46 -Sorry

10K 183 29
                                    


Chapter 46 -Sorry

TRISTAN'S Point of View

"Mabuti nalang, nakipag-areglo din yung mga minions noh?" napatingin ako kay Andrea na masayang-masaya matapos pumayag na makipag-ayos ng mga tao sa likod ng minion mascots, na nang dumating dito kanina ay galit na galit at handa nang magsampa ng kaso.

"Mga walang-hiya kayo! Nagsosolicit kami nang maayos tapos pinalapa nyo kami sa mga bulldogs nyo! Aba, kung ayaw niyong magbigay, e'di sabihin niyo nang maayos. Hindi yung mapapatay nyo pa kami sa kagat ng mga aso nyo, mabuti nalang at matibay 'tong mascots namin!"

"Grabe noh? Galit na galit talaga si Ateng minion nun, akala ko talaga hindi na nila kami mapapatawad eh."

"Haha, bakit mo naman kasi pinakawalan yung mga bulldogs?" pang-sampung ulit ko na 'atang tanong 'to sa kanya.

"Ah kasi ano eh..." tila nag-aalangan pa sya sa sasabihin niya.

"Ano?"

"Akala ko kasi..." napapakamot siya sa batok na tila nahihiya.

"Ah alam ko na!" bigla ay may nag-sink in sa utak ko nang maalala ang pag-uusap namin kanina sa cellphone. "Tell me, kaya mo pinakawalan yung mga bulldogs kasi akala mo sila Dom yung nasa likod ng mascots noh?"

Hindi siya makatingin sa akin, "Oo eh."

"I see. Bakit nga ba ngayon ko lang naisip yun."

Hindi sya umimik.

"Okay, let's just change the topic. By the way, hindi ko pa nga pala nabibigay yung surprise ko sayo."

Dumukot ako sa bulsa ko at kinuha yung kwintas na binili ko para kay Andrea. "Uhm, pasensya na di ko na nabalot—"

"Hey what's that?" aniya na nakatingin sa bandang paanan ko.

Tumingin ako sa tinuturo nya at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang sulat ni Dom. Agad kong dinampot yun at mabilis na nilagay muli sa bulsa ko.

"Ah w-wala lang 'to."

"Weh?" hindi kumbinsido ang mukha nya. "Eh bakit parang nauutal ka?"

"Hi—hindi ah!"

"Talaga lang ha? Baka naman sulat yan?"

"HINDI SULAT 'TO!"

"Oh? Bat sumisigaw ka?" gulat na tanong nya.

"H-hindi noh, ano lang kasi 'to... resibo. Oo tama, resibo lang 'to resibo."

"Ah, okay."

Saglit na namayani ang katahimikan. Parehong itinuon sa pagkain ang awkward atmosphere ng paligid.

'Stupid Tristan! Bakit ba nakalimutan kong nasa bulsa ko lang din pala yung sulat ni Dom para kay Andrea? Tss.'

"Uhm Andeng..." hindi ko na napigilan na basagin ang katahimikan.

"Hmm?" sagot nya sa gitna ng pagkagat ng apple.

"Kung... kung sakaling may aalis na mahalagang tao sa buhay mo, masasaktan ka ba?"

Kusang napakunot ang noo niya.

"Ano ba namang tanong yan? Bakit? May mawawala ba sa buhay ko?"

"W-wala naman... kunwari lang naman."

"Syempre masasaktan ako, mahalaga nga sa buhay ko eh."

"Kakayanin mo?"

"Yung sakit?" tanong nya pa.

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now