39 - pampatulog

10.9K 155 17
                                    

Dedicated kay @queencity. 


Chapter 39 – Pampatulog

DOM'S POV

*ring!*

"Hello, Sophie?" I answered the phone.

"Dom! Babe!"

"Stop the babe Sophie, where are you? Are you alright?"

"Yes yes babe. Nakatakas ako sa kanila," ang kulit talaga. Pero nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya.

"Asan ka?"

"Andito ako ngayon sa school natin dati Dom, please puntahan mo ko. I'm scared, baka mahuli nila ako dito," mangiyak-ngiyak ang boses niya.

"Okay okay, I'll be there in a minute. Huwag ka nang umalis d'yan, papunta na ko."

"Okay Babe, I'll wait for you."

After I hung up the phone ay dahan-dahan akong tumayo mula sa bed, nag-aalala na baka magising bigla ang asawa ko. Ayoko ng gisingin sya. Kailangan nya rin ng pahinga.

To: Sophie

Papunta na ko d'yan. Don't move and wait for me.

Pagkatext ko kay Sophie ay agad ko nang pinaandar ang motor ko papunta sa eskwelahan namin noong high school. Hindi naman kalayuan yun kaya madali ko rin siyang natunton. Ngunit makitid nga lang talaga ang ibang kalsada papunta dito kaya siguro ito agad ang naisipan ni Sophie na pagtaguan.

"Dom!" rinig kong tawag ni Sophie mula sa di-kalayuan.

Ipinark ko agad yung motor at tumakbo papunta sa kanya. She hugs me tight, at doo'y nag-uumiyak na, dala marahil ng matinding takot.

"Okay ka lang ba? Paano ka nakatakas? May masama ba silang ginawa sayo?" tanong ko habang chinecheck ang kabuuan niya kung may tinamo siyang galos o pasa.

"No, I'm alright. Wala naman silang ginawa sa'ken kundi puro pananakot. They didn't hurt me but..." napatigil sya at tila maiiyak na naman.

"Pero ano?" tanong ko.

"But they attempted to rape me... Dom, muntik na nila akong gahasain..." iyak na siya nang iyak. "Mabuti nalang at nakatakas ako."

She hugged me again. I comforted her. "Sssh, it's okay now. Ang mahalaga ligtas ka na. Nandirito ka na. Patawarin mo ko Sophie, ako ang ugat ng lahat ng 'to."

She keeps crying. Hinagod-hagod ko nalang ang likod nya while saying, "Everything's alright. I'm here now, I'll protect you from now on. Kung hindi dahil sa akin, hindi mo dadanasin ito."

~~

Someone's POV

"Hey papunta ka ba sa kwarto ni Miss Chant?" tanong ko sa nurse na kasalukuyang naglalakad sa hallway malapit sa kwarto ni Andrea Chant.

"Yes Doc, why?"

"Sige na, ako nalang ang pupunta sa kanya."

"Eh Doc—"

"Sige na Nurse, ako nang bahala dito."

"Pero para san po 'yang wheelchair na dala-dala niyo," kukutusan ko na 'tong nurse na 'to eh, masyadong madada!

"Para sa isa ko pang pasyente," I looked at her nameplate. "Sige na Miss Otuotu, pwede ka nang umalis."

"Okay Doc."

I smirked and whispered, "Tss, uto-uto."

I opened Andrea's room and saw her sleeping heavenly, "Hmm, sige lang matulog ka lang d'yan nang mahimbing. At may pupuntahan tayong paraiso."

Marry Me, Beki! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon