25 - Bekimon Club

16.4K 352 44
                                    

A/N: Dedicated kay sis @yourperiwinkle. Salamat sa pagsupport sa MMB, goodluck sa exam mo sis. =) Godbless ^^

Chapter 25 – Bekimon Club

DOM'S POV

Speechless.

Sa haba ng sinabi ko wala man lang siyang reply, 'ni simpleng 'okay' WALA! Pwede na sana kahit ngiti lang eh! Kaso ngangey! Tulala lang siya tas tinalikuran lang ako. Tss. SAYANG-EFFORT. SAYANG LAWAY. SAYANG LAHAT! 

Balik nalang kaya ako sa pagka-beki? Haaay.

"Dom! Dom halika bilis!" tamo, Dom nalang tawag saken. Hay naku, buti pa hindi nalang ako umamin eh. Patwitams muna sana ako kahit konti.

"Dom bilisan mo!"

"Oo na, andyan na po!" binilisan ko na ang paglakad papunta kay kumander, mahirap na baka maratrat na naman ako ng armalite niyang bibig.

Tss, see? Dun lang sya magaling, dun lang sya madaldal... kapag inaaway nya ko.

"Dom tignan mo 'to oh."

"Ano ba yan?" walang-gana kong tanong sa kanya.

"Computer," papiloso niyang sagot.

"Ahh, akala ko kalan."

"Hehe seryoso na. Tignan mo ang laki ng lamang sayo ni Chuck, kanina sabi ni Miss Chiqui one hundred thou lang ngayon 2 hundred thousand na!"

"Oh, eh panong gagawin ganun talaga." Psh, masyado palang sikat si Chuck.

"Kelangang gumawa tayo ng paraan."

"O-oyy! Teka bat may hawak-kamay pa? Bitiwan mo ko," nataranta ako nang in-entwined niya ang mga kamay namin.

"Haha! Uuy, nagba-blush!" pambubuska pa ng bruha.

"Huh?" napahawak ako sa pisngi ko. "H-hindi kaya! Mainit lang talaga no!"

"Sus, mainit ka d'yan? Eh nasa aircon na kaya tayo."

"Kahit na, sensitive ang skin ko. Pang-mayaman 'to!"

"Weh? Kaya pala sinunggaban mo agad yung limang milyones ko, hahaha!"

"Oy Andrea! Tigil-tigilan mo nga ko!"

"Oh, ayan ka na naman. Inaaway mo na naman ako, kakaamin mo lang saken kanina eh."

"So?" pinamewangan ko siya. Mabuti nang ganto, napasama pa 'ata ang pag-amin ko sa kanya eh. Naging assumera siya masyado.

"So kelangan nating magtulungan! As husband and wife, kelangan maging team tayo para maipanalo ang competition nyo ni Chuck."

"Eh paano naman natin gagawin yun? Eh hindi naman ako kasing-sikat ni Chuck?"

"Teka... isip tayo paraan," nanahimik sya na tila nag-iisip nga. Pinagmasdan ko lang sya.

Psh! Parang bata.

"Ah alam ko na!"

"Ang bilis mo talaga mag-isip eh noh?"

"Hehe, ako pa!" cute din pala pag tumawa.

"Huy! Nakikinig ka ba?"

"Ah, oo. Bakit?" tss, bat naman natutulala ako dahil lang sa ngiti nya.

"Tinatanong kasi kita kung may kakilala kang mga club or organization, ganun?"

"Club? Org?" ulit ko sa tanong niya.

"Yup! Isip ka bilis!"

Nag-isip ako kung may alam nga akong clubs or orgs and whatever, "Ah! May naisip na ko!"

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now