39.2

10.2K 150 6
                                    

Chapter 39.2

CHUCK'S POV

Flashback...

"Hayop kayo! Asan ako? Pakawalan niyo ko dito!" tss, napakaingay talaga ng bunganga ng babaeng yun!

"Pasensya na Boss, kanina pa nga namin tinatakot para manahimik pero ayaw magpatinag." paliwanag ni Arthur.

Kasalukuyan kasi kaming naglalakad ngayon papunta sa kuta kung saan naroon ang maingay na si Sophie.

"Walangya, nasa malayo palang tayo rinig na rinig na yung bunganga ng babaeng yun. Pano pa kaya kung andun na talaga tayo, baka mabasag na eardrums ko sa babaeng yun!"

"Huwag kayo mag-alala Boss kami na bahala dun."

"Huwag! Hayaan niyo sya. I love playin' with her."

"Nandirito sya Boss," turo nya sa isang kwartong may bulok na pintuan. Sinenyasan ko siyang buksan na ito.

And there, tumambad sa amin ang nagwawalang  si Sophie. Ngunit dahil nakatali sya sa isang upuan ay hindi na sya naging problema ng iba ko pang mga tauhang naroon—isa na dun ay ang amain ng baklang si Dom.

Nginisian niya ang ako, samantalang nang makita naman ako ni Sophie ay nagsusumigaw na naman ito.

"Hayop ka! Sabi ko na nga ba ikaw ang may kagagawan nito! Walang-hiya ka!"

"Pwede ba kahit ilang seconds lang, patahimikin mo naman yang bibig mo!"

"Damn you, Chuck. Isinusumpa ko makawala lang ako dito, ilalabas ko ang lahat ng baho mo at mabubulok ka sa kulungan!"

"Ah ganon?" bumunot ako ng baril sa likuran ko at itinutok sa kanya. "Gusto mong ako na mismo ang magpatahimik sayo ngayon din?"

Kitang-kita ang takot sa mukha nya. "Napakasama mo! Demonyo ka!"

"Alam ko," then I smirked.

Nang wala na siyang masabi pa ay nag-uumiyak nalang.

"Dom... I'm so sorry.... Dom..."

"Tss, huwag ka nga'nmg maarte d'yan! Wala ka naman sa teleserye!" I yelled at her.

Hindi naman sya sumagot, instead ay tinitigan lang ako nang masama.

"Ooh, takot naman ako. Sana nakamamatay nalang yang titig moa no? Para kanina ka pa nakawala dito. Haha!"

"You're evil!"

"Alam ko na nga yun, huwag ka nang magpaulit-ulit d'yan! Saka huwag ka mag-alala, hindi naman talaga kita sasaktan eh basta sumunod ka lang sa gusto ko."

"Hinding-hindi ako susunod sayong bwisit ka!"

"Talaga? Baka 'pag narinig mo ang offer ko ikaw pa mismo ang mag-volunteer na makipagtulungan saken?"

Again, hindi na naman siya nakaimik. Madali lang naman kumbinsihin 'yang si Sophie. Alam kong halang din ang sikmura n'yan at handing gawin ang lahat mapasakanya lang ang gusto nya.

"So here's my offer..." nang hindi sya umimik ay pinagpatuloy ko na ang pagsasabi ng plano ko sa pamamagitan ng pagtutulungan naming dalawa.

~~


"Hello?! May tao ba d'yan? Papa?! Hubby?!"

Napatayo ako sa sofa. Si Andrea yun ha.

"Gising na siya!" agad akong nagtungo sa pintuan ng kwarto kung san naroon sya. I turned the knob and walk towards the room.

Bahid ang pagkabigla sa mukha nya nang makita ako. "Chuck?!"

I smiled at her.

"Chuck, anong ginagawa mo dito? At bakit ako naririto?!"

Lumapit ako sa kanya. Tried to reach her pero iniwasan nya ko. "Huwag mo naman akong ituring na parang isang matinding sakit."

"Ano bang pinagsasabi mo d'yan?! At anong ginagawa ko dito? Asan ang asawa ko?"

Pakiramdam ko ay kumulo na naman ang dugo ko pagkarinig doon. I looked straight into her eyes.

"Ang asawa mo?" nilapitan ko siya lalo.

At muli'y iniwasan nya ko. "Kakaiwas mo, hindi na ko magtatakang mahulog ka sa kama."

"Wala akong pakialam! Asan ang asawa ko, Chuck?!"

"Andun sa babae niya."        

"WHAT?!"

"Oh? Nabigla ka pa? Hindi mo ba alam?"

"Anong hindi ko alam?" bakas ng pagkalito ang itsura niya.

"Tsk, tsk, tsk... kawawa ka naman. Pinagmumuka ka nang tanga, di mo pa rin alam."

"Diretsahin mo na ko, pwede!"                                                

"Psh, nagpunta lang naman siya kay Sophie. Iniwan ka niya habang mahimbing kang natutulog."

Gulantang siya sa sinabi ko, umiling-iling. "H-hindi... hindi magagawa ng asawa ko yan. Mahal nya ko... mahal niya kami..." she unconsciously touches her tummy.

"Gaano ka naman nakakasigurado d'yan?" I asked her sarcastically.

"I'm very certain by that. At isa pa, mas may tiwala ako sa asawa ko kesa sa walang-kwentang taong tulad mo!"

"Ouch, it hurts huh?" umakto pa kong nasasaktan ang dibdib ko.       

"At anong ginagawa ko dito? Alam ko nasa ospital ako ha, paano ako napunta dito?!"

I shrugged my shoulders, "Malay ko."

"Huwag mo nga kong gawing tanga Chuck!"

"Bakit naman kita gagawing tanga aber?"

"Because you're a psycho!"

"Yan ba ang natututunan mo sa magaling mong asawa?"

"Wag mo na kong paikutin! Aalis na ko dito!" tumayo sya mula sa kama ngunit mabilis ko siyang pinigilan.

"Aray! Ano ba? Bitiwan mo nga'ng kamay ko!"

"Before you go, may gusto lang sana akong ipapanuod sayo."

"Wala akong panahon sa mga kalokohan mo!"

"Mawawalan ka pa rin ba ng panahon kung sa papanuorin natin, ang asawa mo at ang kabit nya ang bida?"

Kitang-kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha nya. Sign na malapit ko na siyang mapaamo.

"Just give me a minute to set-up those. Maupo ka muna d'yan," fortunately ay sumunod naman sya.

'Basta pagdating talaga kay Dom. Tsk! Tignan ko lang mahalin mo pa rin ang magaling mong asawa matapos mong mapanuod 'to.'

Tahimik lang siyang nakaupo habang pinagmamasdan ako sa ginagawa ko. Lastly ay kinuha ko ang flash drive sa cabinet at dinowdload ang file na pinasa ni Sophie.

Finally ay lumapit ako sa Flat Screen TV at sa likod noo'y isinalpak na ang flash drive.

Tumingin ako kay Andeng at bakas sa mukha nya ang pagtataka. I smirked.

"Appetizer palang 'to, mamaya na ang main dish," then, I now push the 'play button'.

~~

A/N: Ang hirap palang magka-prof ng beking istrikto, kahit na mala-Dom pa ang kagwapuhan nya. =/

Marry Me, Beki! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon