45 - minions

10.1K 154 16
                                    

A/N: Dedicated kay @zyxaiiiiiiiiiii, kahit ang hirap iispell ng username niya hehe! Thanks girl, for your pm. :)

Chapter 45 – minions

ANDREA'S Point of View

"Andrea anak, ready ka na bang pumasok bukas?" tanong ni Papa na kapapasok lang sa kwarto ko.

"Ah yes Papa. Ito nga po nireready ko na yung mga dadalhin kong documents."

"Okay anak, at saka nga pala ito na yung mga pina-investigate mong documents about Mr. Waldon."

Kinuha ko agad yung envelope na naglalaman ng dokumento. "Salamat po, Papa."

"Ah anak, sigurado ka ba sa gagawin mo? Hindi ka kaya mapahamak sa pinaplano mo?"

I held papa's hand, "Don't worry po 'Pa, I'll be alright at anuman po ang mangyari I'll also make sure na walang madadamay sa gagawin ko. And besides, investigation palang itong ginagawa ko."

"Ganun ba anak? Pero mag-iingat ka ha. Nag-aalala ako sayo eh. Makapangyarihang tao yan si Waldon, maraming koneksyon. Naririnig-rinig ko nga na gumagawa na sya ng paraan para palayain yung anak niyang si Chuck."

"Hindi mangyayari yun 'Pa, sisiguraduhin kong nasa kulungan na rin sya bago pa man nya mapalaya yung walang-hiya niyang anak."

Papa just smiles and taps my head. "Ang tapang talaga ng anak ko. Sayang nga lang, di ako nagmana sayo."

Natawa ako sa sinabi ni Papa.

"Basta lagi lang akong nandirito para sayo ha, whenever you need help don't hesitate to call me ok?"

"Okay po. Thank you ulit papa."

"Ah, nga pala kayo na ba ni Tristan anak?"

"Po?!" gulat ang reaksyon ko.

"Oh, bakit parang gulat na gulat ka naman 'ata? Hindi ka ba nililigawan nung binatang yun? Ang tagal niyo nang magkaibigan nun ha, huwag mo sabihing—"

"Papa naman, huwag niyong bigyan ng malisya ang pagiging close namin ni Itan. We're just friends."

"Sus, friends-friends! D'yan naman lagi nag-uumpisa ang pag-ibig eh."

"Malabo nga pong maging kami," dahil wala naman po akong nararamdaman para sa kanya and I don't think I'd be able to do it.

"Bakit naman? May iba ba siyang gusto?"

"Wala po."

"Oh wala naman pala eh," napatigil bigla si papa. "Teka, wag mo sabihing hanggang ngayon eh yung baklang Dominador na yun pa rin—"

"No, Papa! That's impossible!" hindi ko napigilang sigaw.

"Oo na, defensive masyado hmm..."

"Papa hindi naman po tala—" napatigil ako sa pagsasalita nang biglang may maulinigan.

"♫Bababa, baba, bababa. Bababa, baba, baba!♫"

"Ano yun?" kunot-noong tanong ni Papa.

Lumapit at sumilip agad ako sa bintana.

"Minions!" I exclaimed excitedly as I saw three mascots of my favorite cartoon character.

"Talaga? Minions?!" excited ring nakisilip si Papa sa bintana, paborito nya rin kasi yun lalo na si Gru.

"Ang cute!" sabay pa naming sigaw ni papa.

"Sino kaya 'yang mga yan Andeng?"

"Malamang po si Itan! Sabi nya kasi may surprise daw sya saken eh. Hahaha! Ang isip-bata talaga nun!" tuwang-tuwa ko pang tugon.

Marry Me, Beki! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon