51 - Operation: Balik Dom kay Andrea!

11.5K 200 16
                                    

Hello kay Brit! Thanks for your wonderful message on my MB. May God bless you girl. =)

~~

Chapter 51 – Operation: Balik Dom kay Andrea!

ANDREA'S Point of View

"Oh apo! Nandyan na pala kayo!" napalingon agad ako sa likod namin kung saan nakatingin si Mamu.

"Tom?" bumalik ang tingin ko sa matanda. "Si Tom pala ang apo ninyo Mamu?"

Nakilala ko agad ang lalaki, dahil isa iyon sa mga pinakilala sa akin ni Dom ngayon sa "Bekimon Club" nila.

"Ah no, the person behind Tom is my grandson," Mamu said while smiling. "Dom, I missed you!"

*bogsh!*

"Ma'am yung baso!" sigaw ni Helen.

Ngunit hindi ko na inintindi pa yun. Tama ba ko ng pagkakarinig? Did Mamu just mention 'his name'? Nakatalikod ako kaya hindi ko pa makumpirma kung tama ba ang hinala ko.

"Ma'am ayos ka lang?" tanong ni Bench sa akin.

Pero ako, nanatili pa ring nakatayo na parang tuod sa pwesto ko. 'Ni hindi lumilingon sa direksyon nila, upang kumpirmahin kung siya nga ba talaga iyon.

"Are you alright?" a tear fell from my eye when I suddenly heard that voice... that voice I've been longing to hear again.

Dahan-dahan akong humarap sa kanya... that face... is the same face I've also waited to see again.

Ramdam kong lahat sila ay nakatingin sa akin, pero hindi ko na inintindi pa iyon. Nanatili lang akong nakatitig sa mukha niya habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha mula sa aking mga mata. Unti-unti kong inangat ang mga kamay ko upang hawakan ang magkabilang pisngi niya—I just have to check if this is another dream of mine.

"D-dom..." lalo akong napahagulgol ng iyak nang may mapatunayan. "Totoo nga... I'm not dreaming. This is real, nagbalik ka na talaga Hubby ko!"

Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya. "God knows how much I've missed you!"

Moment have passed nang mapansin kong hindi siya gumaganti ng yakap sa akin, his hands remained on his sides. Then suddenly, I heard him clears his throat. Inalis nya ang pagkakayakap sa akin. Then he composed himself and said, "Nice to see you again, Miss Chant."

Nakangiti niya pang inilahad ang palad niya sa akin.

"So... magkakilala na pala kayo," maya-maya'y sabad ni Mamu.

"Ah kaanu-ano mo siya Hijo?" tanong naman ng asawa ni Mamu.

"Ah she's Dom's—" sasagot sana si Tom.

Pero bigla iyong inunahan ni Dom. "My ex-wife. She's my ex-wife Mamu."

"Oh my God! Why didn't I know that? I'm sorry Hija, I should've known from the start kung bakit tila pamilyar talaga ang mukha mo. Yun naman pala'y nakita na kita a year ago sa picture na pinakita saken ng apo kong si Dom. Hay naku, ang hirap talaga 'pag tumatanda na."

"It's okay Mamu," tugon ko nalang.

But deep inside, it was not okay. I'm not referring sa hindi pagkakatanda ni Mamu saken, kundi sa pagpapakilala saken ni Dom as his ex-wife. And also, the cold treatment I've received from him a while ago.

Bakit ganun? Bakit parang may nagbago?

Why did suddenly turn into a cold person like that?

Siya pa rin ba ang Hubby ko? Siya pa rin ba ang Dom na minahal ko noon?

Marry Me, Beki! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon