[ 15 ] Christmas Gift

15.9K 253 20
                                    

Click the star icon to vote :)

Chapter 15: Christmas Gift


Lalabas na ng sasakyan si Steffi nang may matanggap siyang text galing kay Kurt.


From: Kurt
Alam ko na ang sikreto mo Steffi. Kung gusto mo na matulungan kita, tawagan mo ako ngayon na.


Naintriga si Steffi sa sinasabe ni Kurt kaya tinawagan niya ito.


[ I know, you'll call ]

"Ano ang alam mo? Wag mo sayangin ang oras ko Kurt. May kailangan ako gawin"

[ Ano? Ang sundan sina Rein at ZAC? ]

"P-Paano mo nalaman?"

[ Kaninang umaga pa kita sinusundan Steffi at kaninang umaga ka pa din sinusundan nina Rein at Kim. May sapat na silang ebidensya para patunayan kay ZAC ang sikreto mo at ngayon, malalaman na iyon lahat ni ZAC at hindi mo na mapipigilan pa iyon ]


Nagtingin tingin si Steffi sa paligid.


"Nasaan ka?"

[ Nasa loob ako ng sasakyan na nakasunod sayo ]

"Ano nga ba ang alam mo na sikreto ko?"

[ May anak ka na Faye ang pangalan. Si Eric ang tatay ng bata. Ngayon, takot na takot ka malaman ni ZAC dahil baka hindi ka niya pakasalan ]

"Ano ang gusto mong mangyari?"

[ Sabihin mo sakin kung ano pa ang mga sikreto mo para matulungan kita ]

"Sa totoo lang, hindi ko na kailangan pa ang tulong mo. Ikaw na din ang nagsabi na malalaman niya na. Ako na ang bahala na gumawa ng paraan para malusutan ito"

[ Steffi, ano ba ang gusto mong mangyari? Hindi ka pa din ba tapos sa paghihiganti mo? Bakit kailangan mo pa ipagpilitan na maikasal kay ZAC kung kasama mo naman ang anak mo at ang tatay niya? ]


Natahimik si Steffi.


[ Hindi mo na kailangan pa sagutin ang tanong ko. Sa tingin ko alam ko na ang sagot ]

"Hindi ako gumaganti. Mahal ko si ZAC"

[ Kung mahal mo siya, dapat inamin mo sa kanya ang lahat. Kung mahal mo siya, hindi mo itatago ang kung anong mayroon ka ]

"Hindi lahat ng bagay, dapat alam ng karelasyon mo. May mga bagay na hindi na dapat sinasabe pa. Hindi mo ako naiintindihan kaya wag mo kekwestyonin ang nararamdaman ko"

[ Hindi ka marunong magmahal Steffi. Makasarili ka. Pinabayaan mo ang anak mo para kay ZAC? Iniisip mo lang ang sarili mo ]

"Wala kang karapatan na sabihan ako ng ganyan! Oo, sabihin na natin na naging makasarili ako pero nagawa ko lang iyon dahil mahal ko siya!"

[ That's not love, that's being selfish Steffi ]


Nasasaktan si Steffi sa mga sinasabe ni Kurt. Alam niya na walang ibang makakaintindi sa nararamdaman niya. Nahihirapan at naguguluhan din siya sa sitwasyon niya pero hindi iyon iniisip ng iba. Dahil ang palagi lang nakikita ng mga tao ay ang mali na nagagawa natin.


[ Bakit hindi ka makasagot ngayon? Masakit ba marinig iyon? ]


Napuno na si Steffi kaya naisipan niyang lumabas ng sasakyan at pinuntahan ang sasakyan na nasa likod ng sasakyan niya. Kinatok niya iyon at lumabas si Kurt doon. Agad niya itong sinampal.


"Wag mo akong huhusgahan Kurt! Hindi mo alam kung sino talaga ako at kung ano ang mga pinagdaanan ko" pagmamatigas ni Steffi

[ Kilala kita Steffi, kilalang kilala. Baka nakakalimutan mo na matalik na kaibigan mo ako? ]

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Where stories live. Discover now