Chapter 14

35.8K 702 14
                                    

Pagdating namin sa Tagaytay ay pumasok muna kami sa room.

"Isang bed lang tayo?" Tanong ni Winona.

Pagkatapos ko ilapag yung gamit ay tiningnan ko din yung bed. "Yun nalang daw kasi available. Hindi kaba comfortable? Lagyan nalang natin ng pillow sa gitna. Hindi naman ako pwede sa sahig kasi naglaba kaya ako whole morning tas long drive pa. Medyo pagod ako." Pag rarason ko. Ang totoo gusto ko lang syang makatabi. Hahaha.

---

Kinagabihan ay nag dinner na kami kasama sila Ate and Kuya. Tawanan at kwentuhan lang kami. Naikwento ko kasi sa kanila nung na invite ako sa fiesta na hinabol ako ng itak. Napansin kong comfortable na din si Winona.

Pumasok na ng kwarto sila Ate and Kuya Raffy. Ako inaya ko muna si Winona umupo sa labas while looking at the view.

Maganda yung place, overlooking sa Taal Lake. Malamig ang simoy ng hangin at umaaninag ang buwan.

"Nag enjoy kaba?" Tanong ko sa kanya. Tumango lang siya.

"Ang ganda pala dito noh? First time ko kasi." Sabi niya.

"Namiss ko tuloy yung Mom ko. Mahilig kasi siya sa ganito eh." Huminga ako ng malalim. "Kumusta na pala Mama mo?"

Lumingon siya sakin. "Okay naman, kahit papano nakakalad na siya at nakakagawa ng gawaing bahay. Pasaway nga minsan." Nagkasakit kasi ang mama niya ng matagal.

"Buti naman, dalawin natin minsan, isama moko pag uuwi ka." Ngiti ngiti ko. Tumango naman siya. "Eh yung Papa mo kumusta?"

"Wala na akong balita dun. Iniwan na niya kami sa ibang babae."

"I'm sorry." Baka sensitive to na topic para sa kanya. Tumahimik kami ng ilang minuto.

"Winona, pano mo ba malalaman na nagkakagusto kana sa isang tao?" Tanong ko out of nowhere.

She chuckled. "Ano bang tanong yan?"

"Sagutin mo nalang. Like pano mo nalalaman na crush mo na siya?"

"Syempre yung masaya ka kapag anjan or kasama siya. Yung kinikilig ka kahit simpleng tumatawa lang siya or naka ngiti." Sagot niya na parang hugot.

"May crush kaba ngayon?"

"Wala noh. Dati siguro oo." Walang interest na sagot niya.

"Db NBSB ka, so never ka talaga nag mahal?" Syempre na curious nako.

"May naka MU din pero wala eh. Ikaw ba? Tanong ka ng tanong jan. I'm sure madami ka ng naka relasyon." Sagot niya.

"Dati oo. Sobrang seryoso na para na akong tanga, iniwan lang din naman ako. Okay na yung walang attachment atleast wala akong maramdamang sakit." Sagot ko.

"Hugot lang? Hehe. Puro laro ka lang pala."

"Hindi no. Alam mo bang pag nagmahal ka masasaktan at masasaktan ka. Pero yun yung pinaka masarap na feeling, ang magmahal, ang mahalin. Ang ma inlove." Tumingin ako sa taas. "I know in time, someone will love me as much as I love her."

Tumahimik lang siya.

"Winona. Wag ka sana magagalit ha pero gusto ko sanang itanong to sayo. May chance ba na magka gusto ka sakin? Like may possibility ba yung first kiss mo ay first love mo din?"

"Hindi ko alam." Yun lang sagot niya.

Hindi ko maiwasan ngumiti. Kahit 3 words lang pero kasi siya mismo hindi alam ang isasagot kung yes or no ba. Parang she's battling between the possibility na magka gusto siya at hindi. Pero nevertheless the thought na siya mismo hindi na alam ang nararamdam niya ay enough na sakin para masabi kong cinoconsider niya.

"Pasensya na talaga sa nagawa ko ha? Sobrang pinag sisihan ko na yun. After knowing you, you don't deserve to be treated like that. I'm really sorry." Tapos hinawakan ko yung kamay niya. Hindi naman niya inalis.

"Sa totoo lang hindi okay pero nangyari na eh. Kasalanan ko naman yun bakit nalasing ako. Nagpasalamat nalang ako at ikaw yung andun, kung iba baka na rape na ako ng tuluyan tsaka mabuntis. Hayst." Napahawak siya sa ulo niya tas naka yuko.

Winona kung alam mo lang willing na ako ngayon panagutan ang nangyari. Naisip ko nalang sa sarili.

"I will do my best para bumawi, tas para itrust mo ako. Ahmm, pwede hug?" Tiningnan niya lang ako ng ilang segundo pero niyakap din ako.

This day couldn't get any better. :)

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Where stories live. Discover now