko na walang paki. Kahit paano, customer is always right. Umalis na ako agad at baka kung ano pa mga tanong niya.

"Lab. Wala ka 'ata sa mood." Tanong niya.

Tiningnan ko muna magkabilang gilid at baka may kausap siya bukod sakin. Mukhang wala naman. "Anong lab?" Tagpong kilay kong tanong.

"Wala noh." Umiling iling lang siya. "Namiss kita uy." Tapos ngumiti siya. Ayan na naman yung ngiti niya.

"Talaga lang ah?" Sabi ko habang nagpipigil ng kilig. Hindi ko alam pero kasi everytime ganito natutuwa ako sa kanya.

Ilang oras din ay dumating na si Sir Greg at Joey. Pagkatapos ng shift namin ni Giselle ay inaya niya ako sa condo niya para mag dinner. Magluluto daw siya. Wala naman din akong gagawin kaya sumama nalang ako.

Pagdating ng condo niya ay may naalala ako. Nung mga nakaraang linggo grabe yung pagtatalo namin dito, nasampal at suntok ko pa siya sa galit. Kasi naman ang bastos bastos.

Hindi naman talaga ako umiinom pero kasi nung gabi ng party pinipilit ako ni Arlene at Barbara mag inom, juice lang daw yun eh bigla naman ako nalasing sa juice nila! Nalaman ko nalang kinabukasan na cocktail drinks pala yun, may halong vodka. Mga ilang gabi din akong wala tulog sa kakaisip nun. Eh kasi naman sino ba hindi magugulat kung gigising ka ng nakahubad? First time ko yun noh, akala ko kasi nag wewet dreams ako, totoo na pala yun. Whew erase erase. Ayoko na isipin yun.

Umupo na ako sa couch habang nagluluto si Giselle. Medyo naaamoy ko din luto niya pero patuloy nalang ako sa panunuod ng TV.

"It's ready!" Sabi niya. "Upo kana Lab."

Tumayo na ako. "Anong Lab? Bat mo ba kasi ako tinatawag ng ganun?"

"Lab as in Love."

"Eh bakit nga?!" Napasigaw na ako ng konti.

"Ang dami mong tanong! Kumain na nga tayo! Pinaghirapan ko to ow." Sabay turo niya sa niluto niya. Para naman akong hindi makapagsalita. Akala ko pa naman kung anong sosyal ang lulutuin niya eh itlog, ham at cornbeef lang naman to! Yung expectation ko biglang bumagsak. Nag expect pa naman ako ng carbonara or kahit man lang porkchop.

"Wow, ang aga natin mag breakfast!" Sabi ko habang pilit ang smile.

"Winona pinaghirapan ko talaga yan, tingnan mo ow perfect yung eggs." Proud na sabi niya.

"Oh sya kumain na tayo. Okay lang ba sayo kainin ko yung perfect eggs mo? Nahiya naman ako ow, ang perfect talaga." Jusko, ipagmayabang ba naman to.

"Pwede na Lab. Rice oh." Nilagyan na niya ng rice ang plate ko. Kahit naman papano ay masarap naman yung luto niya. Pasado nadin kaya lang pang breakfast.

"Sa susunod pritong manok or baboy naman. Para upgrade db?" Pagnunukso ko. Pero parang wala naman sa kanya.

"Mukhang mahirap yan Lab! Pero para sayo gagawin ko."

Para akong mabilaokan sa sinabi niya. Prito lang nahirapan pa siya? Jusko talaga ang mayayaman.

Pagkatapos namin kumain ay naghugas na ako, pero before paman nito ay nag agawan pa kami. Gusto niya kasi siya na maghugas. Eh nahiya naman ako kasi bisita ako.

After ay sinundan ko siya sa veranda. Nakaupo lang siya at parang malalim ang iniisip.

"So kelan natin ibebenta ang baboy?" Joke kong tanong. Ang lalim eh parang nahihirapan pa mag decide.

"Huh?" Sabi niya na napakunot noo din.

Tumawa lang ako. "Ang lalim kasi nag iniisip mo eh!"

"Paano 'pag sabihin ko sayo ikaw iniisip ko?" Tsaka siya humarap sakin. Speechless naman ako. Ano daw?

"Huh? Ba't mo naman ako iisipin." Tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Kasi when I look at the stars, all I see is you." Ngiti ngiti niyang pagkasabi.

"Mga banat mo manyak pwede na pang movie."

Ilang sandali at tahimik lang kaming tumitingin sa view ng syudad. Napansin kong yumuko siya at napangiti.

"Alam mo bang first time kong magluto para sa isang tao?" Hindi ko mapigilan pero kinilig talaga ako. Yung tipong gusto mo ng tumawa pero nagpipigil ka lang.

Wag Winona, wag. Wag kang padadala sa manyak na yan.

"Ako din first time. First time kumain ng perfect egg." Sabay tawa.




It wasn't the egg that's perfect, it was the night with her that is..

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Where stories live. Discover now