+ P R O L O G U E +

76.5K 865 118
                                    

Ang istoryang ito ay RATED PG. Patnubay at gabay ng magulang ay 'di na kelangan para sa mga mambabasa.

Ang kwentong pawang katatawanan na magpapasakit sa inyong tiyan at mapapa-jebs nang 'di-oras. Sinamahan pa ng iyakan, at emohan. Pati na ng halikan at chukchakan.

Kaya uulitin ko, ito ay RATED PG--Pang Genius sa kalokohan, Generous sa pag-vote, at Go lang ng go sa pagbabasa!

~~

Marry Me, Beki!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Marry Me, Beki!

written by MoonLightFairy

© All Rights Reserved

January 28, 2013

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 P R O L O G U E 


"Ang pag-ibig na pinipilit, nakakapilipit."

'Yan ang paniniwala ko sa pag-ibig.

Know why?

Kasi naman, buong high school life ko, puro pain and heartbreak ang dinulot saken ng mga lintek na lalaking 'yan! Walang nagseryoso saken. Kung hindi nila trip-trip lang ang panliligaw ay ite-take for granted naman nila ako dahil sa yaman namin.

Bakit hindi nila ako nagawang seryosohin?

It's because I'm a pathetic naïve girl.

Tsk, enough for that. Basta ako, simula nang mag-college ako hanggang ngayon na nagtatrabaho na'ko, hindi na ko napasok sa anumang romantic relationship. Hindi naman ako napagkakamalang lesbian dahil nagka-crush pa rin naman ako kahit papaano, though almost all of them ay celebrities.

At bitter na kung bitter pero isa na talaga ako sa mga naniniwalang WALANG FOREVER! 'Ni wala na nga sa planner ko ang salitang pagpapakasal.

Until one day...

"Andrea, pumayag ka ng magpakasal kay Chuck!"

"Papa, ayoko po magpakasal sa lalaking 'yun!" ubod ng babaero 'yun eh!

"Pero gusto na kitang makapamilya at gusto ko na ring makita ang apo ko sa kaisa-isang anak 'ko."

Gahd! At this age of 23, magpapakasal at magkakaanak ako?! NO WAY!

"Kung ipipilit niyo 'ko sa kanya, aalis nalang ako dito!"

Umalis ako't nagpunta sa park. But damn! Wala pang thirty minutes ay namataan ko na agad ang mga bodyguards namin na obviously ay pinasunod sa akin ni Papa. At syempre, ano pa ba ang next move ko? Takas-time again.

I need to get out of their sight as soon as possible, dahil kung hindi ay ipagpipilitan pa rin sa akin ni Papa ang gusto niya. At bago pa man din mangyari yun ay dapat na akong makaisip ng paraan para masolusyonan itong problema ko.

I ran as fast as I can. I ran, and ran. Until...

"OUCH!"

Though, I'm in the middle of running away, I can't help but to look up into this certain person na kung maka-ouch ay wagas. And wrong move.

Napanganga ako, literally, sa itsura ng lalaki.

Napanganga ako, literally, sa itsura ng lalaki

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Gwapo, check!

Matangkad, check!

Matipuno ang pangangatawan, check!

Yummy, check!

Perfect, check!

Shet, galing ba 'tong Olympus?

Did I just say that I am a man-hater? Gosh, can I just make an exemption? Ang cute niya. Kamukhang-kamukha siya nung super crush kong Korean Superstar. With his chinito eyes, kissable lips, matangos at firm na ilong. Sinamahan pa ng structure ng katawan niyang tamang-tama lang sa katangkaran niya. He is an example of the word perfect!

"Hindi tumitingin sa dinaraanan."

Well, aside from his voice. Err... medyo uhm, ipit?

Ay nevermind! Baka sa pagiging tense ko lang ito kaya namamali na ko ng nadidinig Speaking of tense!

"Sorry po, kuya nasaktan ka ba?" hinging-paumanhin ko bago man lang makalarga.

"Demoiselle!" rinig kong tawag ng mga body guards namin.

Patakbo na sana ako ulit nang makitang malapit na sa direksyon ko ang mga humahabol sa akin. Mas dumami sila, kaya there's no way na makakatakas pa ko sa mga 'yan.

Tarantang-taranta na talaga ako. I closed my eyes and think of something to resolve this. I feel my shakiness while thinking, until, suddenly a bright-idea came up.

Tinignan ko ang gwapong nilalang gamit ang nakakaawang itsura, "Umoo ka na lang kuya ha? Promise, iti-treat kita sa Starbucks ng kape."

Kitang-kita ang pagkalito sa itsura niya, kasabay ng pagtaas ng isang kilay niya.

"Demoiselle!"

"Ayan na, malapit na sila! One, two, three acting!"

I kneel down.

"MARRY ME!"

Lahat ay napatigil at napatingin sa gawi namin lalo na ang mga body guards namin. I looked at him desperately, hoping this will work.

"PLEASE MARRY ME!"

But he just continues standing in front of me, staring back at me with a disgusting face.

"Beki ako."

He suddenly said. I got confused.

Bek-what? Is that his name?

Pero wala na kong oras para tanungin pa sa kanya iyon. I've got no choice but to say...

"Then marry me, Beki..."


-----

Please like my FB Page: Moonlightfairy's Stories

Thank you! xx

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now