27 - Jealous

19.1K 284 22
                                    

A/N: dedicated sa kanya na super galing rin gumawa ng stories. Guys, please sana mabasa nyo rin yung stories nya ;)

~~

Chapter 27 - Jealous


CHUCK'S POV


"Okay, and now here's for Dominador Machonimo for his AC Latest Big Bike V201 Commercial Video. And he got a total number of..." napatigil siya at saka tumingin sa aming lahat na nasa board room, "768,105 likes!"

 "Yes!" my Dad and I both cried silently.

Palakpakan naman ang mga directors na kapartido namin.

"I know you'll win son," Dad taps my shoulder.

I just nodded and smile. Pagtingin ko naman kina Andrea at Dom, obvious na disappointed ang mukha. At ayun, they all congratulated me. Nakipag-shake hands pa si Dom saken. Tss, plastic.

Tinapik ko naman nang mahina sa balikat si Andrea at saka binulungan, "Too much expectation can kill a person, Sweety." I gave her my legendary smirk.

And then she gave me her legendary death glare.

'Haha! Pikon!'

Bumaba muna ako at nagpunta sa parking. Nagsindi ng sigarilyo at saka tuloy-tuloy na hinithit ito.

"Ahh, it feels so good to be a winner."

*bzzt!*

I looked at my phone to see kung sinong nagtext.

Boss, naniningil na siya sa kalahati ng dapat niyong ibayad.


"Psh, hindi makapaghintay? Kelangang-kelangan hah! Pasalamat sya hindi sya pumalpak!"

Sumakay na ko sa kotse ko at saka pinaandar nang mabilis. While driving, I checked the envelope sa tabi ng seat ko. Kinapa ko 'to at saka napangiti nang makumpirmang andun pa ang laman nito. When I finally reached my destination, I parked the car and abruptly goes out together with the envelope. Pumasok ako sa isang madilim na ware-house and as expected, sinalubong ako ng mga mokong.

"Boss, kamusta? May celebration ba tayo d'yan?"

"Ano boss, bibili na ba ako ng isang case? Ay mali! Kulang pala saten yun—"

"Shut that f*ck up, Brando!" natahimik naman sya at inilagay nalang ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon nya.

"Asan yung ungas na yun?" tukoy ko dun sa hinire ko na hindi makapaghintay sa fully-payment sa pagtatrabaho niya.

"Andun sa loob boss, payosi-yosi nalang. Kanina pa nga putak nang putak. Gusto ko na nga'ng tirahin eh! Aba, pasarap buhay na nga dito, nagrereklamo pa!"

"Akin na'ng baril mo, Brando."

"Pero boss—" bakas ang pagkagulat sa mukha nya.

"Ibigay mo saken ngayon din yang baril mo kung ayaw mong sa ulo mo mismo ko ipaputok yan!"

Taranta naman niyang ibinigay saken yung 45 kalibreng baril nya. I walked towards the room kung san nila tinuro yung ugok na technical manager ng AC. Oo, siya nga ang dahilan ng pagkapanalo ko ngayon.


Flashback...

"Boss, tignan nyo 'to oh! Ang laki na ng lamang sa inyo nung halimaw na Dom na yun! Kahapon lang lamang na lamang kayo—"

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now