Entry#40: Fantasizing Soul

899 12 7
                                    

Isang nakakasilaw na liwanag. Yaan ang tumambad sa kanyang paningin noong imulat nya ang kanyang mga mata. Ilang beses niyang ikinurap ang mata bago ito tuluyang masanay sa liwanag.

‘Nasaan ako?' Tanong niya sa kanyang isip habang inililibot ang paningin. Ang paghampas ng hangin sa mga dahon at ang paghampas ng alon sa dagat ang  kanyang tanging naririnig. Malakas ang ihip ng hangin kaya hinawakan niya ang mahabang buhok humaharang sa kanyang paningin. Muli nyang inilibot ang paningin at nagsimulang mamangha dito. Mula sa puting buhangin na kanyang inaapakan, sa kulay asul at malinaw na tubig ng dagat, mangilan-ngilang puno at halaman hanggang sa sariwang hangin na kanyang nalalanghap. Paraiso. Yan ang tanging salita na maaaring ipangalan sa lugar na kanyang kinalalagyan.

“Paano ba ko napunta dito?" Tanong niya sa sarili at nagsimulang maglibot. Sinusubukan din niyang alalahanin ang mga nangyari bago siya napunta doon ngunit wala siyang natatandaan ni isa. Pinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang sa may matanaw na isang kubo. Mabilis siyang tumakbo patungo roon at kumatok. “Tao po!? Tao po!?" Sigaw nya sabay katok ngunit wala siyang natanggap na sagot. Sinubukan din niyang buksan ang pinto ngunit hindi niya ito mabuksan.

“Hindi mo ba alam na masamang pumasok sa bahay ng walang paalam mula sa may-ari?" Taong ng isang tinig dahilan upang matigilan siya sa kanyang pagkatok. Dahan-dahan siyang lumingon sa pinanggalingan ng boses at natagpuan ang isang lalake. Matangkad, moreno at may katamtamang pangangatawan. Halos magdikit ang may medyo makapal na kilay nito at kitang-kita ang pagkakayumanggi ng mga mata.

“A-ah… ano kasi magtatanong lang ako." Kinakabahang sabi niya at bahagyang lumayo sa pinto ng kubo. “At saka hindi pa naman ako nakakapasok kasi sarado." Paliwanag niya at nag-iwas tingin.

“Ano ang gusto mong itanong?" Tanong ng lalake at lumapit sa kanya, dahilan upang lalo niyang makita niya ng mainam ang mukha nito.

“Nasaan tayo?" Tanong niya ng hindi man lang tumitingin sa lalake. Hindi siya nakatanggap ng sagot mula sa kausap kaya nag-angat siya ng tingin.

“Blanka…" sagot nito at umalis sa harap niya. Mabilis niya itong sinundan at hinawakan sa braso.

“Sandali." Pigil niya ngunit bago pa niya maituloy ang sasabihin ay nagsalita na muli ang lalake.

“Kung gusto mong umalis dito ay pumunta ka dun sa kabilang bahagi ng gubat. Matatagpuan mo dun ang konkretong daan." Sabi nito at pumasok sa kubo. Ilang saglit siyang natigilan bago nagdesisyon na pumunta sa sinasabi ng lalake. Mabilis siyang nakarating sa sinasabing lugar ng lalake ngunit lumipas ang ilang oras ay walang sasakyan o tao ang dumaan. Halos kulay kahel na ang langit nang muli siyang magdesisyon na bumalik sa kubo.

“Kuya!?" Tawag niya sabay katok sa pintong gawa sa kawayan. Halos mapatalon sya sa gulat ng biglang bumukas ang pinto. “Ay anak ng pusa kambing!" Gulat na sabi niya. Bigla siyang hinila nito at pinasok sa loob ng kubo.

“Bakit ka bumalik?" Tanong ng lalake.

“H-ha? Wala naman kasing dumadaan dun at saka pagabi na." Pagdadahilan niya, nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kanila kaya naisipan niyang magpakilala sa kasama. “Ako nga pala si Mara."

“Drey." Tipid na sagot nito.

“Drey pwede bang makituloy muna? Ngayong gabi lang." Nahihiyang paalam niya. Tumango naman ang binata at sinimulang maghain. Habang pinapanood niya ito ay hindi niya maiwasang magtaka sa mga nangyayari.

“Paano ko napunta dito?" Tanong niya, ngunit wala siyang natanggap na sagot. Hanggang sa matapos silang kumain ay hindi na muli ito nagsalita. Itinuro lang nito ang isang maliit na kwarto na kanyang tutulugan. Pumasok siya doon at humiga ngunit ilang oras na ang lumipas ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Bumangon siya at tumingin sa maliit na bintana. Ang sinag ng buwan ang tanging nagbibigay liwanag sa paligid. Nagdesisyon siyang magpaalam kay Drey dahil gusto niyang magpahangin, ngunit hindi niya ito natagpuan sa kahit saang sulok ng bahay.

BOSS 2 | COMPILATION OF ENTRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon