Chapter 48

23.8K 481 64
                                    

GABI ng insidenteng yun ay pumunta si Finn sa condo. Nakaupo kami ngayon sa may veranda.

"Giselle, I'm really sorry."

"Kailan pa yan Finn?"

"Nung nauna akong umuwi sayo after my graduation. Na-nakita kasi kami ni Dad sa isang hotel."

Pumikit ako at huminga ng malalim. My God! Napakablind ko lang sa mga nangyari. Shit!

"May nangyari na pala sa inyo? Don't tell me buntis ka?"

"Hi-hindi Gi. Pero gusto kasi ni Dad ipakasal kami. I'm really sorry. Minahal kita, alam kong ramdam mo yun. Okay lang sakin na hindi mo pa ako mapapatawad sa ngayon."

"You f*cking played me Finn! Of all people ikaw pa! I have lay down my cards for you! Tell me Finn may pagkukulang ba ako sayo?" Tinuturo ko na siya habang nakaharap na ako.

"Wa-wala Giselle. Wala. Naging masaya ako sayo. Pero kasi this is not the path I want to take."

"So you chose not to take it with me? Ganun ba? Kasi babae ako? Kasi hindi tanggap? What a f*cking liar! Pina asa mo ako alam mo ba yun? Umasa ako sayo. Anak ng!"

Napasabunot na ako sa buhok ko out of frustration. I didn't expect this!

"Please Giselle. At first hindi ko intensyon na saktan ka. I have learned to love you also. It's just that ng dumating si Richard parang iba kasi. Balak ko naman sana sabihin."

"I get it. Ginamit mo lang ako. Siguro sa sobrang bored muna dun sa Europe ako nalang naisipan mong kasamahin."

"Hindi ganun yun Giselle."

"Ano ba ang hindi malinaw Finn?? Niloko mo ako! Sana pinutol mo nalang yung atin before you f*ck that guy!"

Tumahimik lang siya.

"I really thought you're the one, I thought you'd be my last. Well I guess you're just one of them."

"I'm sorry." Sabi niya habang hawak ang noo niya.

"You won't be. I know you'd thank me for crashing your date. Gagaan na siguro pakiramdam mo dahil alam ko na."

Wala na siyang sinabi at tumayo siya para yakapin ako. Pero inalis ko agad ang mga kamay niya.

"Just get your things and leave. We're done."

...

Halos every night after naming maghiwalay ni Finn ay regular na naman akong tumatambay sa bar. Naging routine ko nadin ulit ang drinking and making out with women, anyway single naman ako diba. It's my own way of distraction, para hindi ko na maisip ang ex ko na traydor. At para nadin makatulog agad dahil nahihirapan talaga akong matulog.

I was sitting near the bar counter smirking at the girl on the opposite direction. Kailangan ko ng kausap. Tatayo na sana ako para lapitan ang girl pero may pumigil sakin. Lumingon ako to see kung sino 'to.

"Hep hep hep! Not too fast." Si Denise.

Napasmile ako dahil andito ang isa ko pang bestfriend pero napakunot noo ako nung hawakan niya pisnge ko at ngumiti ng naka-akit akit, yaks! Ano 'to. Agad naman siyang nag smirk sakin at tinaas ang kilay at tinuro ang nguso niya sa girl na ngayo'y nakasimangot na at umalis.

"Ayyy! Nakakainis ka naman Denise!"

Tinulak niya agad ako at umupo sa tabi. "He! Mambababae ka na naman!"

Umupo ako ulit at humarap sa bar counter katabi siya. "What else should I do? I'm single!" Tinaas ko shot glass ko at iniinom ito.

"Andaming pwedeng gawin para makamove on. Hindi yung nagiinom ka mag isa ke babae mong tao."

"I have the right to do whatever I want, buhay ko 'to. Isa pa, nagpakasubsob na ako sa trabaho, baka nga ako gawing employee of the year eh!" Sabi ko.

"Yeah yeah. Pwede din customer of the year sa bar nato. Halika na nga! May pupuntahan tayo."

"San tayo pupunta?" Hila hila niya ako palabas ng bar. Buti nalang di pa ako masyadong lasing sa lagay nato.

Sumakay kami agad ng kotse at si Denise ang nag drive. Hindi padin niya sinasabi kung saan kami pupunta. At dahil sobrang pagod ako, nakatulog ako sa sasakyan. Pagising ko ay nakapark na kami sa isang pamilyar na lugar.

"Andito na tayo. Labas kana diyan!"

Napakunot noo ako habang sinisilip ang labas. Teka? Kahit naka inom ako ay alam na alam ko padin kung san 'to. Lumabas na ako ng kotse at sa harap ay nakatayong si Gabrielle, si Abigail yung girlfriend niya at si Denise. May hawak hawak silang balloon, cake at paper bags. Nakatayo lang ako habang tinitingnan sila. Ano ba meron?

"So ano tutunganga ka lang diyan? Ilang minuto nalang 12 na!" Sigaw ni Denise. Tawang tawa naman sila Gab. Lumapit ako at wala padin idea.

"Ano ba meron? Bakit andito tayo sa boarding house ni Winona?" Takang tanong ko.

"Nakalimutan mo na? Birthday niya ngayon! Kaya isusurprise natin siya!" Sabi ni Gab na ngiting ngiti. Ohh! Ngayon ko lang naalala, birthday pala ni Winona!

"Hawakan mo nga to Gi, nangangawit na ako. Tatawagan ko siya." Inabot ni Gabrielle ang cake na may nakalagay 'Happy Birthday lab.' Nanlaki agad ang mga mata ko.

"Ano to Gab?! Bakit ganito nakalagay! Hindi naman ako bumili't nagpalagay nito ah!" Sabi ko habang tinaas ang cake na hawak ng dalawang kamay ko.

"Wag kanang maarte diyan bruha ka. Hawakan mo't sisindihan ko yung sparklers at kandila." Si Denise.

"Lalabas na siya! Gi sa gitna ka!" Sabi ni Gabrielle na halatang excited. Ano ba 'to! Napasama pa ako dito.

"Happy birthday Winona!!!" Sigaw na bati nilang tatlo pagkalabas nito sa gate. Halatang gulat na gulat siya. Ayan tingnan niyo nakaloose shirt pa at basketball shorts, parang bata ang liit liit pa. Ako nakatunganga nalang muna dahil isa din ako sa na surprise. Tinulak ako ni Denise at naglakad nalang ako papunta kay Winona. In fairness, kahit walang suklay buhok niya at halatang kakagising lang ay maganda padin siya.

"Happy birthday Winona. Make a wish and blow the candle?" Napaka impromptu lang talaga neto, hindi ako na informed! Ngumiti nalang ako sa pagkabati. Nakatitig lang siya sa cake, gulat din siguro sa nakasulat na 'happy birthday lab'. Dahil nakatunganga lang din siya ay nilapit ko nalang konti yung cake sa kanya.

Umangat na siya ng tingin at ngumiti. Pinikit niya mga mata niya at nag wish. "Tha-thank you Giselle." Nagmulat na siya at hinipan ang kandila. Natawa ako na habang hinihipan niya ang kandila ay bumabalik ang sindi nito. Tawang tawa ako dahil namumula na siya sa kakapatay! Kaya ang ginawa ko tinulungan ko nalang din siyang patayin ito. Pero unlimited sindi talaga eh! Ayaw mapatay. Lumapit na din sila Gab, Denise at Abigail at tumulong na sa pagpatay nito.

Mga ilang minuto din kaming tumatawa habang pinapatay ang sindi ng kandila. Halos maubos na mga hininga namin. Buti nalang okay na. Pumasok na muna kami sa room ni birthday girl. Kumain ako ng cake kasi nagugutom din ako, habang sila nag kwentuhan na muna at nag open ng gift si Winona. At while busy ako sa pagkain ay napansin ko yung pillow na binigay ko sa kanya before, gamit padin niya pala. Napangiti nalang din ako.

Nakakawala ng stress ang nangyari. Kaming dalawa ang na surprise! Anyway, Happy birthday Winona!

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Where stories live. Discover now