9 - curious

18.7K 339 34
                                    

Chapter Nine - Curious

DOM'S Point of View

"Argh... ang sakit ng ulo ko..." parang pinupukpok ng pitumpu't pitong martilyo.

Babangon na sana ako nang may maramdamang kakaiba. Bakit ang sakit nung bandang gitna ko? De joke. Para kasing ang lamig, nakakumot naman ako.

"Hmmm..."

Napabalikwas ako nang may marinig na ungol.

"Ehh? Who's this fvcking pokemon?!"

Sinilip ko yung ilalim ng kumot, at...

"AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!! HALIMAAAAAAAAAAAWWW!!!"

"HA?! SAN MAY SUNOG?!" napabangon siyang bigla. "SUNOG! SUNOG! SUNOG!"

Binatukan ko ang walang-hiya.

"ARAY! Bakit mo ko binatukan?" sabi nya habang hinihimas-himas yung ulo nya.

"Bobita ka talaga! Ang sabi ko halimaw hindi sunog! Bongols!"

"Eh kasi naman sumigaw ka, so akala ko may sunog."

"Psh, porket sumisigaw may sunog na agad? Di ba pwedeng nakakita lang ako ng halimaw sa ilalim ng kumot ko?!" sarcastic kong pagkakasabi.

"Halimaw? Sinong halimaw?" aba't nagtanong pa!

"IKAW!" ako.

"HA?" siya, mukhang tulog pa rin ang diwa.

"Ang shonget shonget mo! Mukha kang halimaw!" sigaw ko habang nakapamewang.

"Hoy!" gaya-gaya pa ang bruha, namewang rin. "Excuse me, 'tong gandang 'to, halimaw? Hiyang-hiya naman ako sayo!"

"Talagang mahiya ka, kadiri ka. Magbihis ka nga! Kinikilabutan ako sa ayos mo."

Then, bigla siyang napayuko at tila nagulat pa ang bruha.

"OMG."

"Oh kunwari ka pang gulat na gulat dyan, ni-rape mo ko noh? Rapist ka! Help! Help! May rapist dito! Help!" T___T

"Gaga!" aniya sabay batok na naman nang malutong sa akin.

"Arouch naman!" bruhang 'to, pinagsamantalahan na nga ko, may gana pang saktan ako. Ahuhuhu, battered wife aketch. T.T

Lalo pa kong kinilabutan nang biglang may sumilay na ngiti sa labi nya. Yung ngiting di kaakit-akit, kundi kasuka-suka.

"Ano na namang nginingiti-ngiti mo dyan, ha!?" tanong ko with matching taas-kilay pa.

"Wala, masama bang ngumiti? Naalala ko lang naman yung kagabi eh." she smirks.

"Anong... anong nangyari kagabi?" Lord, please...tell me, mali ako ng inaakala, gosh.

"Oh my! Hindi mo naaalala?!"obvious na umaarte lang siyang nagulat, tss.

"At anong dapat kong alalahanin aber?" supladita kong tanong.

"That was so special, you should've remember that."

"Tse! Huwag mo kong idaan sa pa-english english mo na yan! Ano ba kasing nangyari?!" medyo kinakabahan na rin kasi ako.

"E'di yung..." tumigil siya at ngiting-ngiting nakatingin sa akin.

"POTA. Sabihin mo na, nambibitin pa eh!"

"Ikaw nga nambitin dyan eh..."

"Ha?!" tanong ko dahil hindi ko narinig yung sinabi nya, rather bulong lang pala.

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now