30 - truth hurts

15.8K 242 26
                                    

Dedicated sayo, thanks for loving Dom :)

~~

Chapter 30 – truth hurts

ANDREA'S POV


"Ano Dominador, magsalita ka! Kaanu-ano mo ang babaeng ito?!" tanong ni Papa sa magaling kong asawa na kanina pa tahimik.

Psh, di man lang magawang magpaliwanag! Kanina ko pa hinihintay na ipagtanggol nya sarili nya!

'Dom, sabihin mo lang na hindi totoo mga pinagsasabi nitong Sophie na 'to maniniwala naman ako sayo eh.'

"Wag mo nga siyang sigawan! Ako nga ang fiancée nya, don't you get it Tanda?!"

"Sophie, tama na!" pigil ni Dom.

Tss, yun lang ba ang kaya niyang sabihin? Kanina pa talaga ako naiinis sa kanya ah!

"Dom, totoo ba yun?" tanong muli ni papa.

"Yes! It's true nga, duhh?! Mukha ba kong sinungaling?" singit na naman ng bruha. "Ganito kasi yun guys, itong baby ko nag-promise sya saken when we were still—"

"Manahimik ka nga, si Dom ang gusto kong magpal—"

"Papa, hayaan mo siya," pigil ko kay Papa. Tumingin ako kay Dom, mukhang wala pa ring balak magsalita. Then I looked at Sophie, "Go ahead, ituloy mo lang yung kwento mo."

Inirapan nya ko bago tumingin sa asawa ko at saka ngumiti nang pagkatamis-tamis. "Baby, do you remember when we were still on our high school days?"

Nakatingin lang sa kanya si Dom, without any facial expression. Ang cold ng tingin nya kay Sophie, ngayon ko lang siya nakitang ganyan. 'Ni hindi ko mabasa kung anong iniisip nya.

Nang hindi sumagot ang asawa ko ay nagpatuloy lang si Sophie, "Naalala ko nun, freshmen tayo nung una tayong nagkita. Nagkabangga tayo sa hallway, nahulog yung mga gamit ko at tinulungan mo ko sa pagdampot ng mga yun." Napangiti pa si Sophie na tila inaalala yung moment nilang yun.

"Then nagkauntugan yung mga ulo natin kasi sabay pa sana tayong tatayo. You've asked me kung okay lang ako, pero hindi ako nakasagot agad kasi bigla akong may naramdamang kakaiba. Yung... yung puso ko kasi parang sumabay sa pagkauntog ng ulo ko. Haha, that was the very first time na tumibok nang ganun 'to," tinuro nya yung tapat ng puso nya. "Na-love at first sight ako sayo, baby."

Lahat kami nakatingin lang kay Sophie na tila nakikinig sa isang fairy tale story. Wala 'ni isang nagsasalita sa'min. Psh, mukhang ako pa tuloy ang gumaganap na third wheel sa kanila. Tsk.

Si Dom naman ganun pa rin, nakatitig lang kay Sophie—straight-faced.

"Then nagulat ako nung malaman kong classmates pala tayo, alam mo bang ang saya ko nun! And to make the story short, naging friends tayo hanggang sa ligawan mo ko at naging tayo until fourth year high school."

'OMG, ang tagal nila. From first year high school up to their senior year?! Ano namang laban ng isang tulad ko na months palang ang binibilang sa piling ni Dom?'

"And the most memorable one..." she smiled sweetly and looked at my husband with her sparkling eyes, "...is the night before our graduation. The night you promised to marry me."

Boom!

The moment na sinabi nya yung last two words na yun, feeling ko sumabog ang puso ko.—'Marry me?'

Ano ba yan Dom, bakit ka naman pumayag pakasal saken... kung may pinangakuan ka na palang babae? And worst, bakit ngayon ko lang nalaman? Kung kelan nabigay ko na lahat... kung kelan naisuko ko na ang lahat... pati puso't kaluluwa ko.

Marry Me, Beki! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon