Chapter 65

23.4K 469 30
                                    


"What the hell?!" Pasinghal na bulyaw sakin ni Gabrielle. Nagpasundo kasi ako ngayon sa kanya dahil ang sakit ng buong katawan ko.

"Are you out of your mind? Nagpauto ka talaga sa Sandoval na yun? Pishh!" Tumabi siya saken at napasabunot na sa buhok niya sa inis.

"Okay lang naman ako Gab eh." Sabi ko habang nilalagyan ng ice ang left cheek ko. Hanggang round two lang inabot ko kanina sa boxing. Sinwerte lang naman siya dun eh, nakahanap ng tiempo at najaban ako openly sa mukha ko. Natumba tuloy ako sa lakas.

"Ang tanga mo talaga noh? Nakakainis! Paano ka haharap sa mga anak mo nyan? Nakikita mo ba mukha mo ngayon ha?" Kumuha siya ng salamin sa bag niya at nilapit sa mukha ko. "Oh! Tingnan mo!"

Buti nalang hindi ako nagkaroon ng black eye. Medyo namamaga nga lang yung left side ng mukha ko. Napapikit nalang ako sa sakit at parang gusto kong maiyak. Ang tanga ko nga talaga noh? Hindi ko manlang inalam na nag gygym din siya at nagboboxing. Ang nakakainis pa, kaibigan pala yun ni Hailey. Pucha, naisahan talaga ako!

"Uwi nalang tayo Gab, itutulog ko nalang to." Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Sumunod nadin si Gab sakin at naglakad na kami papuntang kotse. Pagkatapos kasi ng boxing umalis na yung dalawa at naiwan ako. Nakakahiya nga eh, para akong bata kanina na iniwan ng magulang out of nowhere.

"Makikita ko lang yung Hailey na yun uupakan ko talaga yun. Sana kasi sinabi mo saken! Para may back up ka."

"Pwede move on na tayo? Sakit na nga ng buong katawan ko eh." Sabay hawak ko sa mga kamay ko.

"Lagot ka ngayon kay Winona."

Alam kong magagalit talaga yun. Pero bahala na, may gusto lang naman sana akong patunayan. Nevertheless, what a wrong move Giselle.

Pagdating ng bahay ay agad akong dumiretso ng banyo para maligo at ayusin ang mukha ko habang nanunuod pa ang twins ng TV. 8pm nung pinatulog ko na sila para masanay matulog ng maaga.

Nakatambay ako ngayon sa kitchen dahil umiinom ako ng gatas. Unti unti ko ng nararamdaman ang sakit ng katawan ko. Maya matutulog nadin ako.

Ding dong

"Sino naman yun?" Tanong ko sa sarili ko. May biglang ng doorbell kasi. Tumayo ako pumunta ng main door. Pagbukas ko ang nakatayong si Winona ang bumungad sakin. Yung mukha niya hindi na maipinta, galit na to. Good luck!

"Pa-pasok ka

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Pa-pasok ka." Sabi ko at nag give way sa kanya para makapasok. Agad ko namang sinara ang pinto at sumunod sa kanya. Ilang hakbang pa lang ay humarap na siya sakin.

"Gustong gusto kitang bigwasan. Leche ka. Wala ka na ba talagang pwedeng gawin kundi makipagsapakan?!" Sigaw niya habang nakahawak sa bewang niya.

Umupo muna ako. "Sorry, nasaktan lang ako nung makita ko kayong nag aano kahapon."

"Pwede ba Giselle?! Hindi ko ginusto yun at nabigla lang ako sa ginawa niya." Sagot naman niya.

"Bakit hindi mo sinabi na nagka girlfriend ka pala noon?"

Lumapit na din siya at umupo sa tabi ko. "Hindi ko na kailangan sabihin sayo yan."

Nagbuntong hininga lang ako. "Sabagay." Wala namang kami para mag demand pa ako ng love story niya dati.

Tinanong ko nalang din sa kanya kung nakwento ng Kim na yun yung nangyari kanina. Wala namang ibang magkukwento dahil sinabihan ko naman si Gab wag magsumbong. Kumumpirma naman siya na yung nagmamaganda niyang ex ang nag kwento.

"Please, wag mo ng uulitin yan." Mahinahon niyang sabi. Naaawa ba siya sakin? Lumingon ako sa kanya at ilang sandali ay nagtama ang mga mata namin. Ramdam ko tuloy ngayon ang pagaalala sa mga mata niya. "Patingin nga?" Hinawi niya buhok ko at hinawakan ng magkabilang kamay ang mukha ko. Magkalapit na mga mukha namin, sobrang lapit. Kahit na hininga niya nalalanghap ko na. Hindi ko na namalayan na nakatingin na pala ako sa labi niya. Nawala bigla ang sakit na nararamadaman ko at napalitan na ng pagkasabik, leche ang manyak ko ata ngayon.

Bumalik ako ng tingin sa mga mata niya. Hindi ko na kaya at gustong gusto ko na siyang halikan, kaya dahan dahan kong inilapit ang mukha ko na hindi pinuputol ang pagtitigan namin. Alam kong napapansin niya ang balak ko pero hindi siya umimik, ako naman wala nakong sinayang at hinalikan siya agad sa labi.

Nagtama ang mga labi namin at sobrang init sa pakiramdam. Grabe ang tagal kong hinintay to. Yung mahalikan siya ng matagal. Kanina'y ng tama lang ang mga labi namin pero ngayon dahan dahan ko ng ginalaw, kissing her passionately. Unti unti ko nading naramdaman na tumutugon siya sa halik ko.

Hindi ko na nacontrol ang sarili ko kaya habang naghahalikan kami ni Winona ay hinawakan ko na siya sa bewang. Naputol ang mainit na kissing moment namin nung pinasok ko ang kamay ko sa blouse niya.

"Gi-giselle?" Mahinang tawag niya sakin, magkadikit naman ang mga noo namin sa isa't isa, naghahabol ng hininga. Boshet, wrong move ata yon.

"Sorry, hindi ko na napigilan." Sabi ko na nakangiti.

Ngumiti lang din siya at yumakap sakin. Dinagdagan pa ng bulong. "Manyak ka pa din."

Napatawa tuloy ako sa narinig ko.

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Where stories live. Discover now