19 - tuloy o tigil?

17.5K 328 50
                                    

Chapter 19 – tuloy o tigil?

"♪♪ Ildeo hagi gwiyomi, Ideo hagi ineun gwiyomi, samdeo hagi sameun, gwiyomi, gwigwi gwiyomi, gwigwi gwiyomi. ♪♪"

"Pano nga ba ulit yung action nun? Ganito kaya?? ~~ ♪♪ Sadeo hagi sado gwiyomi, odeo hagi odo gwiyomi, yukdeo hagu yugeun."

"Eto peborit ko dun eh ~~  jjokjjokjjokjjokjjokjjok gwiyomi nan gwiyomi ♪♪ ~~ hehehe ang cute ko talaga!!!"


"Dom?"

Bigla akong napatalon nang may marinig na bakulaw, este matandang nagsalita sa likod ko. "Ah oh Papa, nandyan po pala kayo."

"Ayos ka lang ba hijo?" tanong niya sa akin.

"Y-yes po Papa, b-bakit naman hindi?" napakamot nalang ako sa batok sa sobrang kahihiyan. Sh*t, bat kasi naadik ako sa pesteng gwiyomi na yun?

Paayaw-ayaw pa ko sa umpisa, magugustuhan ko rin pala~~ ang cute kasi eh!

"Ano bang pinaggagawa mo d'yan? Kanina pa kasi kita naririnig eh."

"Ah ehh..." hindi ko alam kung paanong paliwanag ang sasabihin ko.

"Dom?" untag niya sa akin.

"Na—naggwi-gwiyomi po ako papa..." utal-utal kong sagot. Para akong nasa horror movie na kausap ang massacre suspect.

"Talaga?! Yung ginawa mo ba kanina sa TV?!" nandilat ang mga mata niya.

Natakot ako dahil biglang lumakas ang boses niya.

"Ah opo papa," sabi ko habang nakayuko.

"Naku!"

Bumagsak na ang mga balikat ko. Mukhang huli na talaga ako. Amoy niya na ang pagiging peppermint ko.



"Saktong-sakto naman pala! Eh kanina ko pa kasi naiisip na magpaturo sayo n'yan eh. Pakiramdam ko kasi'y magmumuka rin akong cute tulad mo pag ginawa ko yun, diba?" nagulat ako sa sinabi ni Papa lalo na sa biglang pagkindat niya.

Napangiwi ako nang kaunti.

"Sure po kayo papa?"

"Oo naman. Sa katunayan ay nag-download na nga ko ng kantang yun eh. Bukas mo nalang ako turuan mukang pagod ka na ngayon eh."

"Ah, oo sige po papa." napakamot nalang ako dahil hindi ko alam kung cool ba o weird ang dapat na deskripsyon sa tatay ng asawa ko. Nga pala yung asawa ko, asan na nga pala yung babaitang yun.

Muli kong tinawag ang aking byenan, "Ah nga pala 'pa, alam nyo po ba kung nasaan si Andrea?"

"Ah ang asawa mo?" hindi po, yung asawa nyo. "Aba'y naroroon sa garden, kanina pa nag-eemote."

"Bakit po papa? May sakit po ba sya?" taka kong tanong.

"Uuuy, concern..." 

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi ng kutaterong matanda.

 "Walang sakit yun, aba'y malakas pa sa kalabaw yun eh."

Sus, yun naman pala eh. Anong ini-emote-emote nya dun? Baka magkasipon pa sya sa kaartehan nya eh. Gabi na kaya at mahamog. Psh!

"Mabuti pa'y puntahan mo nalang ang asawa mo sa garden at ikaw na bahalang magtanong kung ano ang iniinda niyang problema."

"Okay sige po papa."

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now