31 - kuskos

14.9K 239 16
                                    

A/N: Dedicated kay Zairah na palagi akong napapangiti  sa mga comments nya sa bawat update. Thank you! :*

31 - kuskos

Andrea's POV


"Hubby!" sigaw ko kahit nasa gate palang ako. "Hubby ko asan ka?"

Pero nagtaka ako nang wala akong makita Dom sa may labas at garden. Wala ding sumasagot sa tawag ko. Bigla akong nataranta at may naisip na kung ano.

Hindi kaya...  I shook my head. No! Hindi niya magagawa 'yun. Hindi siya magpapakamatay dahil sa sunod-sunod na problemang dumarating. 

"Hubby!" mas nilakasan ko pa ang pagtawag ko.

"Demoiselle? Bakit po? Sino po bang tinatawag niyo?"

"Ah, Belinda asan ang asawa ko?" tanong ko sa isa sa mga katulong namin.

"Ah si Sir Dom po? Nakita ko po kanina sa sala eh, nanunuod ng tv."

"OMG! Bakit mo hinayaang manuod?!"

"Po?" naguguluhang tanong ni Belinda.

"Psh!" tinalikuran ko nalang ito at saka dumiretso na sa sala para tignan kung ayos lang ang asawa ko.

Tss, sa sobrang daming problemang nagdaan ngayong araw hindi imposibleng—"Jusko, huwag naman sana."

"Hubby!" muli ay tawag ko.

Nakapagtataka, bakit kaya hindi sya nasagot?

I opened the front door at halos takbuhin na ang hallway papuntang sala. "Hubby! Hubby! Ayos ka lang b—"

"HUBBY?!" Nanlaki ang mga mata ko pagkakita sa kanya.

Diyos ko! Anong ginawa ng asawa ko? Bakit nakahandusay na sya sa sahig?

"Hubby! Hubby!" naiiyak na ko.

"Bakit... bakit hindi mo man lang ako hinintay? Hindi naman ako galit sayo eh, Hubby..." I am now crying out loud habang nakasubsob sa mga palad ko.


"Hmmm, Andrea?"

Napaangat ako ng ulo.

"HUBBY!"

He frowned, "Bakit ka umiiyak?"

Napayakap ako sa kanya, nang mahigpit na mahigpit, "I thought... I thought..." hindi ko matuloy ang sinasabi ko dahil sa paghikbi.

Hinarap naman nya ko sa kanya, "What's wrong? Why are you crying?"

"Akala ko kasi nagpakamatay ka na." T____T

"HA?!"

"Kasi... kasi kaninang pag-uwi ko tinatawag kita hindi ka sumasagot. Tapos nakasalubong ko si Belinda sabi nakita ka raw niya dito na nanunuod ng TV then tumakbo agad ako dito sa sala at nakita nga kita na nakahandusay na dito sa sahig! OMG Hubby! I thought you've left me!" akma ay yayakapin ko siyang muli.

"Teka teka nga!" pero pinigilan nya ako at hinarap ulit sa kanya. "Ako naguguluhan na sayo Andrea ha. Bakit mo naman iniisip na magpapatiwakal ako?"

"Kasi nga diba nanuod ka ng TV so—"

"Jusko! May nabalitaan ka na bang nagpakamatay matapos manuod ng Spongebob?!"

Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Gusto ko mang matawa dahil sa laki na niyang 'yan ay paborito niya pa ring panuorin ang spongebob, ay hindi ko magawa dahil sa nalaman ko sa balita kanina.

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now