18 - gwiyomi

17.1K 266 33
                                    

 Chapter 18 - gwiyomi

Andrea's POV

"Oh Chuck, nagustuhan mo ba yung pinaluto ko sa Chef namin?" 

"Ah yes Tito, nabunsol nga po yung tiyan ko eh, hahaha!"

"Haha, mabuti naman kung ganun."

Ay naku, kahit kelan talaga sipsip 'tong si Chuck sa papa ko. Tch. Asan na ba kasi yung asawa ko?? Mukhang lumarga na naman nang di ko alam ha.

"Mabuti pa siguro mamaya ka na muna umuwi, manuod na muna kayo ng movie dyan sa theatre room nila Andrea."

"Ah hindi na siguro papa, baka gabihin pa yan si Chuck," segunda ko sa suhestiyon ni Papa.

"No! It's okay papasundo naman ako sa driver namin eh."

Aish! Ang inconsiderate talaga! Hindi nya ba naisip na pagod na ko't gusto ko ng magpahinga sa piling ng asawa ko? At saka, ang lakas ng loob niyang bulabugin pa yung driver nya na imbes na nagpapahinga nalang eh ipapag-drive pa sya? Psh!

"Osige na, magtungo na kayo dun sa theatre room at manuod. Ako'y magpapahinga na muna sa kwarto ko. alam nyo naman, medyo tumatanda na ko."

"Pero Papa—"

"Hayaan mo na Andeng! Ang tagal na rin nating walang quality time together, infact miss na miss na nga kita eh."

"Psh, ang kapal mo namang sabihin yan sa papamahay pa mismo naming mag-asawa," inis kong bulong sa kanya.

"Oops, you're wrong sweety, pamamahay ni Papa mo 'to. And as far as I know, wala pa kayong naipupundar ng asawa mo. tss, dinaan ka lang ata nun sa kagwapuhan eh. Psh, eh di hamak naman na mas pogi at mas macho ang dating ko dun," I heard him giggled. "Eh, mukang babakla-bakla nga yang asawa mo eh."

Doon ay biglang nagpanting ang dalawang tenga ko. I don't know why but I really have this urge na ipagtanggol si Dom sa kahit na sino lalo na dito sa ubod ng yabang na Chuck na 'to!

"HOY! PARA SABIHIN KO SAYO HINDI AKO PUMAYAG MAGPAKASAL KAY DOM DAHIL LANG SA GWAPO SYA. UNA SA LAHAT, NAGPAKASAL AKO SA KANYA DAHIL 'LOYAL' SYA!" I emphasized the word 'loyal' dahil alam kong yun ang unang-unang panlaban ng asawa ko sa damuhong 'to. "AND SECOND, HIS KIND, THOUGHTFUL, SWEET, GENTLEMAN AND BRAVE!"

Aish, oo na, alam kong medyo kabaligtaran ni Dom yung karamihan sa mga sinabi ko. Pero no choice ako, kelangang kong ipagtanggol ang asawa ko, kundi ako rin ang mapapahiya.

"AND LAST, I LOVE HIM FOR WHO HE IS. TOTOO SYA SA SARILI NYA AT HINDI PLASTIK NA NABABAIT-BAITAN LANG SA IBANG TAO. DID YOU GET MY POINT?" talagang sya ang pinatamaan ko sa huling mga sinabi ko.

"Oh okay sweety, sabihin na nating kabaligtaran ko nga ang asawa mo. Pero may nafi-feel talaga akong may kulang sa kanya. And I just can't still find what is it. Pero malalaman ko rin yun in the right time, right?"

Sh*t, wag mo ng alamin, peste kang pakielamero ka!

"But for now, let's just watch a movie together muna," he cling his arm on my shoulder.

Mabilis ko namang tinapik ang kamay niya at inalis sa balikat ko.

Tss! Asan na ba kasi yung magaling kong asawa?

~~

'THE ORPHAN'

Yan ang napili ni Chuck na panuorin namin since nung tanungin nya ko kanina kung anong gusto kong panuorin ay sinagot ko lang sya ng,"Ikaw ng bahala mamili, sa totoo lang wala akong ganang manuod kasama ka."

Marry Me, Beki! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon