Entry#12: Ang Plastik at Ang Babasaging Baso

398 10 5
                                    

Tahimik na ang gabi. Wala nang maririnig na ingay bukod sa mga tunog ng iba’t ibang insekto sa paligid. Pagkarinig ng pagpatay ng switch na sinabayan ng pagdilim ng buong kusina, dagling nagsilabasan ang iba’t ibang kasangkapan mula sa kabinet.

“Buksan ang ilaw, kaibigang Walis!” utos ng matikas na si Pridyider kay Walis.

Agad namang nagtungo sa switch ang inutusang walis. Tinalon niya ito at pinindot gamit ang manipis niyang bumbunan.

Mahinang naghiyawan ang lahat nang masilayan ang liwanag ng bombilya.

“Wala ba talaga kayong awa sa’kin? Kakapahinga ko lang. Ni hindi pa nga nawawala ang init sa katawan ko. 'Tapos gagamitin niyo na naman ang aking liwanag!” bulyaw naman ni Bombilya.

Tahimik namang tumingala ang lahat sa kanya.

“‘Di ka pa ba nasasanay? Gabi-gabi natin ‘tong ginagawa. Alam mo namang ‘di tayo makakilos nang malaya ‘pag litaw ang araw, hindi ba?” ani Pridyider.

Inirapan naman siya ni Bombilya. “Ha! Buti nga nakakatiis pa ako. Paano na lang kaya kung palitan ako ng kasing tigas sa bato ang ulo?”

“May bombilya ba na kasing tigas ang ulo sa bato?” natatawa ngunit sarkastikong tanong ni Rice Cooker.

“Magsitigil na nga kayo. Lahat naman tayo nilikha para sa isang ispisipikong trabaho. Gampanan na lamang ninyo ang tungkuling ibinigay sa inyo,” wika ni Orasan. “Tingnan niyo ang mga kamay ko. Walong oras na lang at mag-aalasais na ng umaga. Gumawa na lamang kayo ng makabuluhan ngayong gabi imbis na aksayahin ang oras sa pagbabangayan.”

Agad namang sumang-ayon ang lahat.

Tumahimik si Bombilya at ginugol na lamang ang oras sa pagpapahinga. Si Pridyider naman, kinausap na lamang ang mesang nasa tapat niya. Habang si Rice Cooker, masayang pinaikot ang sarili sa panlabas na katawan niya.

Napalitan ng ngiti at sigla ang lahat. Habang nag-uusap ang mga matatanda at medyo may kalakihang kagamitan, naglalaro naman ng tagu-taguan ang mga maliliit na lalagyan ng tsaa.

Samantala, sa isang sulok, tahimik ngunit masayang pinagmamasdan ng isang munting baso ang mga kaganapan sa loob. Medyo madungis ang kanyang anyo. Bagong salta lang siya sa kusina; isa pa lang ang nakikilala niya. Gawa siya sa plastik. Siya ang nag-iisang baso na gawa rito.

"Kaibigang Baso!” sambit ng babasaging baso sa kanya. “Halika ka, gumala tayo sa buong kusina.”

Palakaibigan ang babasaging baso. Tila isa siyang balani o magnet ng mga gustong makipagkaibigan.

“Hindi, kaibigan. Dito na lamang ako. Ayokong ilantad ang anyo ko sa lahat,” malungkot na sagot niya rito.

Nagulat naman ang babasaging baso sa tinuran niya. “Natatakot ka bang kutyain?”

Tumango siya sa tanong nito.

“’Wag kang mag-alala. Hindi mangyayari iyon. Kung ako nga naging kaibigan mo ngayong narito ka lang sa isang sulok, paano pa kaya kung libutin mo na ang buong silid na ito. Baka maging kaibigan mo pa lahat.”

Matapos ang pangungumbinsi ng babasaging baso sa kanya ay napilit din siya nito na libutin ang kabuuan ng kusina.

Aminado siyang hindi pa malalim ang pagkakaibigan nila sapagkat ‘di pa naman sila dumadaan sa kahit anumang pagsubok. Pero, masaya siya at may naging kaibigan na rin siya sa wakas. Umaasa siyang lalalim pa ito sa paglipas ng mga araw.

Ipinakilala siya sa mga kauri nito, sa mga babasaging baso. Agad naman siyang binati ng mga ito nang may galak.

“Kaibigang baso, siya pala si Tasa, ang isa sa mga matatalik kong kaibigan rito.” Ipinakilala nito ang isang tasa na walang hawakan sa gilid. Halatang may hawakan ito dati ngunit bakit kaya wala na ito ngayon?

BOSS 2 | COMPILATION OF ENTRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon