44 - lalaki sa sinehan

10.5K 153 15
                                    

Dedicated sa kanya na mula 'ata umpisa ng MMB eh may comments nya na kong nakikita! salamat kasi despite sa pagiging busy mo, nagagawa mo pa ring basahin ito. Lovelots! :)

 Chapter 44 – lalaki sa sinehan

Andrea's Point of View

"♫Gusto kong magpaliwanag sayo,  ngunit 'di kinakausap.♫"

Naalimpungatan ako sa musikang naririnig ko.

"♫Di inaasahang diringgin mo, nakatingala sa ulap. ♫" bumangon ako mula sa kama at sinundan ang pinanggagalingan ng kanta.

"♫Alam kong nasaktan na naman kita, ngunit di ko naman sinasadya. Hinding-hindi na mauulit sinta, sana'y maniwala ka. ♫"

"Dom?!" gulantang ako nang  makita ang asawa ko, I mean soon-to-be-ex-husband pala, kasama ng dalawang nakatatanda niyang kapatid na nasa labas ng gate namin at tumutugtog. Binuksan ko ang glass panel window at buhat doo'y nakita agad nila ako. Hindi tuloy naiwasang magtagpo ang mga mata namin ni Dom.

"♫Sabihin mo na kung anong gusto mo, kahit ano'y gagawin para lamang sayo. Sabihin mo na kung papano mo mapapatawad. ♫" si Dom ang kumakanta nun. Ang dalawang kapatid nya naman ay parehong naggigitara at second voice lang.

"♫Ilang araw mo nang di pinapansin, ilang araw pang lilipas? Nakatanga sa harapan ng salamin, naghihintay ng bawat bukas. ♫"

"Effort huh?" di-maiwasang bulong ko sa sarili.

"♫Lahat naman tayo'y nagkakamali, sinong di nagsasala? Ngunit kung pano babawi sa pagkakamali, yun ang mahalaga. ♫"

I shook my head. Hindi ko dapat maappreciate ang mga pinaggagawa niya.

Hindi ko na dapat siya tanggapin pang muli. Hindi na ba ko nadala?! Nawala na nga ang anak ko, patatawarin ko pa ang walang-hiyang 'yan?! Kapag tinanggap kong muli yan, baka mas marami pang mawala saken at hindi ko na kakayanin yun.

"♫Sabihin mo na kung anong gusto mo, kahit ano'y gagawin para lamang sayo. Sabihin mo na kung papano mo mapapatawad. ♫"

I inhaled deeply ang cried, "HINDING-HINDI NA KITA MAPAPATAWAD DOMINADOR MACHONIMO! LUMAYAS NA KAYO DITO!"

Kinuha ko ang bakanteng flower vase sa tabi at saka binuhos ang laman niyon na kulay putik na tubig sa kanila.

~~

A week later...

Saktong isang linggo mula nang paliguan ko ng tubig mula sa flower vase ang magkakapatid na Machonimo, ay hindi ko na ulit naramdaman ang presensya nila.

"Mabuti naman at madali rin silang sumuko. Dahil kung hindi, baka hindi lang yun ang inabot nila."

Then I saw Tristan coming my way.

"Hi there!" tawag niya kasabay ng pagkaway.

"Hello Itan, buti naman at hindi ka late hmm?"

"Haha, sadyang inagahan ko. Ang text ata ni Boss eh—huwag na huwag kang magpapa-late kung ayaw mong ubusan kita ng cookies na gawa ko," at ginaya nya pa talaga ang boses ko kahit text lang yun.

Natawa naman tuloy ako.

"Haha! Ikaw talaga! Sadyang cookies ko lang ang kahinaan mo noh?"

Umiling sya, "Nope, not the cookies."

Tumingin sya nang diretso sa mga mata ko at ngumiti, "...but you."

"WEH?! KAMOTE!!!" it's our one way of saying 'kidding' or 'joke'. With matching hand gestures pa yun ha.

Marry Me, Beki! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon