Story 3-Episode 33: eXeo

19.4K 468 57
                                    

"So it's true?" dumistansya ako sa kanya, "so kailan lang pala nagbago, ha?!" I tried to be calm, but I was unsuccessful. Napapahikbi ako at naluluha.

Napabuntong-hininga si Paul, "the very first day I met you in person."

"Fuck that! Do you actually think I am that dumb to believe that?"

"Believe it or not...it's the truth."

"So bakit? Huh?! Tapatalin mo nga ako. Bakit gusto mo akong patayin? Anong kasalanan ko sa 'yo?!"

Sandali munang natahimik si Paul, "kumplikado. Hindi ako sigurado kung maiintindihan mo."

Tuluyan na akong napaiyak. "Mas simple ba kung gagawin mo na lang? Go ahead..." ibinuka ko ang nga braso ko. "Kill me now. Wala namang ibang tao rito 'di ba? Why don't you just do what you got to do para matahimik ka na...para matahimik na rin ako. Wala na naman akong mauuwian eh. Wala na rin akong pamilya. Wala nang maghahanap sa 'kin kahit ibaon mo na ako sa lupa. 'Wag mo nang patagalin, Paul." Napaluhod ako sa kinatatayuan ko, "gawin mo na ang dapat gawin." Ibinaba ko na ang nga braso ko at yumuko.

"Nadine..." sa mababang tono.

Saglit lang ay nilapitan n'ya ako, itinayo at niyakap. Napahagulhol akong nakasubsob sa dibdib n'ya. "'Wag mo nang patagalin, Paul...'wag mo na akong pahirapan...do what you've got to do."

Sa isang saglit, tanging paghinga lang n'ya ang naririnig ko. Walang sagot. Walang paliwanag. Wala ring pagsang-ayon.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

Tumingala ako at kumalas. Extreme sadness is all over his face.

"What are you waiting for, Paul?"

"Hindi mo man lang ba aalamin kung bakit?"

"Akala ko ba, kumplikado?!" I hissed, "you even went as far as insulting my intelligence dahil sa duda mong baka hindi ko maintindihan. Bakit ko pa aalamin kung mamatay rin lang naman ako?! Para saan pa ang katotohanan kung pupunta rin naman ako sa hukay?!"

"Kung nasa plano ko pa ang patayin ka, we are not going to have this conversation."

"So...ano? Nagbago na ang isip mo? Hindi mo nga ako pinatay pero ibinihag mo naman ako sa islang ito? Para ano? Sex slave. Parausan? Personal Whor--"

"Stop!"

"Stop what?"

"Stop those wrong presumptions!"

"What wrong presumptions?"

"Na sinadya kong bihagin ka rito para maging sex slave o para--"hindi na n'ya masambit ang kasunod."

"What am I suppose to think then?"

"The truth." His tone is very low.

"What truth?!"

He gave me a soft gaze, "that you're here because I really want to protect you, from the real one who wanted me to kill you kapalit ng mga buto ng tunay kong mga magulang, at ng mas mahahalagang bagay na iniwan nila sa akin."

Tres EkisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon