Chapter 20: April.Apply.Andrea

270 15 0
                                    

Pinagpapawisan ako ng sobra at grabe hindi ko na talaga mapigilan! Kailangan ko na itong ilabas.

Kanina pa ako mabilis na naglalakad dito sa mall para maghanap ng c.r, ngayon lang ako nakapunta sa mall nato kaya hindi ko alam kung nasan yung c.r.

"nakoo andrea, bakit kase ngayon pa sumama yung tiyan mo" hawak-hawak ko yung tiyan ko at tinitignan ko lang yung sandals ko habang naglalakad.

Kumain muna kase ako ng dalawang kwek-kwek tapos fried noodles na nilagyan ko ng napakaraming teriyaki tapos shawarma at bumili pa ako ng coke float para inumin. Wala pa kase akong kain kanina pa at kung anong ginagawa ko? Nag-aapply na ako ng trabaho yipieeee \m/

My youth!
My youth is yours
Trippin' on skies, sippin' waterfalls
My youth!
My youth is yours
Run away now and forevermore
My youth (pooooooooooooooooooot)

Tingin sa kanan .^^

Tingin sa kaliwa ^^.

Tingin sa likod -.-

Nako buti nalang sumabay sa beat yung utot ko. WAH! Nauutot na ako. Nasaan na ba kase yung c.r, kanina ko pa sinusundan yung signboard, sabi sa taas daw! Eh andito na ako sa taas tapos nakalagay pa rin sa arrow UP. Wala naman ng taas to! May gym pala dito kaya anlakas ng music.

Wag niyo ng itanong kung anong nangyare sakin sa mall.

Nakangiti akong nakatayo sa daan. Inikot ko yung paningin ko at nakita kong sa iba nagpupunta ang mga tao, pinabayaan ko na sila at nakangiti pa din akong nakatayo.

After 30 mins.

"Bakit walang dumadaan na jeep?!" naiirita na ako! kanina pa kaya ako nag-aantay dito. Kabisadong-kabisado ko na nga yung mga sasabihin ko eh.

Kenneth's POV
Kamusta na kaya si andrea? Two weeks na ang nakakalipas simula ng naging kami. Matawagan nga.

"Yow? napatawag ka?" nababaliw na naman tong babaeng to. Napangiti ako dahil narinig ko na naman ang boses niyang parang bata.

"Tss. Jejemon! kamusta interview?"

"Hm. Hindi pa ako nakakasakay"

"Ha! Anong oras na, saan ka ba?"

"Andito pa din, kanina pa nga ako nag-aabang ng jeep kaso wala namang dumadaan"

Ilang beses kong inulit sakanya na walang jeep na sakayan sa pupuntahan niya.

"HAHAHAHAHA Pfft. hahahaha"

"bakit tumatawa ka!"

"Wala naman talagang dumadaan na jeep diyan dreya"

"huh? Bakit may tigil pasahe sila ngayon?"

"Tanga!" hindi nagagalit si andrea kapag ginaganyan ko siya. Alam kong harsh at parang walang respeto pero ganito kami maglambingan ng girlfriend ko.

"Ay grabe naman to sakin"

"Puntahan kita diyan haha i love you"

"Letche! i love you too"

"I love you more"

"I love you mores"

"Mas Tanga! haha"

"Hahaha grabe!"

"hahaha ay nga pala"

"Oh?"

"Break na tayo"

"Sige goodbye"

End.

Natapos ang araw na to na hindi naman natuloy ang interview niya kase may lbm siya. Para talaga siyang bata. Ako naman ay nagtatrabaho na sa isang restaurant, minsan nag eexperiment ako ng mga recipe at ipapatikim ko kay andrea. Kaso ang lagi niya lang sinasabi ay panget ang lasa. Pero nauubos niya lahat ng binigay ko sakanya.

Naalala ko yung araw na sinagot niya ako. Inamin niya na naiinis siya kapag nakikita niya pa ding magkasama kami ni cathy. Aksidente lang kaming nagkita ulit ni cathy, may trabaho na pala siya at mukhang masaya siya. Ngayon daw ay assistant nurse siya, madali lang siya nakakuha ng trabaho dahil na din siguro may koneksyon ang mga papa niya. Ngayon ay nagpapahinga muna si andrea sakanila at ako naman ay kakatapos lang sa trabaho.

Flashback

Papunta ako ngayon sa ospital, dito sa ospital kung saan ko dinala si andrea nung nahimatay siya. Kinabahan nga ako nun kaya dinala ko agad siya sa ospital, sabi sakin ng doctor na nahilo lang talaga si andrea nun. Pero bumalik ulit ako dun after three days after nung pagka release ni andrea sa ospital.

"Magdodonate po ako ng dugo" sabi ko sa doctor, hiling kase sakin to ni mama. Hindi daw kase sila makakapag donate ngayon kaya ako nalang daw.

"Ikaw" napatingin ako dun sa doktor na sinabihan ko, siya yung doktor na kumausap sakin nung pinunta ko dito si andrea.

"Antagal kitang hinantay, tinatawagan ko din yung number na nilagay mo sa form pero unattended na" anong meron dito sa doctor na to? Magseselos si andrea kapag narinig niya ang mga sinabi nitong doctor, pero nasa 40's na yung babae.

"Hindi ko po kayo maintindihan miss" sabi ko. May kinuha siyang papel at lumapit sakin.

"May pinunta kang babae dito dati diba?"

"Si andrea po"

"Yes. Andrea, ginawan ng other test si andrea regarding to her brain" inabot niya sakin yung papel, result daw ng test na ginawa ng kasama niyang doctor. Kaya pala parang ang mahal ng binayaran ko nun.

"Im sorry, buti bumalik ka ulit dito" sabi niya ulit, hindi naman niya sinabi yung resulta dahil bigla siyang tinawag ng mga nurse dahil may sinugod na pasyente.

Nahimatay lang naman si andrea bakit kailangan pa ng brain test.

"Baka nakalimutan lang ng doctor na binigay niya na yung result" itinabi ko ang papel at hindi ko muna to binuksan. Nagpakuha na ako ng dugo at umuwi pagkatapos.

Tinawagan ko muna si andrea at natulog na. Kinabukasan, pagkamulat ko ay nakita ko agad yung letter na binigay sakin kahapon. Kinuha ko ito at binuksan.

730 Days with Andrea SantosWhere stories live. Discover now