63 - Ang Pabor

11.1K 167 18
                                    

Dedicated to @Luvielubxzs, dahil akala niya tapos na sa previous chapter ang MMB. Hindi pa girl, haha. Para sayo 'to. =)

P.S. Namnamin niyo na ang scenes ni Marvin dito. Sige, kayo din. Lol. :D

Chapter 63 – Pabor

MARVIN'S Point of View


*bzzt!*

.

.

.

From: Bench

Asan ka?

"Tsk! Tapos ngayon, tatanong-tanong ka kung asan ako."

"Sino 'yan?" isa pa 'tong bruhang Helen na 'to. Parang aso kung makabuntot agad saken.

"Ano bang ginagawa mo dito? Akala ko ba nasa camping ka pa? Bakit sinundan mo 'ko dito?!" pagalit kong tanong sa kanya.

"W-wala lang! Bakit ba eh sa nabobored na 'ko dun. Saka pwede ba, 'wag kang feeling d'yan, di kita sinundan dito noh! Nagkataon lang na pareho tayo ng lugar na pinuntahan," palusot niya pa.

"Tse! Huwag mo nga 'kong gawing tanga. Hindi ka naman nagpupunta sa mga ganitong lugar eh," nag-iisang umiinom lang kasi ako sa bar ...kanina, ngayon may bwiset na asungot na sumunod saken. "Tsk, if I know ginamit mo na naman 'yang pagiging mautak mo."

Alam kasi naming magkakaibigan ang GPS ng bawat isa, at pakshet, 'di ko naman akalaing pati sa akin ay gagamitin ng babaeng 'to ang pagiging tuso niya.

"Bahala ka, isipin mo na'ng gusto mong isipin," tugon niya sabay tungga ng laman ng baso ko.

"Di ka rin sugapa sa alak noh?" I told her sarcastically.

Pagkatapos ay pinuno niya ulit ng alak 'yung baso at saka dire-diretsong tinungga. She repeated it thrice at nang pang-apat na ay kinuha ko na 'yung baso ng alak sa kanya at ako na ang uminom. Tinignan niya 'ko nang matalim.

"Kung gusto mong magpakalunod sa alak, bumili ka ng sarili mo. Hindi 'yung sa akin 'tong inuubos mo. Tsk."

"Marvin..." nagulat ako sa tono ng pananalita niya. Expected ko kasi na sasagutin niya 'ko nang pabalang dahil sa sinabi ko. Pero the hell! Biglang naging malambing ang boses niya! "Marvin..."

Takte, kinikilabutan na 'ko sa babaeng 'to ha! Kung makatingin din kasi parang lalamunin ako nang buhay!

"L-lasing ka na 'ata. U-umuwi ka na," nauutal-utal ko pang sabi dahil sa nerbyos.

Pero hindi niya 'ko tinugon, sa halip ay unti-unti niyang iniaangat ang parehong kamay niya palapit sa mukha ko.

"Helen naman, ano ba?!" naiilang na 'ko, lasing na talaga siya!

At ako, medyo tipsy na rin dahil kanina pa 'ko tumutungga ng alak.

Hindi niya inalis ang mga palad niyang nakalapat sa magkabilang pisngi ko. Hindi rin ako makatingin nang diretso sa kanya. Pero ramdam ko ang pagtitig niya sa akin.

Ano bang nangyayari sa babaeng 'to?! Sinaniban na talaga ng espiritu ng alak! >.<

"Marvin..." tila nagmamakaawa naman na tawag niya sa akin.

This time ay dahan-dahan na 'kong lumingon sa kanya. Nagtama ang mga mata namin. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Nagkatitigan pa kami nang mas matagal.

"Marvin..." ngayon naman ay ngumiti siya na parang asong ulol.

Natawa tuloy ako sa kaitsurahan niya.

Marry Me, Beki! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon