Chapter 19

34.8K 730 29
                                    

Giselle's

I woke up without Winona by my side. Tumayo ako at inayos damit at mukha ko. Paglabas ko ay na abutan ko sila Manang Fe at mga kapatid ni Winona na nag aayos ng lamesa.

"Oh Giselle anak gising kana pala. Si Winona lumabas muna, namili ng ingredients para sa salad at spaghetti mamaya." Sabi ni Manang Fe.

"Ay okay lang po. Happy birthday po ulit. Namiss po talaga kayo ni Ate Steph." Kwento ko.

"Namiss ko din yung batang yun. Ikakasal na pala siya, lalo na tuloy ako tumatanda. Pumunta nga pala siya dito nung isang buwan. May inasikaso siya sa kabilang bayan, bumisita siya saglit."

"Ay talaga po? Hindi na ikwento ni Ate." Sabi ko.

"Gutom kana ba anak?"

Si manang talaga tinuturing talaga ako na parang anak na niya. "Medyo po, pero hintayin ko lang po si Winona."

"O sige jan ka na muna ha? Lalabas lang ako, iimbitahin ko lang yung kapitbahay ko para mamaya."

"Sige po Manang Fe." Umupo muna. Lumapit naman si Aries. "Hello Aries."

"Hi po Ate Giselle. Ang ganda niyo po. Tinatanong nga kami ni Winston kung sino daw bisita namin na maganda." Sabi ni Aries na nahihiya pa. Nakakablush naman sinabi niya.

"Naku salamat Aries ha. Ikaw din maganda, mana ka sa Ate Winona mo." Nakikita ko naman siya ngblush. Nagkwentuhan lang kami ni Aries. 4th year highschool nadaw siya at si Winston naman ay 3rd year college. Dumating nadin ang lab ko.

"Oh Giselle, gising kana pala. Aries ihanda mo na yung kanin, bumili ako ng lechon manok. Asan si Winston tska si Mama?" Sabi ni Winona habang nilalapag mga pinamili niya.

"Si Mama po Ate nasa kapitbahay, si Winston naman naginternet sa cafe."

"Tawagin mo na si Winston tska si Mama para makakain na tayo." Umalis nadin si Aries.

"Lab, bigla ka nawala sa tabi ko walang pasabi." Lumabi lang ako.

"Wag ka ngang ganyan, alam kong pagod ka kaya di na kita inistorbo. Gutom kana?" Sabi niya.

"Kanina lab oo, pero nung dumating ka nabusog nako." Sabi ko. Haha.

"Ayan ka na naman. Tigilan mo nga ako nyan." Asus nakita ko naman siya namumula. Cute talaga ng lab ko. Hayst naiinlove na ata ako.

"Winona." Tawag ko. Habang naglalakad ako palapit sa kanya.

"Ano?" Humarap naman siya.

"Ano kasi.. Maniniwala kaba kapag sinabi ko na.."

"Ate! Andito na po sila Mama at Winston." Sigaw ni Aries, ay wrong timing. May balak sana akong sabihin kay Winona.

"Halika Giselle kain na tayo, Ma, Winston upo na kayo."

Masaya yung kainan namin, andaming nakwento ni Manang Fe sakin. Si Winona pala yung kalaro ko dati tuwing dadalhin siya ni Manang nung bata pa ako. Hindi ko na kasi msyadong na aalala.

Pagkatapos kumain ay naging busy na ang lahat sa paghahanda. May konting salosalo daw mamaya, birthday kasi ni Manang. Ako tumulong nadin kay Winona sa paggawa ng salad at spaghetti. Si Aries naman ay nag aassist kay Manang sa pagluluto ng putahe.

Gabi na ng handa na ang lahat at may mga bisita ng pumapasok. Ang saya, yung tipok kahit maliit lang yung bahay at naririnig mo halos lahat pero sobrang saya ng mga tao. Madami din akong nakilala. 9pm na ng nasiuwian na ang mga bisita.

"Nag enjoy kaba Giselle?" Tanong ni Winona. Nakaupo kasi ako ngayon sa labas ng bahay nila.

"Oo sobra, salamat talaga lab." Ngumiti ako sa kanya.

"Gusto mo umakyat sa rooftop namin? Maganda dun." Tumango ako at inakyat namin ang bubong. Umupo kami nito.

"Ang ganda dito, sobrang klaro ang mga stars oh. Ang dami! Eh kahit nasa 16th floor ako ng condo hindi ganito ka dami ang makikita ko." Sabi ko na sobrang amazed.

"Oo, minsan dito ako tumatambay. Nung nagkasakit si Mama lage ako dito, halos mawalan na ako ng pagasa nun, dito nalang ako nagisip isip. Ayoko pa kasi siyang mawala, wala nadin naman si Papa." Nalulungkot na sabi niya.

"Magpasalamat ka nalang kay God lab na anjan pa Mama mo. Ang hirap talaga pag wala ang mga magulang, trust me, I've been there pero buti nalang matapang si Ate at siya yung nagsilbing magulang ko eversince." Kwento ko habang hinahawakan ang kamay ni Winona.

Sa sandaling katahimikan ay tinanong naman ako ni Winona ng kagulat gulat.

"Giselle, pano mo nalaman na babae ang gusto mo?"

"Nung bata pa, mahilig naman ako sa larong pambabae, mga damit at kung anu ano pa. Pero may naging classmate kasi ako na babae na nagka crush talaga ako. Ewan ko, simula nun babae na gusto ko. Lumala pa ng highschool kasi yung school ko all girls. Andami chix." Natatawang kwento ko.

Tumahimik ulit kami, gusto ko talagang magtapat. Alam kong maaga pa pero masaya ako kapag kasama si Winona, nalulungkot naman ako pag hindi. Sa tuwing masaya siya hindi ko mapigilang sumaya din, pag tinitingnan niya ako ngbblush din ako. Bahala na si Batman.

"Winona?"

Lumingon siya sakin at naghintay lang sa sasabihin ko.

"Alam kong magugulat ka nito, pero alam ko ding nahahalata mo na." Nag buntong hinga lang ako saglit. "Gusto kita Winona. Gusto ko din panindigan ang nangyari satin. Ako yung first kiss mo, tska ako din yung first alam mo na. Okay lang ba sayo kung maging girlfriend kita?" Sobrang kaba ang naramdaman ko ng binitawan ko yung mga salitang yon. Nanginginig ako sa takot.

Ang tagal niyang magsalita. Kanina ko pa hinihintay sagot niya. Pinagpapawisan na ako.

"Natatakot kasi akong masaktan Giselle." Sabi niya.

"Winona, simula ng makilala kita, binago moko. You changed me for the better. Ang dami kong narealized sa buhay ko, ang dami ko din natutunan. Sana bigyan moko ng chance." Inaassure ko talaga siya.

"Oh sige." Sabi niya. Laking gulat ko talaga! Totoo ba to?! "Oh sige na matulog na tayo."

"Ano? Oo matutulog tayo or oo sinasagot mo na ako?" Ano ba naman yan. Akala ko yun na eh.

"Oo na matutulog na tayo!" Sabay tayo niya.

"Ayoko! Hindi ako makakatulog nito." Sabi ko habang naka upo padin.

"Ang kulit mo talaga. Oo na nga eh!"

"Anong oo na kasi? Winona ayoko pa matulog. Hindi ako makakatulog dahil basted ako." Sabi ko na nakalabi na.

Umupo nadin siya. "Bingi kaba? Saba ko nga sayo oo na eh."

Lumingon ako sa kanya. "Oo as in tayo na? Girlfriend na kita?" Ow please please sana nga.

Tumango lang siya. At yun na.

Yun na yung pinaka masayang araw sa buong buhay ko. Gusto kong tumalon sa tuwa pero baka masira pa tong bubong nila, kaya sa sobrang tuwa niyakap ko lang siya.

"Lab! Ang saya saya ko. Salamat talaga. Mamahalin kita ng lubusan." Agad ko siyang hinalikan sa labi, smack lang na kinagulat naman niya.

Hinampas ako sa balikat at hinila taenga ko. "Sino may sabi sayo halikan moko ha? Manyak ka talaga!"

"Aray! Aray lab ang sakit. Sorry na please bitawan mo na ang sakit."

"Winona, Giselle! Okay lang ba kayo jan?" Sigaw ni Manang sa baba.

"Okay lang po kami Ma, baba na din kami." Tumingin siya sakin habang ako namumulikat na sa sakit. Buti nalang at binitawan na niya.

"Ang sadista mo talaga lab!" Sabi ko habang hinihimas ang taenga. Namumula na to for sure.

"He! Tumahimik ka nga jan." Sabay kurot naman sa bewang ko. "Matulog na tayo."

Kahit puno ako ng hampas at kurot ay ang saya saya ko padin. Girlfriend ko na si Winona. :)

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Where stories live. Discover now