Chapter 39

24.2K 436 28
                                    

Nag flashback sa akin ang mga nangyari sa huli naming pagkikita. Gulong gulo ang isip ko sa mga oras na yun. Isang araw nagising nalang ako na may kahalikan ang mahal ko, habang naghihilom ako sa sakit bigla naman nawala ang aking Ina.

Wala ako sa tamang pag iisip sa mga oras na yun, feeling ko pinaparusahan ako ng Dios dahil sa pakikipagrelasyon sa kapwa babae, kasi diba hindi naman daw pwede yun. Tanging si Roger, mga kapatid ko at si Ate Steph lang ang nagpapagaan ng loob ko. Oo si Ate Steph, sobrang tulong ang naibigay niya sakin, siya lahat gumastos sa pagpapalibing nung mawala si Mama, akala koy hanggang dun lang pero halos buwan buwan na kaming nagkikita.

Sa sobrang galit at lungkot ay pinili ko nalang pakawalan si Giselle. Kung sa iba ay siguro napakababaw lang ng naging decisyon ko pero nung mga araw na yun lubog na lubog na ako.

Ngayon kaharap ko na siya. Ang taong namimiss ko dati pa ay nakikita ko na. Lalo siyang gumanda at pumuti, pumayat din siya. Kumakain kaya 'to ng tama? Napatigil na ako sa pag iisip ng magsalita siya.

"Wi-winona?" Sa dami daming tao na tumatawag sakin niyan, tanging si Giselle lang ang nag bibigay sigla sakin tuwing naririnig ko pangalan ko.

"He-hello. Ahm, a-akala ko si Kuya Raffy ang --"

"Wala na siya. Ako na ulit dito." Putol niya.

"Kailan ka pa nakabalik?" Tanong ko.

Naglakad lang siya at nilagpasan ako. Lumingon ako upang humarap. Napahawak naman siya sa upuan niya.

"Last week lang." Ngumiti siya at agad inayos ang upuan at umupo ito. Nakahawak ang dalawang kamay niya na nakapatong sa table at inangat ang mukha niya. "Please have a seat."

Dali dali na akong umupo ng di siya tinitingnan. Nahiya ako sa ganda niya, naging girlfriend ko ba talaga 'to? Agad kong binuksan ang folder at binigay ito sa kanya.

"Hmmm." Iniscan naman niya ito. Mga halos dalawang minuto din niyang tiningnan. Ako naman busy sa kakatitig sa kanya. Haay, ganun padin talaga ang pabango niya. Yung lips niya kissable padin. Nakikita na halos cleavage niya kasi naka white sheer top siya ngayon.

Maya maya ay tinabi niya ang folder sa table niya. Tumingin siya ulit sakin.

"Kumusta ka na?" Natulala naman ako. Yun lang? Akala ko trabaho pinunta ko dito.

"O-okay lang. I-ikaw ba?" Naku Winona baka mamaya maging pipe kana niyan. Kaya ayusin mo pagsasagot.

"After two long years, naka graduate din." Nag smile lang siya. Ako? Nag smile nalang din.

Inayos ko pagkakaupo ko. "Masaya ako para sayo Giselle."

Biglang dead air.

"Okay lang ba kayo ng mga kapatid mo?" Tanong pa niya.

"Oo, okay naman kami. Graduate na si Winston, si Aries naman nag aaral pa ng college." Sagot ko.

"That's good. Masaya din ako para sayo. After all, naging maayos din ang lahat."

Hindi na ako nakasagot ulit dahil biglang may pumasok. Lumingon ako at may magandang babae naka smile na naglalakad papunta sa direksyon ni Giselle. Sinundan ko lang ito ng tingin. Ang ganda at sexy niya sa suot niyang heels.

"Hi Babe!" Bati nito kay Giselle?! Nagulat ako. Pero mas nagulat ako ng halikan niya ito sa labi.

Halos di na ako makagalaw sa nakita ko at di ko na masara ang aking mga mata. Naku! Sobrang parusa naman ata ang maupo sa harap nila. Bakit kailangan ko pa tong makita!

Napatingin si Giselle sakin at tumayo. "Babe, si Winona. Ahmm Winona si Finn."

"He-llo." Yun lang ang naging sagot ko. Ayoko naman sabihin Hello nice to meet you, kahit di naman!

"Hi." At ngumiti lang ito na parang walang ka proble-problema sa buhay. Alam niya kaya na ex ako ni Giselle? Parang hindi naman eh.

"Sige Mam Giselle, alis na po ako. Kung may tanong po kayo tawagan niyo lang po ako sa branch. Salamat." Agad na akong umalis sa kinauupuan ko. Ngunit hindi pako umabot sa pinto ay tinawag ulit ako.

"Winona!" Lumingon naman ako agad.

"Ingat ka." At infairness, naging caring pa siya sakin. Hayst! Makaalis na nga.

Nagmadali na akong lumayas at bumalik sa trabaho.

...

Pagkatapos ng trabaho ay agad na akong umuwi. Halos wala na ako sa mood kanina. Iniisip ko si Giselle at ang nangyari.

Huhu. Bakit nasasaktan pa ako. Mahal ko padin talaga siya. Dahil yung mga naramdaman ko dati biglang bumalik!

Nakauwi ako ng bahay na halos naka tunganga lang ako the whole time. Binuksan ko phone ko at nag Facebook. Hinanap ko ulit ang facebook ni Giselle.

Naghintay ako magload pagkatapos kong itype ang buong pangalan niya. Ayun! Tinap ko ito at Ting! Hindi na ako naka block! Dati kasi hindi ko siya ma search, malaking hinala ko binlock niya ako sa facebook.

Agad kong iniscan ang profile niya, private naman ito. Tiningnan ko profile pictures niya dahil naka public naman, pero wala akong makitang pictures nila. Nag scroll ako ulit at may nakita akong isang post na nakatag si Giselle.

Siya! Siya yung nakita ko kanina. Binasa ko at nakapangalan ito ni Finnley Damaso Ortega. Masayang tingnan ang picture nila na puro naka smile, background nito ang eiffel tower. Buti pa sila naka punta na.

Naka ramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Masaya na si Giselle ngayon. Dapat maging masaya narin ako para sa kanila.

Naluluha akong tinitigan ang unan na binigay sakin ni Giselle nung first monthsary namin. Decisyon mo naman yan Winona, panindingan mo nalang.

Humiga na ako at nakatingala lang sa kisame. Sana Lord mawala na yung sakit, dalawang taon ko din 'tong tiniis. Nagmumuni muni ako ng tumunog ang phone ko. Si Ate Steph tumatawag.

"Hello Ate?"

"Winona, ba't di moko pinuntahan sa office kanina?"

"Ay, sorry Ate. Ano kasi." Nag iisip muna ako ng dahilan. "Kasi nag mamadali ako kanina. Ayun."

"Sinungaling. Na abutan mo si Giselle?"

"Oo Ate. Di mo naman kasi sinabi dumating na pala siya."

"Ay oo nga pala, sorry. Yaan mo nalang. Kita tayo bukas?" Hay si Ate naging habit na talaga ayain akong lumabas. Ganun pa man ay masaya ako, kasi para ko na talaga siyang kapatid at bestfriend. Hindi ko nga lubos maisip bakit ganito nalang trato niya sakin.

"Sige Ate." Binaba ko na yung call at natulog. Hayst Winona, tingnan mo napala mo.

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Where stories live. Discover now