Story 1-Episode 35: cXema

63.9K 1.3K 415
                                    

Animo'y baliw na nagsisigaw si Inay sa loob ng interrogation room. We were outside the one way mirror kaya hindi nito kami nakikita ni Third sa labas. Paulit-ulit na sinasabi niya...

"Isa siyang demonyo! Dapat lang siyang mamatay! Inilayo niya sa akin ang anak ko! Siya at ang Asawa ko! Mga hayup sila! Masasama silang tao! Bakit ako ang hinuhuli niyo? Alam niyo ba kung ilan ang ginahasa at pinatay nila? Demonyo! Demonyo si Segundo! Dapat lang siyang mamatay!"

Her hair was a mess. She looks different because she was wearing a red elegant dress. Her make-up's all smudged up sa kaiiyak, habang nakaposas naman ang kanyang magkabilang kamay.

"Mr. Carbone— I mean, Mr. Aguero, Miss Ferrer." Pagtawag ng punong imbestigador sa amin ni Thirdy. Sinenyasan nito kami na sundan na lamang namin ito papunta sa kanyang opisina.

Pero hindi pa man din kami nakakalampas ng pintuan, may narinig kaming nagkakagulo sa interrogation room. Agad na sumugod ang punong imbestigador sa loob. Sumunod kami Thirdy, bagama't nanatili kaming nasa labas ng one way mirror.

Hindi ako makapagsalita sa nakikita namin. Si Inay, naliligo sa sariling dugong nagmumula sa kanyang kaliwang leeg; may nakatarak ditong silver ballpen. Nangingisay na ito, samantalang halos lahat ay natatarantang pilit pinipigilan ang pagbugalwak ang dugong nagmumula sa kanya.

Ayon sa mga nagsusumbong sa punong imbestigador. Si Inay raw mismo ang nagtarak ng ballpen sa kanyang sariling leeg. Nakuha raw ito nito nang sinunggaban nito ang ballpen na hawak ng isa sa mga public attorneys na naroro'n. Mabilis daw ang naging pangyayari at hindi inaasahan, kaya hindi na raw nila napigilan pa ang ginawang iyon ni Inay sa kanyang sarili.

Bago pa mag-sink-in ang mga nangyayari sa akin. She was gone. Nakumpirma ko ito nang nilingon kami ng punong imbestigador; umiiling ito sa amin. I know I was supposed to be sad or maybe crying because of that, but I felt a slight guilt instead. Guilt because I just stood there,  watching my mother die.

Feeling empty.

Feeling nothing.

***

I wasn't allowed to get in with Thirdy, to access Safety Deposit Box 1865. Kaya hinintay na lang namin ito sa lounge ng bangko, kasama ang kanyang mga abogado, drivers at pitong bodyguards.

It took him a good 45 minutes to get out. Bitbit na nito ang kanyang Satchel na may laman—na binitbit nito sa loob kanina na wala pang laman. His face was serious as he was getting out of the restricted area. For that alone, I went nervous.

***

"Bakit ayaw mong ipakita sa mga abogado mo ang mga titulong ninakaw ni Don Segundo? 'Yung mga nakita mo sa safe box?" habang naghahanda na kami sa pagtulog.

Natawa siya, "Ikaw na rin ang nagsabi Sofia...It's really hard to trust anybody after all we've been through. And besides, I need to study them one by one first."

"Eh bakit ipinakita mo sa akin?" Nakabungisngis ako.

"Because..." Ngumiti ito sa akin.

"Because what? Malay mo pa kung kasabwat ako." Itinaas ko ang isang kilay ko.

"Kasabwat ka saan? Sa pagkuha ng kayamanan ng mga Aguero?"

Tres EkisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon