[ 12 ] Family

17.8K 290 45
                                    

Click the Star Button on the upper right to Vote (:

Please vote guys. Nakakawalang gana na po kasi ituloy kasi parang ang konti ng nagbabasa :(

(Eric on the side)

-----------------------------

Chapter 12: Family


Pumunta sina Steffi, Eric at Faye sa condo unit na ibinigay noon ni Jico kay Steffi.


"Dito na lang tayo. Magluluto na lang ako ng kakainin natin" sabi ni Steffi kay Eric

"Mabuti nga siguro na ganun na lang. Mapapagod lang si Faye kapag lumabas pa tayo" pagsang-ayon ni Eric


Inutusan ni Steffi na mamili ng mga lulutuin ang yaya ni Faye kaya naiwan silang tatlo doon. Nasa sala sila at nanonood ng tv.


"Mommy, where is Stephen?" tanong ni Faye

"Stephen is with your tito Jico"

"I want to see him Mommy"

"You can go there tomorrow baby"


Umupo sa kandungan ni Steffi si Faye at niyakap ang nanay niya.


"I miss you Mommy!"

"I miss you too Faye"


Nilagay ni Eric sa cartoons ang channel ng tv para malibang si Faye. Gusto niya kasi na makausap si Steffi.


"Marunong na ba siya magsulat ng pangalan niya?" tanong ni Steffi

"Tinuturuan ko siya pero nahihirapan pa din siya"

"Ang tagal ko din siyang hindi nakasama"


Tumango lang si Eric sa sinabe ni Steffi.


"May mga pagbabago ba sa kanya? May mga nangyari ba na hindi ko alam?" nag-aalalang tanong ni Steffi

"Nahilig na siya sa panonood ng tv dahil wala siyang kalaro simula noong umalis kayo nina Jico"

"Bakit pakiramdam ko napapalayo na siya sakin Eric? Ganoon ba talaga ako katagal nawala?"

"Oo Steffi. Noong una palagi ka niyang hinahanap pero habang tumatagal, hindi na. Nasanay na din siya na wala ka"

"Ganun ba talaga ako kasamang ina?"

"Ikaw lang ang makakasagot nyan"


Natahimik si Steffi.


'Siguro nga masama akong ina. Nagawa kong iwan ang anak ko para lang makasama si ZAC. Siguro kung nagtagal pa na hindi kami nagkikita, nakalimutan niya na siguro na may nanay siya' sabi ni Steffi sa isip niya


Napatingin si Steffi kay Eric nang hawakan siya nito sa balikat.


"Bumawi ka na lang sa anak natin. Bumalik na tayo sa US at ituloy kung ano ang mayroon tayo doon. Masaya naman tayo noon, hindi ba?"

"Oo, pero--"


Hinawakan ni Eric ang kamay ni Steffi at tiningnan ito ng deretso sa mata.


"Mahal mo ang anak mo, hindi ba? Kailangan niya ng buong pamilya at kailangan niya ng nanay lalo na ngayon na lumalaki siya"

"Alam ko iyon Eric pero--"

"Pero ano Steffi?"


Inalis niya ang kamay niya sa pagkakahawak ni Eric at umiwas ng tingin.


"Pero hindi pa ako pwedeng bumalik ngayon. May mga bagay pa akong inaasikaso na hindi ko pwedeng iwanan"

"Trabaho? Mas mahalaga ba ang trabaho mo kaysa sa anak--"

"Hindi trabaho iyon Eric!"

"Kung hindi trabaho, ano?"


Natahimik si Steffi. Alam niyang siya din ang nakapaglagay sa sarili niya sa alanganin na sitwasyon dahil nadala siya sa nararamdaman niya.

'Kung alam mo lang na alam ko na ang lahat, hindi mo na kakailanganin pang magsinungaling sakin Steffi. Alam ko naman na mahalaga sayo si ZAC pero hindi ako papayag na unahin mo siya kaysa samin ng anak mo' sabi ni Eric sa isip niya

Nakatingin lang sa isa't isa sina Steffi at Eric pero walang nagsasalita sa kanilang dalawa.

"K-kailangan ko na turuan si Faye sa pagsulat ng pangalan niya. Mamaya na lang tayo mag-usap" pag-iwas ni Steffi

Nilapitan ni Steffi ang anak at inagaw ang atensyon nito.

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora