22 - Chucka doll?!

15.6K 299 28
                                    

Chapter 22 – Chuck-a doll

DOM'S POV


*brrruuum!*

"Okay Dom, ready na. Pumwesto ka na dun sa big bike."

"Yes Miss Chiqui."

Gosh, this is the moment. Maghaharap na nga kami ni Fafa Chuck, at ang unang challenge ay paggawa ng commercial. At big bike ang napunta saken para imodel ko, samantalang ang kay Fafa Chuck naman ay kotse. Psh, pano na 'to? Hindi pa naman ako masyadong marunong mag-motor. Pang-astig lang kasi 'to eh, ang hilig ko yung mga pang-kikay. Aish!

Tapos yung pagkaka-make up pa nila saken, boy na boy. Psh! Ang kati sa mukha at ulo nung mga pinaglalagay nila. kainis!

"Dom, double time!"

Tss, eto namang si Miss Chiqui hot na hot. Actually kagabi pa sya excited sa gagawin naming commercial na 'to. At talagang tumawag pa sya saken para lang sabihan ako ng bagay na bagay daw saken ang maging model ng big bike ng kompanya. at sigurado daw sya na ako ang mas maraming makukuhang likes sa youtube.

Oo, yun na nga ang challenge samen. ang kung sinumang makaani ng mas maraming likes sa youtube, yun ang panalo sa first challenge. At emenggard, ano namang laban ko kay Fafa Chuck na pagkapanganak palang ata ay sikat na?

"Dom, relax!"

OMG, paano naman ako makakapagrelax nito eh todo-nginig ang mga tuhod ko hindi pa man umaandar 'tong pesteng big bike na 'to? Tss!

"Sige na, paandarin mo na...dahan-dahan lang sa clutch ha."

"O—okay," tae namang kamay 'to, hindi naman ako pasmado pero over sa panginginig! >.<

Tulad nga ng sinabi ni Miss Chiqui, dahan-dahan lang ang paghandle ko sa clutch.

"Dom, sige lang wag ka matakot!"

Dahan-dahan...

Dahan-dahan...

Dahan-dahan...

"Dom, hindi ka pa rin umaandar, bilisan mo!"

Tae naman! Eto na nga oh! "AAAAAAAAAAAAH!!!" *booogsh!*

"DOM!!!"

Araykuuu, pwet ko. MYGAHD, mahal ang pa-botox ko dito. Chos! De joke lang, natural ata to all-over the body, mehehe.

Oh stop joking na, ang sakit-sakit talaga ng pwet ko! Ayan na, naglapitan na silang lahat. Peste naman kasi, bakit kelangan ko pang gawin 'to eh?

"Dom ayos ka lang?"

Oo, ayos lang ako. Feeling ko lang naman, basag na  ang pwet ko. Ayos lang ako bruha kang Chiquitita ka!

"Ano Dom, masakit ba?"

Hinde, masarap. Masarap sa pakiramdam ang sumemplang sa big bike. Psh.

"Gusto mo bang magpatawag ng medics?"

"MEDICS?!" O_O

"Oo bakit?"

"Yu—yung iinjectionan yu...yung pwet ko?"

"Depende sa pagkakabagsak mo."

"Ay hindi! Okay...okay lang ako!" sabay tayo *ouch!*  >__< pwet ko, pesteng buhay 'to oh. Bugbog sarado na ko simula nang makasal ako sa pesteng Andrea na yun.

"HUBBY AYOS KA LANG BA? ANONG NANGYARI MISS CHIQUI?!" speaking of the devil with poise.

"Ah ehh, Ma'am Andrea sumemplang po sya eh."

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now