Chapter 15: First? Date

279 13 1
                                    

Lumabas na ako at nakita ko si kenneth nakatalikod habang nagpapabango.


"AHA!" tumalon ako sa tabi niya at nagulat naman siya hahaha,  inamoy ko yung damit niya


"Hmmm ang bango ni kenneth" nakapikit pa ako with feelings kaso pinitik niya yung noo ko


"Sira!" sabi niya sabay kinagat yung lower lip niya habang nakangiti hayyy nakakainlove siya nakakainis


"Saan na tayo pupunta?" nakangiti kong sabi sakanya habang naglalakad kami. Napapagod na ako kanina kaso hindi ko alam, bigla nalang nawala yung pagod ko.


"Kakain tayo, san mo ba gusto?" tanong niya, saan ko nga ba gustong kumain? Madaling araw na at wala naman na atang bukas na kainan. Huminga nalang ako nang malalim.


"Sige, ako nalang bahala" sabi ni kenneth, ngumiti nalang ako sakanya. Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makapunta kami sa sakayan.


"Anong gagawin natin?" tanong ko. Naweirduhan naman siya sakin


"Sasakay?" 


"Hindi I mean, diyan tayo sasakay?" tanong ko sakanya. Eyeke deyen!


"Ayaw mo mag fx?" takang tanong niya


"Oo eh, mag jeep nalang tayo. Pang jeep lang yung beauty ko" sabi ko sakanya. Nagsusuka kase ako sa mga fx o kaya taxi. Nung hinatid nga namin sila mama dati, natulog lang ako sa biyahe para hindi ako magsuka. Pumunta nalang kami sa antayan ng jeep at nag-antay, May pumapasada pa kaya ngayon? 1 am na.



"Kenneth!?"  hindi kaya gusto niya mag fx kasee, nakoo ano kayang binabalak sakin ni kenneth?


"Oh? Bakit?"


"San ba tayo pupunta? Magkano ba magagastos natin dun?"


"200 per head" 200 per head?! diba 200 pesos per night sa? waaaah hindi kaya pupunta kami sa sogo? Nakita ko pa naman yung poster ng sogo na 3 days for 200 pesos only


"Masarap dun siguradong matutuwa ka andrea" nakangiti niyang sabi, hala! bakit ngiting manyak si kenneth? Pinara niya yung patok na jeep at sumakay na kami. Kapag madaling araw parang tutumba yung mga jeep


"Kenneth!" magkatabi kaming nakaupo sa gitna at nakahawak kami ng mahigpit, nasa sampu lang kami nandito sa jeep ay 11 pala kase dagdag pa yung si manong driver.


"Oh?" lumapit ako para bumulong sa tenga niya


"Hindi kaya sa sogo tayo pupunta?! Kadiri ka na!" pagkasabi ko nun natawa siya at bigla namang humarurot ang jeep kaya gumewang ito.


"Baliw, basta masarap dun sa pupuntahan natin. Matutuwa ka" sabi niya sabay kindat. nako nako nako , kinakabahan ako dito kay kenneth


"Wag ka mag-alala, may ten thousand ako dito kaya magagawa natin lahat nang gusto mo" sabi niya


"Tala-" Hindi ko na natapos yung sinabi ko kase nagulat kaming lahat sa lalakeng biglang sumigaw


"HOLDAP TO! ITAAS NIYO YANG MGA KAMAY NIYO KUNDI BABARILIN KO KAYO!" nagulat kaming lahat sa lalaking nagsalita, barako! Nakatutuok ang baril niya sa tiyan ni kenneth at ang dalawa niya pang kasama ay nasa magkabilang dulo. Bakit hindi pinapakielamanan ng driver? Kasabwat ata.


"AMIN NA YANG CELLPHONE MO!" sabi ulit ng lalake sa katabi niyang babae, nangangatog yung babae sa takot, alam ko hindi ko dapat to maramdaman pero natatawa ako at hindi ko mapigilang hindi matawa hahahahaha nakakatawa kase yung pananakot ng holdaper talagang magugulat at mangangatog ka talaga hahahaha nakakagulat kase hahaha, tumungo ako at nagtakip ng panyo para hindi ako mapansin.


"Wag kang kabahan, andito lang ako sa tabi mo" kabado yung boses ni kenneth habang sinasabi sakin ang mga mga salitang yon, kaya lalo akong natawa hahaha! Naramdaman niya atang nangangatog ang katawan ko.


Natigil lang ang pag ngatog ng katawan ko kakatawa nang naramdaman ko ang kamay niya sa paghawak sa kamay ko. Nakatungo pa din ako. Ang lamig ng kamay niya, pero yung kamay ko biglang uminit



"ILABAS MO NA YANG PERA MO!" muling nangatog yung katawan ko nung narinig ko yung holdaper na samin na nakatutok, natawa ulit ako kaya nakatungo nalang ako. Hindi na ako pinansin ng holdaper dahil binigay agad ni kenneth yung wallet niya. At pagkatapos nun ay agad-agad umalis ang mga holdaper. Naluha ako kakatawa kaya nagpupunas ako ng mata ngayon



"Okay ka lang ba andrea?" sabi ni kenneth na nakahawak pa din sa kamay ko. Hindi ako makapagsalita kase baka matawa lang ako kaya tumango nalang ako. Napagdesiyunan namin pati nang ibang nanakawan na magpunta sa pulis at magreport.






730 Days with Andrea SantosWhere stories live. Discover now