Chapter 38

23.4K 492 15
                                    

Winona's

"Jake and She, come over." Inaya ko sila papuntang locker. Wala pa naman customer. "Eto yung bagong schedule niyo. Jake, sa opening kana muna at ikaw naman She sa closing. Oh eto check niyo muna." Inabot ko sa kanila ang isang papel na naglalaman ng schedule nila.

"Oh ano? Okay na ba? O baka may tanong kayo." Sabi ko habang pinagmamasdan reaction nila pagkakita ng bagong schedules.

"Okay lang po 'to sakin Miss." Sabi ni Jake. Tumango lang din si She.

"Effective na 'to next week ha? Oh sige balik na kayo." Sabi ko. Paglabas nila ay umupo muna ako at binuksan ang computer.

Manager na ako ngayon. Masaya ako at napagkatiwalaan ako ng company ni Ate Steph na mamahala sa coffeeshop na 'to. Na promote ako last year nung magopen ng isa pang branch ng coffeeshop. Lumipat kasi si Sir Greg dun para imanage. Halos isang taon nadin ako sa position na 'to. Sa una nangangapa pa, pero nasanay na din ako. Buti nalang at nahandle ko naman lahat ng gawain.

Dalawang taon na din ang nakalipas simula ng mawala si Mama. Halos mabaliw na ako sa lungkot. Pero buti nalang andiyan mga kapatid ko na nagsilbing lakas ko para magpatuloy.

Graduate na si Winston at nagaaral pa ng college si Aries. Naiwan padin sila sa probinsya, dun nadin nag ta-trabaho si Winston para may maiwan sa bahay. Kasama nila ang tyahin ko na matandang dalaga na.

Gabi na ng matapos ako sa trabaho.

"Bye Miss ingat!" Paalam ni She.

"Sige ingat kayo ha." Eto ako ngayon nakatayo sa labas ng coffeeshop.

"Winona! Sakay na." Sa tapat ko ay may nakaparadang motorsiklo. Sakay nito ay si Roger.

Nagsmile lang ako at tinanggap ang helmet na bigay niya. Sinuot ko ito at sumakay na. Hinatid ako pauwi ni Roger sa boarding house. Pagkadating ay bumaba na ako.

"Maraming salamat Roger ha. Pwede namang hindi mo nako sunduin eh." Sabi ko at binigay na ang helmet pabalik sa kanya.

"Naku wala yun! Pareho naman tayo ng schedule eh, tsaka hindi naman ganun ka layo sa pinagtatrabahuan mo."

Ngumiti lang ako at pumasok na sa kwarto. Si Roger ay isa din sa mga taong tumulong sakin para maka move on sa mapait na pangyayari sa buhay ko dalawang taong nakalipas.

Oo nanligaw siya sakin noon, pero sinabihan ko siya ng paulit ulit na hanggang kaibigan ko lang siya. As much as possible ayoko muna pumasok sa isang relasyon. Buti nalang at natanggap nalang niya. Hindi ko naman siya pinapaasa pero nagpupumilit kasi siya na kahit kaibigan lang ay okay lang sa kanya basta magkasama kami.

Malaki din ang utang na loob ko dito kaya okay lang sakin na halos palagi kaming magkasama. Kung hindi ko lang siguro minahal si Giselle dati ay baka sinagot ko na si Roger. Pero kasi gusto ko muna magtake time bago magmahal ulit. Siguro umaasa padin ako na kami ni Giselle sa huli, ewan ko ba! Para akong baliw. Ayoko yung kani kanino ko lang ibigay ang puri ko, dati nag isip ako na kung sino una, siya na ang huli.

Pero ang tagal na kaya nun! Ngayon unti unti ko nalang tinanggap na kelangan ko ng mag move on at tanggapin na may tao talagang para sakin sa huli.

...

Kinabukasan ay nakatanggap ako ng tawag galing sa office nila Ate Steph. Ipapahatid daw yung month end report sa office niya.

"Ay oo nga pala! Sige sige papahatid ko diyan after mag out ng first shift." Sabi ko sa secretary ni Ate Steph.

3PM na at nilapitan ko si Joey na nagaayos sa locker. "Joey, may lakad ka ba ngayon? Papahatid ko sana 'tong folder sa office."

"Ay naku Winz, susunduin ko kasi Nanay ko ngayon. Kadadating lang. Pasensya." Napakamot siya sa batok.

"Okay lang Joey. Ingat ka nalang." Ako nalang maghahatid dito. Hindi naman pwede si Jake or She.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng locker area. "She, Jake kayo na muna bahala dito. Hatid ko lang saglit 'to sa office."

Sa ganitong oras naman ay di naman masyadong busy sa shop kaya magmamadali nalang akong aalis para makabalik.

Naglakad ako papuntang building pagkababa ko sa jeep. Pag akyat ko ng office ay dumiretso ako kay Karen.

"Good afternoon Winz!" Masiglang bati nito.

"Hello Karen, saan ko 'to ibibigay?" Ngumiti ako sa kanya pagkatanong. Pinakita ko din dala ko.

"Ay diyan sa office." Turo niya sa office ni Kuya Raffy. "Pwede kana pumasok Winz."

"Ah sige thank you Karen. Ang blooming mo naman ngayon." Dati kasi pabalik balik ako dito tuwing mag pre-present ako kay Kuya Raffy. Kaya medyo naging close ko na si Karen.

Pumasok na ako sa office at bumungad sakin ang napaka familiar na pabango. Hindi naman siguro Winona? Nasa ibang bansa kaya ex mo. Or baka namiss mo lang. Ewan!

Umupo na ako at binuksan ang folder na dala ko, binabasa ko ito. Minsan kasi natatagalan si Kuya Raffy dahil nag uusap pa sila ni Ate Steph.

Ilang minuto ang lumipas at finally napansin kong may papasok na sa pintuan. Si Kuya Raffy na siguro 'to. Abala ako sa pag balik ng papel sa folder. Naramdaman ko nalang na may nag sara na ng pintuan.

At dahil hindi ako sa harap ng pinto naka upo ay lumingon na muna ako.

Pagkalingon ko ay agad na bumungad sakin ang napaka pamilyar na mukha. Parang nag slow mo ang paglingon at pagharap namin. Feeling ko nawala lahat ng nasa paligid at siya lang ang nakikita ko.

Hindi ako makagalaw, hindi din ako makapagsalita, para bang na comatose ako ng naka dilat, ang bilis ng tibok ng puso ko na para bang gusto na nitong lumabas. Walang ni isa ang nakapag salita samin.



Hindi pala ako nagkamali. Hanggang ngayon pala ay kabisadong kabisado ko padin. Ang pamilyar na pabango kanina ay walang iba kundi pag mamay-ari ng ex girlfriend kong si Giselle.

Welcome back.

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Where stories live. Discover now