Entry#31: Sana Kahit Minsan

808 13 4
                                    

"Parang ipinapamukha sa akin na kahit kailan,hinding- hindi ko siya kayang pantayan." -Ella

-

Sa araw araw na pagmulat ng mata ko, isa lang ang lagi kong hinihiling. "Sana kahit minsan... mapansin din nila ako. Mapansin din niya ako."

Nakakapagod na kasing maging isang anino. Nakakapagod makarinig ng mga bagay na alam mong kahit kailan, hinding- hindi nila sasabihin sa'yo. Alam kong mali itong nararamdaman ko, pero anong magagawa ko? Tao lang din ako na hindi maiwasang hindi mainggit sa taong alam kong 'mas' sa akin. At kay Nicole pa. Sa kapatid ko pa. Maging sa taong mahal ko kasi isa rin akong anino. Lagi kasing si Nicole ang napapansin niya eh.

***

"Ang ganda mo ngayon ah Nicole." bati sa kanya ni Tita Ellen na kakauwi lang kahapon galing sa States.

"Ay tita hindi naman pero salamat po." malambing na sagot naman niya saka ngumiti ng malapad.

Nandito kami ngayon sa reception ng kasal ni Ate Lia, pinsan ko. Natatawa nga ako eh kasi naging dakilang anino na naman ako ni Nicole. Lagi kaming magkasama pero hindi naman ako napapansin.

"Ikaw din Ella ang ganda mo." puri naman sa akin saka siya ngumiti. Parang napilitan lang si Tita kasi napansin niya siguro akong nakatingin sa kanila at mukhang naghihintay din ng puri galing sa kanya. Ngumiti lang ako bilang tugon. Ayokong magpasalamat kasi alam kong labas naman sa ilong yung mga sinabi niya.

"Osya mga iha mauuna na muna ako sa inyo ha? Pupuntahan ko lang sila kumare." paalam sa amin ni Tita plastik. Joke. Pag alis niya agad na lumapit si Nicole at sumitsit.

"Pabayaan mo na yun. Alam mo namang may lihim na galit sa atin yun dahil pakiramdam niya inaagaw natin yung atensyon ni tito Ben na dapat sa kanya. haha" bulong niya sabay tawa ng mahina.

"Alam ko naman yun. Kaya nga hindi ko masyadong kinakausap eh." sagot ko nalang saka sumipsip sa straw ng juice ko. Ewan ko ba paanong naging kapatid ni mama yan eh sobrang sama ng ugali. Pwera biro.

Buong gabi kaming nakipaghalubilo sa mga dumalo sa reception at buong gabi ko rin naramdaman yung inggit ko kay Nicole. Hindi lang kasi iyon ang papuring natanggap niya noong araw na yon. Madami pa. Ako rin naman madami rin akong natanggap puro halatang napilitan nga lang. Hahaha.

***

"Uy chicks."

"Naks. Ganda mo dito <3"

"Wow. Wala pang filter sa lagay na ‘to? Hart. Hart."

Ilang lang iyan sa mga komentong nababasa ko sa kakapost palang na litrato ni Nicole. Nakita ko rin na umabot ng daan daan ang naglike sa picture niyang iyon na nakapiece sign at todo ngiti. Kuha ko iyon noong nasa Batangas kami. Nakaupo siya sa mga batuhan malapit sa dagat. Pinagmasdan ko lang siya.

"Haaay." yun nalang ang nasabi ko. Ayokong ikumpara ang sarili ko sa kanya pero sa tuwing may pumupuri sa kanya hindi ko pa rin maiwasan.

BOSS 2 | COMPILATION OF ENTRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon