Entry#5: LONG LOST LOVE

1.1K 19 7
                                    

"Misha, bumaba ka na roon, maghahapunan na," wika ng kaniyang ina na noon ay kapapasok lang sa kwarto niya.

"Maya maya po ako nay, tatapusin ko pa itong mga designs ko," sagot niya na hindi inaalis ang tingin sa ginagawa.

"Anak, pwede mo namang ipatapos na lang iyan sa mga tauhan mo. Aba, ilang araw ka ng nagkukulong dito sa kwarto mo, ni hindi ka na nakakakain sa tamang oras."

Nilingon niya ang ina. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Sino nga ba naman ang hindi mag-aalala gayong ilang araw na niyang iginugugol ang oras sa pagtatrabaho? Tama ang ina niya. May tauhan naman siya na silang dapat na tumatapos noon pero heto siya, nagpapakalunod sa trabaho.

Napabuntong-hininga siya. "Nay, gusto ko din naman na magbahagi ng sarili kong disenyo ng sapatos na ilalabas namin sa katapusan ng buwan."

"Oo nga, pero makakapaghintay 'yan. Ayoko nang pinapabayaan mo ang sarili mo dahil sa trabaho. Kumain ka muna. Baka mamaya magkasakit ka pa."

Having no choice, she nodded. Tutal gutom na din naman siya.

Bumaba na siya at isang bouquet ng bulaklak ang sumalubong sa kaniya. Masaya iyong iniaabot sa kaniya ng nakababatang kapatid pero hindi naman niya tinanggap. Alam niyang sa kanya na naman iyon nanggaling.

Nagtungo siya sa kusina at naupo sa harap ng hapag-kainan. Maya maya pa'y naupo na rin ang kapatid niya. Nakasimangot ito. Hindi na bago.

"Palagi mo na lang nire-reject ang mga bigay sa'yo ni Zejinel. Baka mamaya mapagod na 'yon sa kakapa-hard to get mo."

"Eh hindi ko naman kasi siya gusto nay. Hindi po ako nagpapa-hard to get, hindi ko lang talaga siya gusto kaya hindi na ako nagpapakita ng motibo para ipagpatuloy niya ang panliligaw sa'ken kaya lang mukhang hindi niya iyon gets," paliwanag niya sa ina.

Hindi naman talaga niya gusto si Zejinel. Inaamin niyang sumasakit ang ulo niya kapag babanggitin ang pangalan nito. Ewan ba niya pero nahihirapan siyang banggitin iyon. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit hindi niya ito sinasagot kahit ilang buwan na ito nakakatanggap ng rejection niya. Simple lang, alam niya sa sarili niya na hindi niya ito magagawang mahalin. Ayaw niya itong saktan kaya umpisa pa lang ay ni-reject na niya ito pero patuloy ito sa pangungulit. Minsan na niyang sinubukan mahalin ang binata pero ayaw makisama ng puso niya. Kaya ngayon ay hindi siya titigil sa pang-re-reject dito hangga't hindi ito natatauhan. Pareho lang silang masasaktan kung sasagutin niya ito dahil wala naman siyang nararamdaman dito ni katiting na pagmamahal maliban sa kaibigan lang. She wasn't that bad.

"Bakit ba hindi mo siya magustuhan ate? Good catch na kaya si kuya Zej. 'Lam mo 'yon? Mabait. Gwapo. Mayaman. Saka sobrang loyal. Biruin mong natagalan ang pambabalewala mo sa kaniya ng ilang buwan. Kung ako siguro ikaw hindi ko na iyon patatagalin pa."

"Hoy Miya. Magtapos ka muna ng pag-aaral. First year college ka pa lang kaya tigilan mo muna ang pag-iisip sa mga boyfriend-boyfriend na 'yan," pangaral niya sa kapatid na lalong ikinasimangot nito. Bahagya siyang napangiti dahil halos hindi na maipinta ang mukha nito.

Ulila na sila sa ama. Hindi naman siya strikto pero gusto niya lang gabayan ang kapatid.

"Eh bakit nga ba hindi mo magustuhan si Zejinel? Tama si Miya, mabait na bata iyon. Subukan mong lumabas kasama siya imbis na nagkukulong ka sa kwarto mo."

Ayan na naman sila. Ipipilit na naman siya ng mga ito sa lalaking iyon. Hindi natatapos ang isang araw na hindi siya itutulak ng mga ito kay Zej. Eh ano bang magagawa niya kung hindi niya talaga ito magawang mahalin?

"Bente-singko ka na pero wala ka pang naiipakilalang boyfriend mo sa amin. Baka tumanda kang dalaga niyan, hindi iyan magugustuhan ng tatay mo," patuloy ng ina. "Sandali... may nagugustuhan ka man lang ba ngayon?" she was caught off guard by what her mother asked. Natigilan siya sa pagkain. Lalo pa siyang nagulat sa pahayag ni Miya.

BOSS 2 | COMPILATION OF ENTRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon