Chapter 18

34.8K 699 32
                                    

Sa wakas ay nakarating na kami. Pagbaba namin ay sinalubong kami ni Mama.

"Winona anak! Winston! Aries! Andito na kapatid niyo." Niyakap ko agad si Mama, sobrang na miss ko siya. Tumatakbo naman mga kapatid ko papunta sakin.

"Happy Birthday po Mama! Ma, si Giselle nga pala, yung inalagaan niyo, kapatid ni Ate Steph."

"Salamat anak."

Niyakap naman agad ni Mama si Giselle. "Ikaw nga eto Giselle. Naku ang laki laki mo na at ang ganda ganda. Kumusta na pala Ate mo?"

"Okay lang po Manang Fe. Gusto nga din po niya dumalaw dito kaya lang busy sa business niya eh. Happy Birthday po."

"Giselle, mga kapatid ko pala. Si winston yung kasunod ko tsaka si Aries yung bunso namin." Natulala naman yung dalawa sa kagandahan ni Giselle.

"Hello, nice to meet you." Tska kinamayan mga kapatid ko.

"Oh siya Winona dalhin mo na sa loob si Giselle ng makapag pahinga at mamamalengke muna ako ko para sa tanghalian natin ha?" Sabi ni Mama. "Winston, Aries wag niyo kalimutan maglinis dito sa labas at nakakahiya kay Ate Giselle niyo."

"Ma, ako na po mamamalengke. Lista niyo nalang yung dapat ko bilhin." Sabi ko kay Mama, hindi kasi pwedeng mapagod yun eh.

"Sama ako Winona." Sabi naman ni Giselle.

"Pahinga ka nalang."

"Sama ako please." Ay naku hindi talaga nagpapaiwan.

Pumasok na kami ng kwarto at nagbihis.

"Giselle, okay ka lang ba? Wag ka nalang sumama, saglit lang naman ako." Sabi ko. Mukha kasi siyang pagod at inaantok pa.

"Gusto ko sumama lab. Sama nalang ako ha?" Uy, naglambing pa.

"Sige ikaw bahala."

--

Sumakay na kami ng tricycle at pagdating sa palengke ay nagumpisa na akong maghanap ng dapat bilhin. Panay tingin na naman ng mga tao kay Giselle. Pero tong babaeng to hindi man lang nakaramdam at walang paki.

"Lab tulungan na kita. Ako nalang magdadala."

Nangangalay na din kasi yung balikat ko.

"Masaya pala mamalengke noh? Tska pwede palang tumawad dito." Tuwang tuwa naman siya.

Pagkatapos mamalengke ay inaya ko muna siya sa ukayukay. Dati kasi after namin mamalengke ni Mama ay nag uukay ukay muna kami.

Naglibot libot na ako at namili, si Giselle naman sunod lang ng sunod sakin. Binilhan ko ng tshirt at blouse yung mga kapitid ko, pati nadin si Mama. Mura lang naman eh.

"Winona? Ikaw ba yan? Ikaw nga!"

Lumingon ako at nakita ko si Joven. Schoolmate ko dati na nanligaw din. Binasted ko naman kasi ang yabang, feeling gwapo.

"Hello. Kumusta?" Sabi ko.

"Okay lang Winona, eto gwapo padin." Jusko, tiningnan niya ba sarili niya sa salamin? Eh hindi ko nga alam san yung kagwapuhan niya eh. Napansin ko nalang din nagpipigil tumawa si Giselle.

"Ah siya nga pala Joven, kaibigan ko sa Manila si Giselle. Si Joven schoolmate ko." Pakilala ko.

"Hello." Sabi ni Giselle. Naka nga nga naman si Joven.

"Ang ganda mo naman Giselle." Sabi niya na naka nga nga padin.

"Thank you." Smile lang niya.

Lumapit sakin ng bahagya si Joven at bumulong. "Winona, baka naman pwede hingin number niya?"

"Ayoko nga noh!" Swerte niya!

"Sige na selos ka naman eh. Ikaw naman pers lab ko. Makikipagkaibigan lang ako sa kanya." Yaks, parang gusto ko masuka.

"Giselle, gusto niya daw hingin number mo." Sabi ko ng walang interest.

"Sorry Kuya ha, pero taken na kasi ako." Simpleng sagot niya.

"Oh ayan Joven ha narinig mo sa kanya. Sige alis na muna kami." Sabay hawak ko sa braso ni Giselle. Nakakainis, ang feeling niya.

"Taken ka na pala? Akala ko single ka." Tanong ko habang pumapara ng tricycle.

"Taken pag sinagot moko."

Malaking -- "Ano??"

"You've heard it. Tara sakay na tayo mabigat na tong dala ko."

Napatulala nalang ako. Tama ba yung narinig ko?

"Lab, lika na uy. Nag ddaydream ka na naman." Sabi niya habang nakasakay na sa loob ng tricycle.

Byahe na kami pauwi pero may nakalimutan ako, bibili pa ako ng cake. Huminto muna kami sa bakeshop at bumili. Pagkauwi ay nagpahinga muna kami sa kwarto. Maliit lang yung kwarto nami ni Aries yung kapatid ko na babae, pati kama sakto lang saming dalawa. At dahil may kasama ako, tabi muna sila ni Mama matulog.

"Haay napagod ako lab, pero ang saya. First time ko ng ganun. Thank you sa pagdala sakin dito ah." Sabi niya habang naka higa. Naku maya maya matutulog nanaman to.

"Welcome, atleast ng enjoy ka. Pahinga ka muna."

"Pano ka? Tabihan mo muna ako. Pahinga muna tayo." Sabay tapik niya sa kama. Di naman ako makatanggi parang ang sarap muna humiga.

Ng makahiga ay nakatagilid ako hindi paharap sa kanya. Pipikit na sana ako pero gusto ko muna tingnan siya, pagkaharap ko ay biglang may dumampi sa labi ko. Isa itong napakalambot na wait --

"Sorry lab! Promise hindi ko sinasadya, I was about to say goodnight and kiss your head." Takot na takot niyang sabi.

My God! Sobrang speechless ako. We or she accidentally kissed me.. Again!! Dapat ba akong magalit or kiligin? Hindi ko alam!! Waaaaa.

"Lab? Sorry talaga." Nagkatitigan padin kami.

"Kahit kailan manyak ka talaga. Nakaisa ka na naman." Sabay talikod ko sa kanya.

"Bakit naman kasi humarap ka. Nahalikan pa tuloy kita." Pagdadahilan pa niya.

"Dami mong dahilan."

"Pasensya na lab." Tsaka niya ako niyakap ng mahigpit.

Hindi ko alam, kung sa iba siguro ay magwawala ako or baka masuntok ko na naman siya. Pero at this point, hindi ko matanto kung anong nararamdaman ko. May halong inis at kilig? Ewan!

Pero bakit naman ako kikiligin? May gusto ba ako sa kanya?

Wait Ako? Magkakagusto kay Giselle? Na isang babae? Hindi ata pwede eh.

Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako naka experience ng ganito, ang yakapin, ang halikan at makaramdam ng sayang hindi ko lubos maisip dati. Yung yakap niya ngayon na kahit ako mismo hindi makatanggi, na parang gusto at hinahanap ko din.

Hayst sumasakit na ulo ko sa kakaisip. Bahala na.

"Lab tulog na tayo." Pumikit na ako ng sinabi niya. Nakatulog na siguro ako or nanaginip ng may narinig akong bulong.

"Winona.. Gusto na kita."

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Where stories live. Discover now