52.2

10.4K 195 35
                                    

Dedicated to @ochirej17o5. Natutuwa kasi ako sa mga comments nya. =)

Chapter 52.2

ANDREA'S Point of View

"Hi!" bati ko sa gwapong lalaking naka-shades sa tabi ng bintana.

"Anong ginagawa mo dito?" he asked with his usual cold voice, 'ni hindi man lang ako tinignan.

Sayang ang outfit ko. Hmp!

"Makikiupo," instead I answered with a wide smile on my face.

"I mean, bakit dito mo pa naisipang umupo eh ang dami—"

"I'm sorry Mr. Machonimo pero ito nalang ang nag-iisang bakanteng upuan sa loob ng bus na 'to." tuluyan ko na siyang tinabihan. Pero bago ako tuluyang makampante sa kinauupuan ko ay sumenyas muna ako ng 'thumbs-up' kina Marvin, for them to check the second step on the list—ang matabihan si Dom.

Maya-maya'y namalayan kong inalis ni Dom ang shades nya at saka lumingon saken gamit ang malalamig na tingin niya. Kinabahan naman ako, dahil baka napansin nya ang pagsenyas ko kina Marvin sa likuran.

"W-what? Duda ka ba sa sinabi ko? Why don't you check it yourself ?" I asked him.

Then bigla siyang tumayo at pinagmasdan ang buong paligid, sinunod nga ang sinabi ko. Confident naman ako dahil talagang pina-occupy na nila Marvin ang iba pang natirang bakanteng upuan kanina. He didn't say a word nang mapatunayang tama ako. Instead ay naupo nalang siya ulit at isinuot ang shades nya.

"Kamusta nga pala—"

Hindi ko na naipagpatuloy ang itatanong ko nang bigla siyang humikab nang malakas at isinalpak ang earphones sa magkabilang tenga nya.

Kelan pa naging bastos ito?!

Isinandal nya na pa ang ulo niya sa head rest ng upuan at tuluyan na 'kong hindi inintindi.

I sighed.

Hanggang kelan ba siya magiging ganto ka-cold saken?

"Hey, why don't we catch up with each other? Ang tagal din nating hindi nagkita ah!" masiglang suhestiyon ko pa.

"Huy!" kinalabit ko nang mahina ang balikat niya. But still, hindi nya pa rin ako pinapansin.

"Ang sungit mo naman, gusto ko lang naman makipagkwentuhan eh. Ano ba yang pinapakinggan mo? Parinig nga!" tinanggal ko sa kanang tenga nya ang isang earphone upang ikabit sana sa tenga ko ngunit bigla nya itong hinatak pabalik.

"WHAT'S THE PROBLEM WITH YOU MISS CHANT? CAN'T YOU SEE I'M GETTING SOME REST HERE? TIGILAN MO 'KO SA KAKULITAN MO, PWEDE?"

I was stiffened and shocked.

Ramdam kong lahat ng tao ngayon sa bus ay nakatingin sa amin. Parang gusto ko na tuloy sa lumubog sa kinauupuan ko ngayon din or better yet lamunin nalang ako ng lupa nang buong-buo. Naiiyak na ko, hindi lang dahil sa napahiya ako kundi dahil sa masakit na pakikitungo ni Dom sa akin.

'No.' I shook my head, hindi dapat mangibabaw ang kahinaan ko. Hindi dapat ako magpatalo sa patuloy na pantataboy nya. Kung gusto ko talaga siyang bumalik sa akin... I need to face the consequences, I need to be determined enough to win his heart again.

~~

♫She's like a cold coffee in the morning. I'm drunk off last night's whiskey and coke. She'll make me shiver without a warning. And make me laugh as if I'm on the joke. ♫"

Naalimpungatan ako sa isang pamilyar na boses—boses ni Ed Sheeran habang kinakanta ang paborito naming kanta ng Hubby ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko just to check where it is coming from.

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now