37 -kidnap

12.9K 193 27
                                    

Mabuti nalang natapos ko agad ang gift kong video para kay father dear at nagka-time para ma-update 'to. Advance happy father's day sa ating mga dakilang ama! Huwag niyo silang kalimutang batiin, okay? ;)

P.S. dedicated kay Yesha. Girl salamat sa comments every update. =) Lovelots. :*xx


Chapter 37 –Kidnap

CHUCK'S POV


"Anong sabi mo? Nagbalik na si Dom kay Andrea at tinanggap siyang muli ni Mr. Chant?!"

"Yes Boss, rinig na rinig ko ang pag-uusap nila sa ospital."

"Lintek! Hindi maaari!" napasuntok ako sa desk. "Hindi sya maaaring pagkatiwalaang muli ng matandang yun!"

"Ano ang gusto mong gawin namin Boss?"

"Gawin mo ang lahat," nanggigigil kong sabi. "Gawin mo ang lahat upang madiin lalo sa kaso ng pagpatay ng technical manager ng kumpanya ang Dominador na yun. Anuman ang mangyari, kelangan siya ang makulong! Hindi kailanman nila dapat malaman na tayo ang nasa likod ng pagpatay, maliwanag ba?"

"Yes Boss."

Paalis na sana ang mga tauhan ko nang bigla kaming may marinig na malakas na galabog sa gilid.

Sh*t may tao!

"Sino yan?!" sigaw ko upang makasiguro kung may nakinig nga sa usapan namin ni Arthur.

Dali-dali akong lumapit sa pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang hindi na nakalapat iyon.

'P*ta! Mukhang may nakarinig nga!'

Hindi na ko nag-aksaya pa ng oras, kinuha ko ang baril ko sa cabinet at saka isinuksok sa may tagiliran ko.

'Humanda ka! Pagsisisihan mo ang pakikinig sa usapan nang may usapan.'

Pagkalabas ko ng opisina ko ay agad kong tinanong sa sekretarya ko kung sino ang pinayagan niyang pumasok sa office ko.

"Sir, makulit po yung babae. Sinabi ko nang hindi pwede—"

"Babae?!" putol ko sa sekretarya ko.

"Yes Sir."

"San na siya nagpunta?"

"Mukhang pababa na ng lobby Sir."

After that ay agad na kong sumakay ng elevator pababa ng lobby.

"Tsk, sabi ko na nga ba." Tama nga ang hinala ko.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng elevator ay nakita ko si Sophie na nagmamadaling magtungo sa parking at tila may tinatawagan sa cell phone nya.

"F*ck!" tinakbo ko na ang natitirang distansya sa aming dalawa.

Agad ko siyang pinigilan sa braso.

"Aray! Ano ba!?" hiyaw nya.

"Where do you think you're going huh?" bulong ngunit mariin kong pagkakasabi sa kanya.

"Wala ka na dun," ganting-bulong nya. "Pwede ba, bitiwan mo ko!"

"Halika dito." kinaladkad ko siya sa tagong parte ng parking lot.

"Ano ba?! Bitiwan mo nga ko!"

"Anong narinig mo ha?! At sinong tinatawagan mo? Si Dom? Magsusumbong ka ba, ha?!"

"Oo! Masaya ka na?!"

"Sophie I'm warning you, don't intervene with my business or else—"

"Or else ano? Papatayin mo rin ako tulad ng ginawa mong pagpatay sa TM ng kumpanya nyo?!"

Marry Me, Beki! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon