13 - DARNA

17.2K 287 24
                                    

Chapter 13 - DARNA

Dom's POV

"Patingin naman ako!"

"Che!"

"Pasilip lang!"

"Ayoko nga!"

"Psh, damot naman!" nagpa-cute pang nag-pout ang bruha.


"Tigilan mo ko sa tantrums mo, Andrea," then I walked out.

"Hey! Hey! Saan ka pupunta?" habol niya naman.

"Sa lugar kung san malayo ka!"

"Weh? Parang kaya mo ah? Andyan kaya si Papa," nang-aasar niya pang tugon.

"Psh! Demonyita!"

"Hahaha!" mala--evilita niyang tawa.

Idinaan ko nalang sa paglangoy ang panggagalaiti ko sa mag-amang kasama ko ngayon na naliligo sa dagat. Tss, tae talaga 'tong Andrea na 'to. Iniistress na naman ang beauty ko, akalain niyo ba namang gustong makita ang pinakaiingatan kong birdie. Takte! Pasilip lang daw?! Anong akala nya dito? Display sa museum na libreng-libreng pagmasdan?!

Argh! Eh kahit kay Delo na ex ko, hindi ko pinakita to eh. Tss! >___<

"Honey! Saan ka pupunta? Sabay tayo mag-swim!"

"Psh!" leche lang, kung wala lang pudra mo dito, kanina pa kita nalunod bruha ka.


"Andrea, Dom! Halina kayo, kakain na!" napatigil ako sa paglangoy nang marinig ang tawag na yun ni Tanda.

Tumayo na ko at naglakad na lang dahil ang sakit na rin ng braso ko kakalangoy. Malapit na sana ako sa pampang nang bigla kong marinig ang nakakairitang boses ng asawa ko.

"DOM!"

Tae, nakatawag na naman, akala mong mawawala ako eh! >.<

"DOM! *hhmp!* PAPA! TULOOOONG!"

"ANAK!!!" nakita kong nabitawan ni Papa ang pinggan na hawak nya at tarantang tinawag si Andrea.

Si Andrea naman na nasa may kalagitnaan ng dagat ay nakita kong tila kumakaway-kaway.

"Paepal na naman," walang pakialam kong bulong.

"DOM! ANG ANAK KO!"

"Papansin lang yan Papa, baka may bagong trick lang na natutunan."

"DOM ANG ANAK KO!"

"Papa, alam ko namang anak nyo yan eh." unli? unli? paulit-ulit? paulit-ulit?

"DOM, SI ANDREA—"

"Papa hayaan niyo—"

"DOM, HINDI MARUNONG LUMANGOY ANG ANAK KO!"

Bigla akong nataranta sa sinabi ni Papa. "PO?!!" tila na-stuck up ako sa kinatatayuan ko. "Bakit di nyo naman sinabi agad Papa?!"

"Iligtas mo ang anak ko Dom, parang awa mo na!"

Malamang, ako lang naman marunong lumangoy dito eh. Sino pa bang aasahan niyong maging DARNA ngayon?

And through my instinct, agad na kong tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Andrea. At nang nasa may bandang malalim na ko, nilangoy ko na ang natitirang distansya saming dalawa.

I swim and swim until I almost reach her. Inabot ko ang kamay niya, nanlalamig na iyon. Binitbit ko sya habang ang isang kamay ko ay ikinakampay sa tubig.

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now