Chapter 61

24.4K 405 58
                                    


FRIDAY FLYDAY nadaw sigaw ng mga kasama ko sa work. Unti unti na kasi silang nagsi-alisan hanggang sa ako nalang naiwan sa office. Tinatapos ko pa kasi tong icompose ang email na isesend ko sa head namin. Habang abala ako sa pagproofread ay bigla naman may kumalabit sakin.

"Ay dagang lumilipad!!" Napasigaw tuloy ako at napaigtad sa kinauupuan ko. Lumingon ako and I felt a shiver down my spine na nakapagpatayo ng mga balahibo ko sa braso.

"Sorry Winona." Sabay tawang reaction niya sakin. "Nabigla pa kita."

"Mam Hannah?" Nasurpresa ako ng makita ko siya. Tumaba siya ng konti pero ganun pa din, walang pinagkaiba, ang ganda niya pa din. At yung smile niya, I see something more beautiful than the stars. Waaa Winona ano ba yan! Natotomboy ka na naman sa kanya.

"How are you?" Pukaw niya sa kahibangan ko. Gusto ko sanang sagutin siya ng Okay lang namiss kita. Ang feeling ko naman kaya saktong okay lang sagot ko.

Si Hannah Sandoval ang kambal ni Hailey. At kung naalala niyo pa, sila yung nakasuntukan ni Giselle at Gabrielle sa isang bar.

"Tara samahan moko sa office ibibigay ko pasalubong ko sayo." Hinawakan niya kamay ko at biglang nakuryente naman ako sa nararamdaman ko. Pinagsamantalahan ko yun at hinawakan ko ng maigi. It's now or never. Pangalawang beses ko pa siya nakaholding hands. Nung una hinila niya ako kasi muntik akong mabunggo sa kasalubong ko. Grabe ba't ang manyak ko na? Ilang buwan din siyang wala kaya itodo ko na to.

Pagdating sa office ay kinuha niya ang isang bag para sakin, alam niya kasi mahilig ako sa mga bag. At inabot niya ito.

"Thank you so much Mam Hannah." Habang yakap ko ang bag. Itatabi ko po to matulog Ma'am.

"Welcome. Namiss kita Winona!" Sabay biglang yakap niya sakin. Muli na naman akong kinilig. Gusto ko sana siyang yakapin din pero pesteng bag to, hadlang eh! Grabe di ko na kayang pigilan nararamdaman ko.

"A-ako din Mam." Sagot ko na nauutal.

Bumitiw siya ng pagkakayakap at humarap sakin hawak mga braso ko. "Pauwi ka na ba after? Hatid na kita ha. Tatapusin ko lang din tong papers." Para akong matutunaw sa mga titig niya. Pwede ba Mam? Tama na po. Mahihimatay na po ako sa kilig.

"Su-sure ka po Mam?"

"Oo, sige." At tumalikod na siya. Umalis akong may sigla at ngiti sa aking mga labi. Landi lang!

......

"Sige, thank you po sa paghatid Mam. Ingat po kayo. And welcome back nga po pala." Sabi ko habang akmang bubuksan ang pinto ng kotse niya.

"Thank you din Winona. Goodnight."

Naiwan akong nakatayo ngayon habang pinagmamasdan na makaalis ang sasakyan niya. Grabeng pantasya na to. Grrr! Pagpasok ng bahay ay humiga muna ako sa sofa. Makakatulog na sana ako dun kaya lang narinig ko ang ingay ng busina sa labas ng bahay. Paglabas ko si Roger pala at mga bata.

"Ninang! Ninang!" Sigaw ng mga ito at nakita kong lumabas nadin si Roger.

"Hello! Pasok kayo." Sabay yakap at kiss ko sa mga cuties na to.

Sa loob ay sobrang hyper ng mga bata kahit gabi na, habulan dito at doon. Habang naglalaro sila naguusap naman kami ni Roger. Para sa kaalaman ng lahat, kinasal na si Roger. Yes, happily married na po siya sa ibang babae at ang mga batang kasama niya ngayon ay mga anak niya. Alam naman kasi sa mga sarili namin na hanggang magkaibigan lang. Gayun paman, nananatili padin kaming matalik na magkaibigan.

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Where stories live. Discover now