Chapter 7

48.4K 790 11
                                    

Days have passed at unti unti ng nawawala ang black eye sa mata ko. Pagkatapos akong suntukin ng Winonang yun ay nagising nalang ako na may black eye. Kahit anong lagay ko ng concealer ay klarong klaro padin.

Kaya most of the time naka shades akong pumapasok sa opisina, pero walang ligtas akong napansin ni Ate at natanong kung bakit may black eye ako sa mata. Nag dahilan nalang ako ng kung ano ano, buti nalang at tinigilan ako sa pag tatanong at naniwala nalang siya.

As for Winona, wala na akong balita sa babaeng yun and thanked God hindi na ulit siya nagpakita pa. Dapat lang dahil sa ginawa niya sakin baka sampal din abutin niya.

Ang unfair naman! Saya ang binigay ko sa kanya tapos suntok ang aabutin ko? Sus wag lang talaga siyang magpakita sakin.

"Uy Gi, lalim ng iniisip mo jan ah? Yung pagkain mo kinakalawang na." Kasama ko pala ang best friend ko ngayon si Jane.

"Hayst, buti nalang talaga Jane nakalusot ako kay Ate, kundi lagot talaga ako." Sagot ko. Ilang beses na kasi akong nahuli sa mga kalokohan na pinag gagawa ko. Alam kong seryoso si Ate nung last time sinabi niya last chance ko na daw yun. Hindi ko nga alam ano ibig sabihin nun.

"Ba't naman kasi ginawa mo yun eh lasing yung girl. Sana hinayaan mo nalang matulog."

"Eey! Wala na, nangyari na. Kumain nalang tayo." Sagot ko.

Ng matapos ang lunch ay bumalik na ako sa office. Umupo na ako sa desk ko at nag simula mag work.

Almost 6PM na ng na uhaw ako kaya lumabas ako patungong pantry para kumuha ng tubig.

Pagbalik ko may napansin akong babaeng pamilyar na nag lalakad patungong office ni Ate Steph. Bigla akong na curious kaya sinundan ko siya. Nagulat ako ng tumigil siya para kausapin ang secretary ni Ate. Oh my gee, si Winona ba yun?

Nagmadali akong naglakad habang siya naman ay papasok sa opisina ni Ate. Ano ginagawa niya dito? Naku patay! Baka magsumbong kay Ate yun, lagot ako.

Kumaripas na ako ng takbo papasok sa office ni Ate.

"What are you doing here?!" Tanong ko sa kanya. Bigla naman siyang nagulat ng nakita ako. "Wag mo sabihing pumunta ka dito para magsumbong sa Ate ko?!"

"Eh ano ngayon kung andito ako?" Naka pamewang pa siya.

"Sinasabi ko sayo babae ka umalis kana dito, hindi ko hahayaan isumbong mo ako kay Ate." Hinahawakan ko na siya sa balikat dahil gusto kong lumabas na siya bago pa kami ma abutan.

"Ows? Takot ka naman pala."

"Hindi ako takot! Baka gagawa ka lang ng storya ng kung ano ano!" Binitawan ko na siya dahil ng gigigil na ako. Baka ano pa gawin ko.

"Bagay naman talaga sayo isumbong dahil manyak ka naman talaga." Napahawak siya sa balikat niya, nasaktan siguro sa pagkahawak ko. Sorry naman.

"Isa pa Winona ha! Isa pa!" Sabay taas ko ng index finger ko.

"Anong isa pa?! Isa pang suntok ha?" Nagtaas naman siya ng kamao.

"Sige! Gawin mo! Akala mo hahayaan kitang gawin mo ulit yun?! Alam mo bang ilang araw kong tinakpan ang lecheng black eye na iniwan mo saken?! Pasalamat ka hindi ako pumapatol lalo na sa mga hindi ka kagandahan, dagdag mo pa ang virgin!" Naka pamewang na din ako. My gosh, pinagpapawisan na ako.

"Kahit kelan ang bastos bastos mo! Hindi naman ganyan Ate mo ah? Kung maka asta ka para kang walang atraso."

"Ano ba atraso ko sayo ha? Yung kinuha ko pagkababae mo? Hoi excuse me, nag aral ka ba ng sex education?" Nilapitan ko na ulit siya. Hindi na ako mapakali eh, ang slow ng babaeng to.

"Kahit ano pang sabihin mo pinagsamantalahan mo ako!"

Hindi ko na talaga mapigilan at nilapitan ko pa siya para takpan ang bibig niya. Nahahalata ko ng nagtataas na kami ng boses sa loob ng opisina. Napatitig tuloy ako sa mga mata niya.

"Winona? Giselle? Anong nangyayari dito?" Bumalikwas agad ako kay Winona ng marinig ko ang boses ni Ate sa may likuran.

"Ahh Ate akala ko kasi may magnanakaw." Kalma lang Gi, kalma. Wag mo ipahalata na para mo ng papatayin sa galit si Winona.

"Anong magnanakaw? Eh si Winona kaya yan. Anak ni Manang Fe, d mo ba natatandaan?"

"Huh? Anak pala ni Manang Fe to?"

Dahil maaga nawala ang parents namin si Manang Fe na nag aalaga samin dati. Bata palang si Ate si Manang Fe na nagbabantay dito, kaya close si Ate kay Manang. Kaya lang nagkasakit eto kaya kelangan bumalik sa probinsiya nila.

"Oo, after niyang maka graduate gamit yung scholarship program na inoffer natin ay nagtrabaho siya bilang barista sa coffeeshop natin sa Taguig." Sabi ni Ate habang naglalakad papunta sa desk niya. "Naku Winona pasensyahan mo na to si Giselle, makakalimutin eh."

"Okay lang po Mam." Tumango lang si Winona at humarap kay Ate. Wow! Naging anghel ang bruha huh?

"Diba sabi ko sayo Ate nalang, parang pamilya na kita eh. By the way napa aga ka ata?" Umupo na si Ate. "Gi pwede kana lumabas."

"Ah Ate pwede dito lang po ako, medyo naiinitan ako sa office ko eh." Ano ako hello? Ayokong umalis dito at baka pag balik ko palayasin na ako ng tuluyan ni Ate, much worst ay itakwil pa. Kaya noooo! Umupo na ako sa couch at nagpaka comfortable.

"Huh? Sira ang aircon? Patingin mo sa maintenance. Or umuwi kana." Sabay turo ni Ate sa kamay niya na nagsenyas na pauwi.

"Ahmm ano kasi Ate gusto ko pong hintayin si Winona at ihatid pauwi para makapag kwentuhan na kami, parang marami pa ata kami icatch up eh." Dahilan ko pa. Basta Giselle wag na wag kang aalis, dito nakasalalay ang future mo.

"Hmm, sabagay sige." Pag sang ayon ni Ate.

"Ay Mam Giselle wag na po, nakakahiya naman sayo. Kaya ko naman umuwi mag isa." Ang bait talaga ng bruha ow.

"Naku Winona, wala yun. Tsaka parang na miss din kita. Naalala na pala kita ngayon." I smirked at her. Kapit lang Gi, kapit.

"Kayo talaga, maya na yan. Winona dala mo na ba yung papers na pinadala sayo ni Greg?"

...

"Salamat Winona ha, ikumusta moko kay Manang Fe, sabihin mo miss na miss ko na siya pati ang ginataang manok na paborito ko."

Hay salamat at natapos din ang usapan nila. Ako? Ayun naka upo at tumunganga lang the whole time habang nakikinig sa kanila, making sure walang ipagtatapat si Winona ng ikasisira ng buhay ko.

"Sige po Ate sasabihin ko yan kay Mama. Sure po ako namimiss ka din nun." Tumayo na si Winona.

"Ahem, ate hatid ko na si Winona." Tumayo narin ako dahil nga diba ihahatid ko pa siya.

"Sige mag ingat kayo." Paalam ni Ate.

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon