Entry#22: 7:45

882 11 4
                                    

Mahigit isang buwan na rin ako sa tinatrabahuan ko bilang office clerk. At halos mahigit na isang buwan ko na ring inaabangan makakuha lng ng kahit na isang sulyap sa lalaking kilala ko lang sa pangalang Earl. 

Anak sya ng may-ari ng katabing unit ng aming office. Ewan ko ba..  Ang gwapo gwapo nya kahit sa simpling polo shirt lang at hanggang below the knee na maong shorts at medyo kupas na rubber shoes.. Siguro maputi sya kaya ganun. Siguro attracted lang din ako sa mga naka salamin kaya ganun at siguro din ay obsessed lang ako sa mga Chinito.. At Siguro din dahil sa Chinese sya kaya ganun. Halos kase mga Chinese ang may-ari ng mga katabi naming establishments dito.  So siguro  pure chinese siya.  Ewan ko din. Di ko naman sila naririnig mag-usap ng parents nya kapag dumadating sila. Bababa lang sila sa kotse nila na minsan siya ang nagdadrive o di kaya naman ang papa niya  pagkatapos bubuksan ng kanilang naghihintay na boy ata..?  Ang roll up ng kanilang office at pagkatapos ayun,  deritso na sila pasok sa loob.

Ganun lang kaiksi ang sulyap ko ke Earl. Natatawa pa nga ako dito sa kasama ko kase tawag niya dito ke Earl ay Ser Chief. Medyu hawig daw kase. Kamuka nga kaso mas bata lng ito. Pero para sakin mas gwapo pa sya kay Ser Chief. Bias ako eh.

"Grabeh gwapo-gwapo talaga ni Sir Earl. " impit na tili at kilig na kilig na si Ate Irene. Kahit na may asawa’t anak na ito, kinikilig pa rin ito sa twing nakikita nya si Earl. Sa kanya ko rin nalaman ang name niya.

"Naku ate ha..  Hinay hinay sa paglande" si Andrea. Kasama ko sa office.

"Grabeh naman to. Minsan lng ehh"

"Minsan?  Sa halos araw-araw ba na  pumapasok yan eh yan halos bukambibig mu? " natatawang sabi ni Andrea. Natatawa na rin ako.

"Hay naku Andrea, nakakasawa na kaseng pagmumukha ni Albert eh. Yun ba naman makita mu pagalis at paguwi mu ng bahay? " pagrereklamo niya.

"Aba teh!  Asawa mu kaya yan si kuya Albert. Malamang sa malamang siya talaga makikita mu pagalis at paguwi mu ng bahay. " mabilis at walang prenong sabi ni Andrea.

"Andrea.. Andrea,,  Ok ka lang?  Haha relaks! Ang puso! " si Ate Irene na medyu hinimas-himas pa ang likod ni Andrea, haha.

"Ate Irene naman ehh..  " tapos biglang bumaling ang tingin sakin ni Andrea. "Oy..  Ikaw.. Bat ang tahimik mu ha? " sinusundot-sundot nya pa ang tagiliran ko.. 

"Oo nga..  Problema mu ? Away kayo ng boyfriend mu? " usisa sakin ni Ate Irene.

"Oh.. Ako na naman nakita nyo? Ay te.. May masarap na kainan dun sa may downtown area. Puntahan natin mamya? Pag out? Dinner?  " pagiiba ko ng usapan.

"Ayon..  Change topic agad! Haha" sabay hampas ng mahina sa balikat ko ni Andrea.

"Oy di ahh..  Eh wala naman akong boyfriend diba? Pinapaalala niyo talaga sa akin eh no? Tsaka masarap nga dun. Pramis" ako.

"Ehh hanap na kase ng boypren ng may taga hatid sundo ka dito at ng di kana mahirapan mag-intay ng jeep sa paguwi. " si Ate Irene.

"Ehh Ate..  Di naman dapat daw hinahanap ang love. Dumarating yun sa tamang panahon. Tsaka di rin dapat yan minamadali. Kase daw pag nagmamadali, humahanap ng shortcut. At ang kadalasang nagsho-shortcut, nalilligaw. " ako na binubutingting ang loob ng aking bag.

"Wow! Galing naman ng speech na yun. Saang Webster dictionary mu nakuha yun? Haha benta! " napapalo pa ni Andrea ang lamesa at pagkatapos nag apir pa sila ni Ate Irene.

"Hay naku..  Tara na nga Dre.” Dre kase nickname nya... “ Akyat na tayo sa office.” Yaya ko ke Andrea. Nasa taas kase ang office nmin. Tindahan naman tong sa baba. Nagsusupply kase kami ng prutas sa mga mall at mga retail stores. Tsaka pati sa mga walk-in vendors. Yung mga nagbebenta ba ng mga prutas sa gilid gilid? Yung sa mga bangketa ba? Ganun.. Si Ate Irene naman ang bale counter sa baba. Receiver din siya ng mga bayad pag cash. Ang samin naman sa office ehh mga paperworks, basta mga government related na trabaho at yung mga nagbabayad ng cheke. Samin yun naka-asign. Kaya yun.

Halos every morning kong inaabangan yan si Earl. At eto nga, andito ako sa my counter sa labas. Nag-uusap ng mga kung anu-ano kina ate Irene at Andrea. Ang totoo, iniintay ko talaga siya. Bumabangon talaga ako ng maaga para maaga akong makarating sa office at makita sya kahit sulyap lang. At eto nga, ginagawa kong pampalipas oras ang pakikipagchismisan kina ate Irene at Andrea bago umakyat sa taas. At para rin intayin at abangan si Earl na dumating.

7:50 na ng umaga, kanina ko pa sila iniintay ng kanyang parents na dumating. Medyo malapit na rin time-in ko, 8:00 am. Pero gusto ko pa rin talga siya Makita, para bang di kumpleto araw ko pag di ko siya Makita o masulyapan man lang.  

 At eto nga, nakikita ko na ang service nila na paparating, siya ang nagdrive, katabi nya Papa niya at sa likuran naman nakasakay Mama niya,.ang gaganda talaga ng mga lahi nila.  Pagkababa niya, biglang talon ng puso ko ng bigla siyang napatingin sakin pero inalis nya agad sakin ang tingin at bumaling sa katabing unit ng office nila. Jusko! Kahit 1 second lang ang tagpong yun, sa loob-loob ko, kinikilig pa rin ako. Tinawag siya ng katabing unit nila sa kabila. Mga Chinese din ang may-ari. Siguro kakilala niya to.Nag smile siya dito. Naisip ko tuloy, kelan naman nya kaya ako ngingitian ng ganun? Yung para sa akin lang? Haaay. Grabe, nangangarap na naman ako ng gising. Tsk tsk.

Minsan namn, nung nakita kong parating na kotse nila at nasa my kanto pa ko, tinakbo ko talaga yun para lang maabutan ko sila at makita ko siya. Ganun pala talaga no? Kapag may gusto ka sa isang tao, malayo palang, kita muna agad. Kilala muna agad. Napabuntong-hininga ako. Grabeh. Baliw na talaga ako.

At dun ko napagtanto na dapat tigilan ko na to. Ako lang naman masasaktan pag pinatagal ko pa to diba? Ni hindi nya nga ako tinitignan eh. Siguro natitignan nga pero aksidente lang yung tipong, nakikita ka kase dun ang deriksyon kung san ipapark niya ang service nila? Yung ganun? Yung walang intension na tignan ka? Pero ako naman, halos, pagsawain ko na ang mata ko sa kakatitig ng likod niya pag papasok na sila sa loob. At tsaka di rin niya ako kilala... Tsaka wala rin naman akong mapapala. Crush lang to. Makaka move on din ako.

At yun nga. Kung dati eh perfect attendance ko syang nakikita, ngayun may sablay na. Di nako masyado maaga pumapasok. Tsaka di na rin ako masyado lumalabas ng office. Kase alam ko, eksaktong 11 am sila umaalis ng office para siguro mag lunch at eksakto ring 1pm nmn sila bumabalik. Haayy..  Oo, ako na talaga.

Paalis nako ng office. Saturday ngayun at sweldo. So bale punta muna ako ng mall para bumili ng bigas at bibili na rin ng mga personal kong gamit. Paglabas ko ng office, anjan pa kotse nila. Nagtaka ako kase 4 pm palang, umaalis na sila. Pero ngayon 5:30 na ng hapon, andito pa rin. Nagkibit balikat nalang ako at nagsimula ng lumakad. Walking distance lang naman ang mall galing sa office namin.

Nakapila na ako ngayun sa counter. Medyu mahaba ang pila kase nga madaming tao. Naiinip na rin ako ng biglang may kumalabit saking balikat galing sa likuran.

"Miss anung oras na? " natatawa pa ko kase baluktot yung tagalog ng nagtatanong. Nilabas ko phone ko sa bag at tinignan ang oras. Lumingon nako sakanya para sya sagutin.

"Ahhh..  Se----ven fort----y five?" halos di ko matapos ang sasabihin ko dahil sa kaba, excitement at nerbyos.  Dahil eto ngayon sa harap ko. Ang lalaking mahigit halos isang buwan ko nang tinitignan. Isang bwan ko ng sinusulyapan at ang isang buwan ko ng Crush.

"Ahh.  Sorry. Pero anu nga ulit? " at lumapit pa sya lalo ng konti sakin. Whoa! Naghahyperventilate nako. Isang dangkal. Isang dangkal nalang at nasa area of responsibility ko na sya.

Pero nakatanga pa rin ako sa kanya. Walang lumalabas sa bibig ko. Para akong naengkanto. Naestatwa ba. Ay ewan.! Jusko Lord! Nag smile lang sya at bigla syang tumingin sa baba. Kinuha nya phone ko saking kamay at nagpipindot. Tas bigla nyang hinarap sakin ang screen. Nakaregister dun.  "dialing.....  0946860****. " tas biglang nag end call. At binalik nya ulit sakin ang phone ko.

Tinignan ko ulit sya at dun ko nakita ang pinakamagandang ngiti sa tanang buhay ko.

"Its 7:45 Marriane". Pagkatapos nyang sabihin yun, bigla nyang nilapag ang basket nyang wala namang laman at umalis ng pila. Like seriously?

Pagkatapos kung mamimili eh nag-abang nako ng jeep ng biglang mag beep ang aking phone.

Fr: 0946860***

Hey Marriane .. 

Its me  Earl.. 

Ahh. 7:45 yun diba? J

At para akong sira ulong nakangiti mag-isa dun sa daan. Grabe. Oo. 7:45 . Yun ang pinakamasayang oras ng buhay ko.

BOSS 2 | COMPILATION OF ENTRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon