Chapter 40

25K 453 33
                                    

"Kuya dito nalang po." Para ko sa driver ng taxi ng makarating ako sa bahay ni Ate Steph. Off ko kasi ngayon dahil weekend at magluluto daw ng lunch si Ate kasama ang friends niya. Naging close ko nadin ang dalawang matalik na kaibigan ni Ate Steph. Sobrang mababait at walang bahid ng ka artehan kahit mga mayayaman at ubod ng ganda.

Pumasok na ako sa loob at sinalubong ako ni Megan.

"Baby!!" Sigaw niya sakin na may halong excitement. Napangiti naman ako. Lumapit siya at niyakap ako. "Uy ikaw ah! Bakit wala ka nung party ni Dionne?"

Si Dionne at Megan ang dalawang bestfriend ni Ate Steph.

"Sorry! Sumama kasi pakiramdam ko nun."

Inakbayan lang ako ni Megan at pumasok na kami sa kitchen. Doon naabutan namin si Ate Steph at Dionne na nagluluto.

"Oh Dionne! Andito na yung baby girl natin. Diba may gusto kang itanong kanina?" Napakunot noo naman ako. Ano na naman kaya ito? Baka about kay Roger na naman.

"Ehem. Nakwento lang naman ni Steph na nagkita na daw kayo ni Giselle." Siniko naman siya ni Ate Steph.

Nakwento ko na kasi sa kanila yung about samin ni Giselle. Open naman kasi si Ate Steph about dun, tsaka kilalang kilala naman nila si Giselle.

"Oo pero saglit lang naman, nagmamadali kasi ako." Yumuko lang ako. Hayst ayoko ng ganitong topic eh.

"Pst! Kumain nalang tayo maya na yang chika." Sambit ni Ate Steph.

Umupo na kami sa table at kumain. Halos tawanan at kwentuhan lang kami.

"Uy! Si Giselle!" Sigaw ni Dionne. Bigla kong nalunok kinakain ko. Invited ba siya?

"Hello girls. I've missed you." Niyakap at bineso niya eto.

"Pasalubong namin Gi?" Tanong ni Megan habang nakatayo padin si Giselle. Ako yumuko lang at busy sa paghihiwa ng lettuce.

"Ate Megs, tanging pasalubong ko lang sayo ay yung katawan ko." Natigil naman ako sa paghihiwa ko.

"Sus! Hindi na ako nagulat! Si Giselle padin talaga 'to." Tawang tawa naman si Dionne.

"Naparito ka?" Tanong ni Ate Steph.

"Hihiramin ko sana yung racket ni Kuya Raffy, may bedmenton ako maya." Halos mahiwa ko na pati plato sa mga pinagsasabi niya!

Bumabalik na ata yung dating Giselle. Ano bang nangyari sa babaeng 'to. Kahapon okay naman siya.

"Baby girl, may ibang tao dito oh." Inangat ko mukha ko sa harap ni Dionne na nakanguso kay Giselle. Jusko, pwede namang wag na akong isali dyan.

"Hello Ex. Miss mo ba ako?" Napatingin ako kay Giselle. Kumunot naman noo ko. Seryoso kaba?

"Excuse me?" Tumingin ako sa kanya. Nakangiti lang ito.

"I miss you too." Sabi niya. Muntik ko na talagang ibato sa kanya ang plato. Mahigpit na nakahawak na ako nito.

"Oy oy oy. Dumating ka lang dito nag iba na ang weather. Mukhang babagyo." Sabi ni Megan.

"Giselle kumain ka na ba?" Tanong ni Ate Steph.

"Nakita ko lang si Winona Ate nabusog na ako eh." Sabay smirk pa niya.

"Eh di umalis kana dito, di ka din naman pala kakain." Tumawa lang si Dionne at Megan.

"Joke lang Ate, hmm. Mukhang masarap yan ah." Kumuha na siya ng plato at tumabi sakin. Phew!

"Ngeee ex, ano ginawa mo sa lettuce?" Tumingin ako dito at hiniwa hiwa ko na pala yung lettuce. Argh! Nakakainis kasi 'tong babaeng 'to eh. Hindi ko na siya sinagot at kumain nalang.

Habang nag uusap kami ay panay sabat pa rin niya. Papansin talaga kahit kailan.

Pagkatapos namin kumain at mag usap saglit ay uuwi na kami.

"Winona sabay ka na kay Megan." Suggest ni Ate Steph.

"Ay naku Steph wag na. Sa kanya siya sasabay." Tinuro naman ni Megan si Giselle. Ow please wag na! Nakaalis na kasi si Dionne.

"Okay lang ba sayo?" Tanong naman ni Ate.

"Magtataxi nalang ako Ate."

"Sus. Lika na ex, wag ka mag alala, hatid lang kita unless gusto mo sumama sakin mag bedmenton?" Si Giselle habang naka sandal sa kotse niya.

"Tigil mo nga yan Giselle." Sabi ni Ate. Haay! May choice pa ba ako eh ang layo layo naman kasi ng lalakarin ko.

Nagpaalam na ako at pumasok sa sasakyan ni Giselle. Nag drive na siya na wala kaming imikan. Ayoko din naman makipag usap sa kanya.

"Parang ang baho?" Nasira mukha niya at nagtakip ng ilong.

Oo nga noh, mabaho talaga. Inamoy ko sarili ko pero hindi naman siguro ako noh! Tiningnan ko sapatos ko at sa kamalasmalasan ay may natapakan akong tae! Emeged!

Nanlaki ang mata ni Giselle.

"Sorry." Naka peace sign nalang ako, natapakan ko ata ang tae ng aso or what sa labas. Hindi ko na alam eh. Alangan naman sadyain kong tapakan. Nabahiran tuloy ng tae ang mat niya sa sasakyan.

Nag stop nalang muna kami sa car wash at pinalinis ang mat, di narin kasi namin kaya ang amoy. Inopen niya din lahat ng pintuan at inispray ng pabango sa loob.

Ako? Eto sitting pretty lang sa gilid. Nakabawi pa ako sa pang iinis niya kanina. Ayan dali dali ng karma eh.

Nakasimangot siyang umupo sa tabi ko. Ako pigil lang talaga tumawa.

Ilang minuto din ay nagsalita na siya.

"Gusto mo ng coffee?" Hindi pa ako nakapagsalita ay tumayo na siya at umalis. Nakakainis talaga yung babaeng yun.

Halos 30 minutes din siyang nawala. Tapos na din yung paglilinis. Ng makabalik ay may hawak siyang dalawang kape. Inabot niya sakin ang isa.

"Uminom ka muna ng ma alive ka." Tapos umupo na siya.

At dahil uhaw nadin naman ako ay ininom ko na ang kape. Sa kamalasmalasan ay napaso pa ako! Naibuga ko tuloy ang lahat ng na inom ko. Argh! Napaso tuloy dila ko. Napahawak ako sa bibig sa sobrang init.

"Yan, di ka kasi nag iingat."

"Ang init naman nito! Napaso pa yung dila ko." Sabay taas ng kape.

"Huh? Eh hot coffee kaya yan!"

Inirapan ko lang siya. Ang hapdi eh.

"Mahapdi ba? Lika palalamigin ko." Sabay kindat pa niya at kagat sa labi.

Hinampas ko naman agad siya sa braso. "Ang bastos mo!"

"Aray! Ano ba iniisip mo? Bibigyan lang sana kita ng tubig!" Napahimas naman siya sa balikat niya.

Ayoko na ng kung saan saan na naman mapunta 'to kaya tumayo na ako. "Tara na nga!"

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Where stories live. Discover now