37 - mahiwagang tinidor

12.2K 214 28
                                    

Dedicated sa youngest reader ko 'ata'? Hehe, actually nata-touch talaga ako kapag may nakikitang comments ng readers sa story ko. Lalo na 'tong sa kanya, super effort niyang mag-comment ng mahaba, thank you talaga baby. Nabasa ko ang comment mo. =) Take care always, lovelots. :**

Chapter 37 – Mahiwagang tinidor

DOM'S POV


Matapos kong manalangin sa isipan ay lakas-loob na kong pumasok nang tuluyan sa private room kung saan naroon si Andrea.

"Dom?" rinig kong tawag nya ngunit hindi ko pa nakikita ang reaksyon nya dahil nakayuko ako.

"Dom ikaw nga!" lumapit ako sa tabi nya habang nakayuko pa rin and this time ay nakapikit na nang mariin ang mga mata ko.

I nodded, "Ako nga."

"Oh, bat ka nakapikit d'yan?"

Huminga muna ako nang malalim bago ko sya lakas-loob na niyakap. "HONEY! I'M SORRY! PRAMIS DI KO NA UULITIN YUN! SORRY HONEY, HINDI KO KASI ALAM!" T___T

"Huh?"

"Promise, kahit mamatay man ulit sina Bomberman at ang tropang Mortal Combat, hinding-hindi na ulit kita iiwan. Sorry Honey, kung alam ko lang hindi ko na ginawa yun."

"Ano bang pinagsasabi mo? Anong di mo alam? Saka bakit ka ba parang tuko d'yan kung makayakap saken?" muli ay tanong nya.

"Sinusulit ko lang Honey, baka kasi last na 'to! Sorry na Honey, hindi ko kasi talaga alam na buntis ka na pala nung umalis ako. Sorry Honey ko, patawarin mo sana ako."

"..."

Hala, di na sya sumagot. Mukhang galit na galit tlaga sya saken. Yan na nga bang sinasabi ko, kaya ayokong tignan yung reaksyon nya eh. T___T

"Honey, sorry na..."

"..."

"Honey, please forgive me."

"..."

"Honey, bat ayaw mong sumagot?"

"..."

Dahil ayaw nya talagang magsalita ay nagdesisyon na kong tingalain sya. "Honey bakit--!"

"Oh, bat nakatitig ka lang saken?" naguguluhan kong tanong dahil pag-angat ko ng tingin sa kanya ay expressionless na nakatingin lang sya saken.

I sighed,  "Siguro ganun nga katindi ang galit mo saken Honey. But still," pinatong ko yung kamay ko sa kamay nya. "I'm hoping na someday ay mapatawad mo rin ako Honey. At sana rin balang-araw, maintindihan mo ang dahilan kung bakit kinailangan kong umalis noon."

Ngunit sa hinaba-haba ng sinabi ko, wala pa rin siya 'ni isang letrang reply. Haay.

"Honey, salita-salita rin pag may time. Sige ka, baka matuyuan ka ng laway d'yan at maging bad breath ka," biro ko pa.

"Gusto mo talagang magsalita ako?" sa wakas, nagsalita rin sya!

I nodded.

"Gusto mo ba yung prangkahan na," dugtong nya pa.

"Okay sige, handa akong tanggapin ang lahat ng masasakit na salitang bibitiwan mo saken. Kahit pa sumbatan mo ko dahil sa nagawa kong pang-iiwan sayo, ayos lang sak—"

"Alam mo Hubby," napatigil ako sa pagsasalita dahil bigla siyang lumapit saken at bumulong. "Mukha.kang.tanga."

Tila nagpanting naman ang tenga ko sa sinabi nya. Kahit bulong lang yun, sagap na sagap pa rin ng antenna ng utak ko. Kaya naman...

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now