5 - active birdie

23.3K 439 42
                                    

Chapter Five – Active birdie

DOM'S Point of View


"Honeeeeey!"

Takte, nandyan na naman ang babaita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Takte, nandyan na naman ang babaita. Kelan ba ko tatantanan ng isang 'to? Lumayo na nga ko para maghanap ng peace of mind, sinundan pa rin ako!

"Honey kooooo!"

Argh! Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis! Bakit ba ko napasok sa gulong 'to! Ggrr!

"Honeybabeee!"

Eeew, kung anu-ano pang nakakadiring tawag ang iniimbento ng bruhang 'to!

"Honey yuhuu! Where na you? Dito na meee!"

OH.EHM.GEE! Papalapit na sya! Nakita ko na ang pangit niyang mukha na kung tumakbo ay animo nasa isang teleserye siya. Feel na feel pa ng bruha ang breeziness ng wind. Tss. Breezygirl ang peg.

Nataranta ako lalo nang kindatan niya ko.

Shet. Nakakapanlambot. Kadiri amputa. Napagdesisyunan kong umalis na sa kinauupuan ko. Agad akong tumakbo palayo sa kanya.

Mabuti nalang at nang makalayo ako sa kanya ay nakakita ako ng isang puno. Nagtago ako sa likuran ng coconut tree.

Alam ko, pambobo ang ideyang pagtatago sa napakanipis na trunk ng punong 'to. Pero anong gagawin ko? No choice ang lola niyo. Mistulang lost island 'tong kinatitirikan namin. Puro dagat at coconut trees lang ang makikita. Hindi naman ako pwedeng magtago sa resort house dahil dun nga nanggaling yung monster na yun.

Ilang minuto makalipas ng pangkriminal kong pagtatago ay nangalay at naglawa na ang kilikili ko.

Sumilip na ko sa kanan...

WALA.

Silip sa kaliwa...

WALA! HALLELUJAH!

Dahan-dahan akong naglakad patalikod.

"Dahan-dahan lang..."

"Dahan-dahan lang..." nilagyan ko na ng tono ng kantang Dahan-dahan ni Maja with matching kembot-kembot ng body.

"Dahan-daha-AY PEKLAT KA!"

"Tinataguan mo ba ko?!" nakapamewang na tanong ng alam niyo na siguro kung sino.

"Ahh, hehe..." nag-peace nalang ako.

"Tinatanong kita, DOMINADOR!" mukhang napagod at nagalit kakahabol at kakahanap ang bruha.

"EH ANO NAMAN KUNG TINATAGUAN KITA? HA?!" naggalit-galitan na rin ako at pinamewangan siya.

"Ah, ganun ha..." napaatras ako bigla nang unti-unting lumapit sya saken.

Marry Me, Beki! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon