Chapter 13

35.3K 715 24
                                    

"Huy manyak! Gumising kana at nagugutom na ako. Kanina kapa tulog! Nahiya naman ako parang ikaw pa may ari ng kama." Sabi niya habang niyugyog ako.

Umupo na ako sa bed niya at inayos ang buhok at mukha.

"Sorry, napasarap ata tulog ko. Parang gusto ko ulit mag sleep dito." Sabi ko ng walang emotion.

"Excuse me? Bawal kana dito noh. Di kana pwede ulit pumunta dito." Sabi niya while nag susuklay. Kakatapos lang ata niyang maligo at magbihis.

"Bakit hindi pwede?" Tumayo na ako pero ang sakit ng buong katawan ko pati kamay ko parang mag change skin na.

"Basta! Magbihis kana. Gutom nako." Napa upo na siya sa kama at naglagay ng pulbos sa mukha.

Naghubad nadin ako ng tshirt tska shorts. Nagulat ako ng sumigaw si Winona.

"Hoy! Anong ginagawa mo?! Manyak ka talaga kahit kailan!" At tinakpan mga mata niya.

"Huh? Nagbibihis." Narealized ko bigla pala ako ng hubad sa harap niya. "Ay sorry. Pero wala naman siguro akong dapat itago, nakita mo na to." Umakto na sana akong magbihis ng sweatshirt ng hampasin niya ako ng unan. Aray!

"Ang bastos mo!" Sabi niya. Inirapan ko nalang siya. Ang arte ha, maganda naman tong katawan ko, pati tummy ko sexy, maputi pa. Wala akong dapat ikahiya.

Tapos na ako magbihis. "Tara na?" Lumabas na kami at nagdrive nako papunta mall. Gusto niya sa carenderia na kami kumain pero pinilit ko nalang sa mall kasi para diretso na manuod ng sine. Pagdating ay tinanong ko siya ano gusto niyang kainin.

"Ewan ko. Di naman ako nakain dito." Kibit balikat niya. Inaya ko nalang siya sa foodcourt. Ayaw niya sa mamahalin eh, hindi daw siya mabubusog.

Sa foodcourt ay umorder nalang ako ng kung ano ano. Kumain nadin kami. Ang lakas niya kumain, hindi halata. Ang liit niya kaya.

Pagkatapos ay diretso na kami sa sinehan. Manunuod kami ng tagalog movie, hindi pa naman ako nanunuod ng ganun. Mga english movies kasi bet ko. Pero kasi para to sa kanya kaya go lang. Habang nagpipila kami para maghintay lumabas yung unang nakapanuod ay may kumalabit sakin.

"Giselle? It's you!" Pag lingon ko ay si Tonet pala.

"Oh Hi Tonet. Long time no see." At nag beso kami. Hinug din niya ako.

"Grabe namiss kita. Di kana nag ttext ah. Busy naba sa lovelife? Meron naba?" Tanong niya na nakangiti.

"Wala noh, ganun pa din.." Ngiti ngiti kong sagot. Sexy niya ngayon ah, d ko maiwasang tumingin sa cleavage niya.

"Well pag di kana busy I'm just one text away. Basta ikaw." She smirked and walked away. I stared at her behind. Wow that girl is hot.

"Manyak talaga." Napansin ko parang may sinabi si Winona.

"May sinasabi ka?" Tanong ko.

"Huh? Wala noh." Tsaka ako inirapan. Ang maldita talaga ng babaeng to.

Pagkatapos namin manuod ng movie ay tinawagan ko muna si Ate para kumustahin. Nagtext kasi siya kanina di ako nakapag reply. Mukhang good mood na ata.

"Hello Ate? Kumusta kana?"

"Okay lang, papunta kami ni Kuya Raffy mo sa tagaytay para magovernight. Nag text ako sayo baka gusto mo sumama."

"Wow sama ako Ate! Nasa mall ako ngayon kasama si Winona. Pwede ba kaming sumama?"

"Bat magkasama na kayo ngayon?"

"Gusto ko lang talaga bumawi Ate."

"Ah okay good. Itetext ko nalang sayo yung place, sumunod na kayo ha. Mag ingat ka sa pag drive."

"Sige Ate, see you."

Binaba ko na yung call at sobra ang excitement ko. Yes!

"Narinig ko pangalan ko. Ano yun?" Tanong niya na nagtataka.

"Winona tara alis na tayo. Punta tayo ng tagaytay, susunod tayo kay Ate tska Kuya Raffy." Sagot ko tas hawak sa kamay niya.

"Ano??!! Ayoko nga! Uuwi na ako." Binitawan niya kamay ko tas naglakad na siya palayo. Hinabol ko naman.

"Sige na Winona sama kana. Sabi ni Ate sumama ka daw. Please? Sabado naman ngayon eh, wala ka naman pasok kahit bukas." Nagmamakaawa na ako. Gusto ko pa kasi siya makasama.

"Overnight ba yan?" Tanong niya. Tumango lang ako.

"Ay naku ayoko. Wala ako damit. Uwi na ako." Ang kulit this girl!

"Bili tayo dito! Sige na, ako na bahala. Sumama ka lang. Wala naman masama eh. Nakapunta ka naba dun?" Tanong ko.

"Hindi pa." Sagot niya ng di tumitingin sakin.

"Oh eh di tara na, bili tayo ng damit sa department store. Ako na bahala, trust me!" Tsaka ko siya hinila papuntang department store.

Bumili kami ng shorts, tshirt, blouse at kung ano ano pa na pwede ma suot. Magbabayad na sana ako ng hilahin niya kamay ko.

"Ano?" Sabi ko.

"Eh, ano kasi. Ahmm, wala tayong dalang underwear." Pagaalalang sagot niya.

"Ay oo nga! Tara dun!" Namili kami ng underwear halata naman pagkahiya ng kasama ko. Haha.

"Ano ba size ng panty mo? Tsaka bra? Hmmm. Let me think, 32a ka siguro." Sabi ko habang tintingnan boobs niya.

"Bastos! Ako na pipili!" Sabay hampas niya sa balikat ko.

"Eh ang tagal mo kasing pumili na eexcite na akong pumunta dun."

"Ikaw nalang kaya pumunta!" Hindi nalang ako umimik sa sagot niya baka hindi na sumama.

Pagkatapos mamili ay nagbayad na ako. Pinipilit niyang bayaran yung kanya pero ayoko nga.

Pumasok na kami ng kotse at nag drive na ako papunta Tagaytay. Sinet ko sa gps yung place na tinext ni Ate. Si Winona naman tulog na tulog.

Habang tumatagal pala lalo siyang gumaganda sa paningin ko. Kahit napaka sungit at parang bata pero masayang masaya ako kasama siya.

Haay. Gusto ko na ba siya?

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Where stories live. Discover now